"Ate, anong oras ka na umuwi kagabi?" Tanong ni Mack
"10? Ay hindi 11? Hindi ko alam." Ani ko at humigop ng kape.
"Sa susunod na gagabihin ka ng uwi at lasing ka magsabi ka naman para hindi kami naghihintay sayo, pasalamat ka at may iilang stock ng pagkain diyan at nagawa ko pang magluto."
So hinihintay niya akong umuwi para lang magluto ng hapunan?
"Kaya niyo naman pala magluto hindi niyo na ako kailangang hintayin para ako mismo gumawa niyan. Anong silbi ng kamay mo kung hindi mo gagamitin?" Sarkastikong sabi ko, magsasalita pa sana siya pero umalis na ako baka kung ano pa ang masabi ko na hindi maganda.
Pagkarating sa kwarto ay umupo ako sa tapat ng bintana at sandaling pinagmasdan ang mga ulap. Sa tuwing nagkakaroon ako ng problema o di kaya na-istress ay pinagmamasdan ko lang ang mga ulap at ang paligid. Ilang minuto rin bago ako nagdesisyon na maligo para pumasok sa trabaho, ito ang unang araw ko bilang Front Manager. Pagkatapos kong maayos ang sarili ay tinignan ko ang sarili sa salamin.
Ito ang unang araw mo bilang Front Manager! So smile!
Pagkarating sa baba ay naabutan ko na nag-aaway si Papa at Mama yung away nila ay hindi katulad ng iba na nagsisigawan, nagmumura sa isa't isa o nagsasakitan. Ang away nila ay parang nag-uusap lang pero mababakas sa hitsura at tinig na naiinis ang isa sa kanila.
"Ano na naman ba ang ibeninta mo para may pangsugal ka ha!? Kailan ka ba titigil Lourdes!" Galit na ani ni Papa
"Wala ka na roon! Hindi naman gamit mo ang beninta ko, pag mamay-ari ko ang beninta ko!" Mama
"Anong pag-aari naman ang meron ka!? E halos lahat ata ng mga gamit mo dito sa bahay nabenta o di kaya naisangla mo."
"Itong bahay, pag mamay-ari ko ito hindi ba?"
"Ano!? Hindi lang sa'yo itong bahay, bahay ko rin ito at ng mga anak natin."
"Sa akin mo ito ipinangalan nakalimutan mo na ba?"
Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Mama ngayon, sa lahat ng pwede n'yang ibenta ay itong bahay pa?
"Ma—" Pinigilan ako ni Papa na sumabat at sumenyas na umalis na ako at pumasok sa trabaho.
Wala na akong nagawa kung hindi ang umalis kahit masama ang loob ko, hanggang sa makarating ako sa hotel ay hindi pa rin nawawala ang inis ko kay Mama. Minsan napapatanong ako sa may kapal kung bakit siya ang binigay sa amin bilang ina at asawa, kung nais lang din naman pala niya magsugal at magpakasaya sana hindi na lang niya kami niluwal sa mundong ito. Kung hahantong rin pala sa ganitong sitwasyon yung tipong pagkatapos pag-iponan at bilhin ang bahay at mga gamit ay biglang mawawala ng isang iglap ng dahil sa sugal.
"Bulaga!"
"Ay butiki!" Napasigaw ako dahil sa gulat.
"Kanina pa kita tinatawag alam mo ba yun?" Tinignan ko si Erick na ngayon ay tumatawa, ngayon ko lang napansin na nandito pala siya sa loob ng office ko.
Nang makarating ay napansin kong madami na rin ang tao sa loob umupo ako sa pangatlong upuan dahil ang department namin ang pinakaunang pinupuntahan sa hotel, sa front desk nagpupunta at nagpapareserve ang mga guest. Ngunit may dalawa pang upuan ang nasa gilid ko ang bakante hindi ko alam kung sino ang uupo rito ngunit sa pagkakaalam ko ay ang General Manager ang uupo at Director of Operations. Nakapabilog kami dito sa lamesa kaya halos magkakatapat ang ilang Manager ng department, katapat ko naman ang Director of sales and marketing.
"Good morning ladies and gentlemen." Bati ng General Manager nang ito ay pumasok
"Good morning Ma'am" Sabay-sabay naming bati at tumayo bilang paggalang
Sunod naman na pumasok ang Director of Operations ngumiti at tumango lamang ito, naghintay kami ng ilang sandali at pumasok ang isang naka all black na business suit, matangkad at mukhang may lahing chinese dahil medyo singkit ang kanyang mga mata.
Ito na ata ang Ceo pero parang hindi?
Ay ewan!
"Good morning, everyone! I am the CEO's secretary. The CEO won't be here today for some reason, so let's proceed with our agenda."
Seryosong nakinig ang mga kasama ko kaya naman itinuon ko na rin ang atensyon ko sa secretary, marami siyang pinakita sa amin na graph kung saan ipinapakita kung ilang guest ang na accommodate ng hotel at mga surveys. Maraming satisfied sa service ng hotel ngunit nitong mga nakaraan ay bumababa ang bilang ng mga nagbabakasyon dahil sa issue ng pagiging misteryoso ng Ceo.
"The CEO wants you to increase the low sales of the hotel within this month. When that happens, the CEO will give each of you a bonus."
"I guess to increase the hotel's sales, why don't we have an advertisement to attract wealthy individuals and those who want to vacation here at the hotel?" General manager
"I agree" Pagsang-ayon ng iba
"Well that's a good idea, we should choose a famous celebrity. Celebrity na may million followers at hindi pa nasasanggkot sa kahit anong issue." Suhestiyon ng Director of Operations
"In that case, we will pay him or her a million too, but I guess the CEO can pay that celebrity. Barya lang sa kanya iyon, just kidding." Biro ng Director of Finance
Natawa kami sa biro ng Director of Finance, ang secretary naman ay maliit na ngumiti. Hindi ko alam na ganito pala magmeeting ang mga higher ups akala ko mas seryoso sila dahil nung assistant manager pa ako ay lagi kong nasasaksihan o nakikita na seryoso sila lalo sa mga ganitong problema.
"What if mamili tayo sa mga employee's natin? Don't get me wrong hindi sa tinitipid ko ang advertisement at ang company natin. I know that our hotel deserves the best quality when it comes to our projects, but I think we should get one of our employee's as an endorser because our staff know every detail and every corner of this hotel that will surely the tourist well enjoy their staying here." Suhestiyon naman ng General Manager
Gusto ko sanang sumang-ayon sa kanya ngunit nahihiya akong gawin iyon lalo't kakapromote ko pa lang nung isang araw. Marami pa ang nagbigay ng suhestiyon para mapataas ang sales ng hotel, sinubukan ko ring magbigay ng suhestiyon kahit na sobra ang kaba ko na baka hindi nila magustohan ang suhestiyon ko. Ayaw ko naman na manahimk lang na parang nanonood lang sa meeting nakakahiya kapag walang ambag para sa hotel.
Bago matapos ang meeting ay sinabi ng secretary na lahat ng suggestion namin ay makakarating sa Ceo. Hintayin na lamang daw namin kung kaninong suggestion ang mapipili ng Ceo at tsaka namin ito pag-plaplanohan.
"Kamusta ang meeting?" Tanong ni Erick na biglang sumulpot sa gilid ko.
"Okay naman"
"Nakita niyo ang Ceo sa personal?"
"Hindi, secretary niya ang pumunta."
"Bakit? I mean bakit hindi nakapunta ang Ceo?" Sunod-sunod niyang tanong
"Malay ko tsaka bakit ka ba tanong nang tanong, don't tell me may gusto ka sa Ceo?" Biro ko dito at pumasok office
"Baliw! mukha ba akong bading na pumapatol sa kapwa? Tsaka masama bang magtanong? Na curious lang naman ako sa itsura niya kasi may nasagap akong chismis tungkol sa kanya."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya may lahi rin pala itong chismoso, napailing na lang ako dahil sa mga chismis na nasasagap ng mga kasama ko. As if I care sa mga chismis na kumakalat, marami na akong problema at ayoko ng madagdagan pa ang mga iisipin ko.
"Alam mo ikaw bumalik ka na sa pwesto mo at baka isumbong kita sa HR inuuna mo ang chismis, ano ang mapapala mo diyan aber?" pinamaywangan ko siya sa pagiging chismoso niya.
"Ito naman parang hindi rin chismosa"
"Ay hindi talaga, marami na akong problema at ayoko ng dumagdag pa sa iisipin ko ang itsura ng Ceo. Buhay niya yun okay? labas tayo sa pagiging mysterious niya, kung yan ang gusto niya let him be. Ano ba naman kayong mga tao kayo." Inis na turan ko at napabuntong hininga.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.