Wala ng nagsalita sa kanila kaya na mutawi ang katahimikan sa loob ng sasakyan, nang huminto ang kotse sa tapat ng police station ay naunang bumaba ang kanilang amo sinubokan naman ng dalaga na buksan ang pinto na malapit sa kanya ngunit hindi niya ito mabuksan naisip niya na baka sira o nakalock ito kaya nagdesisyon siyang sa kabila na lang dumaan kung saan lumabas ang lalaki na tumulong sa kanya. Bigla naman bumukas ang pinto sa gilid niya at nakitang nandoon ang lalaki na nakalahad ang kamay na mukhang aalalayan siya kaya inabot niya ang kamay roon at lumabas.
Pagkatapos nilang magbigay ng statement sa mga pulis ay kinulong naman ang lalaking muntik na siyang harassin. Napag-alaman nila na ang lalaki ay kasama ng lalaking kinausap niya sa lobby na gumawa pa ng gulo para lamang makausap ang Ceo ng hotel. Ang motibo nito ay naisipan niyang gawing regalo ang dalaga sa kaibigan nito dahil napansin nito na mukhang na tipohan siya at nais pagnasahan. Hindi naman makapaniwala ang dalaga naging balisa ito at nagkaroon ng takot para sa sariling kaligtasan. Nais sana ihatid ni Kenric ang dalaga ngunit tumanggi ito dahil sobra na daw ang kanyang pang-aabala sa binata kaya nagdesisyon ang binata na hintayin na makasakay ang dalaga at tiniyak na ligtas itong makakauwi. Kinuhaan niya pa ng litrato ang plate number ng taxing sasakyan ng dalaga.
"Can I get your number?" Tanong ng binata sa dalaga.
Napatingin naman sa kanya ang dalaga ng nagtatanong.
"I just want to make sure that you're safe going to your house, or if something happens like earlier, you can call me." Napatango naman ang dalaga at binigay ang cellphone sa binata.
Aksidente namang na pindot ng binata ang exit button kaya nakita nito ang wallpaper na mukha ng dalaga. Sandali siyang napatulala sa litratro nitong nakangiti at kita ang dalawang dimple sa magkabilang pisngi, he finds it cute as he looks at the wallpaper.
"Tapos ka na?" Tanong ng dalaga kaya na himasmasan naman siya at dali-daling bumalik sa contact app, mabilis niyang tinipa ang number niya at tinawagan. Nag-ring naman ang kanyang cellphone na hawak niya kaya sinave niya ang number ng dalaga sa kanyang cellphone ganun rin sa cellphone ng dalaga pagkatapos ay binalik na rin.
"Call me." Ngiti niya sa dalaga habang pinakita ang cellphone rito at sinara ang pinto ng taxi.
Sumilip ang binata sa bintana kaya ngumiti ang dalaga at kumaway, nagpasalamat ang dalaga sa binata kahit hindi narinig ang kanyang sinabi. Tumango naman ang binata, at sumakay na siya sa kanilang kotse.
"Sir, pupunta pa ba tayo sa charity event? we're 30 minutes late paniguradong nagsisimula na sila magdonate." Pagbibigay impormasyon ng secretary sa kanyang amo
"Hanggang anong oras ba yun?" Tanong nito at tinignan ang taxi na nasa harapan lamang nila dahil nauna itong lumabas at sila naman ay nasa likod
"9:00 pm" Tinignan naman niya ang pambisig na orasan at alas-siyete pa lang ng gabi.
"Sige, pero hindi rin tayo magtatagal doon" Inihilig naman ng binata ang kanyang ulo sa headrest at pumikit, dahil ramdam niya pa ang hangover marami siyang nainom kagabi na panay ang bigay sa kanya ng alak ng kanyang mga kaibigan na sumunod pa sa kanya galing Manila.
Nais lang naman niyang mapag-isa pero ang mga kumag ginulo siya at inaya siya, hindi siya pumayag pero pinagbantaan siyang ipapakalat nila ang litrato niya sa social media at magbibigay ng information tungkol sa kanya sa mga media. Hindi naman siya takot pero ayaw niya lang magulo ang tahimik niyang buhay. Kaya wala siyang nagawa at pinagbigyan ang mga ito, pero hindi naman niya ine-expect na pagkakaisahan siya ng mga ito. Hindi rin siya nakainom ng gamot kaninang umaga dahil may meeting siyang kailangan attendan at iyon na nga ang meeting sa hotel ngunit hindi rin siya naka attend dahil sumama ang kanyang tiyan, kaya ang secretary na lamang niyang si Xavier ang pinapunta niya.
"Sir, nandito na tayo." Pagbibigay alam ng driver niya.
Nagising naman siya at tamad na lumabas ng kotse, Inayos niya ang kanyang sarili bago naglakad kasunod naman nito ang kanyang secretary. Pagpasok sa entrance ay hinahanapan sila ng invitation card na agad namang binigay ng kanyang secretary. Habang papasok ay hindi maipagkakailang pinag-gastosan ito dahil na rin sa mga desinyo nito minimalist at mamahalin na decoration. Napailing na lang siya dahil mukhang hindi ito basta charity event, ang charity event na ito ay sa kanyang kaibigan na si Nathan Chen J. Corpuz.
"Hey! My friend it's nice to see you here, akala ko hindi ka na pupunta." Bati sa kanya ng binata na si Nathan
"Chen" nakipag-fist bump siya rito at tinapik ang balikat ng isa't isa
"Wala nga sana akong balak, pero baka gawin niyo ang sinabi niyo kagabi."
"Nagbibiro lang naman kami kagabi." Inakay naman nito ang binata sa loob at nakipag-usap sa ilang mga business man na naroon, pagkatapos ay umupo sila sa isang lamesa kasama ang iba pa nilang kaibigan ang secretary naman nito ay hinayaan niyang makipag-usap sa kapwa niya.
"Bakit late ka nang dumating? Don't tell me nag-chicks hunting ka muna." Tanong ng kaibigan nitong si Keegan at nagtawanan naman ang mga kasama nila
"Gag*, may tinulongan lang ako." Binato niya ang binata ng tissue na binasa niya muna bago binilog, tumama naman iyon sa mukha ng binata.
"Ikaw may tinulongan? Ang isang Kenric Hernandez na masungit at daig pa ang babaeng may regla." Hirit pa ni Keegan at tumawa naman ang mga kasama nila
"F*ck you" Pinakita niya pa ang kanyang middle finger sa kaibigan na tuwang-tuwa sa pang-aasar sa kanya.
"Wag mo akong itulad sayo na kahit ata matanda papatusin mo." Dagdag pa niya, inalok siya ng alak ni Mason ngunit tinanggihan niya at uminom ng tubig sa bottle water na nasa gitna ng table.
"As long as may asim pa, why not?"
"Gag*"
"P*ta"
"Kadiri"
Natawa na lamang sila at napailing naman siya sa tinuran ng kaibigan. Dahil puro ito biro sa lahat ng bagay at puro pagsasaya ang ginagawa hindi katulad niya na sobrang seryoso. Mayroon naman siyang pinagkakaabalahan at nakikisabay sa kalokohan ng mga kaibigan ngunit madalas lamang iyon dahil inuuna niya ang negosyo at mas pinipili na mapag-isa.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.