Ayah POV
"Okay chill ang aga-aga stress ka kaagad, sabi ko nga babalik na ako sa trabaho." Ani niya at mablis na lumabas ngunit ilang minuto pa lang ay nakarinig ako ng katok at nakita ko ang ulo niyang nakasilip, tinaasan ko siya ng kilay.
"What if pangit ang Ceo natin?"
Sa inis ko ay kinuha ko ang ballpen na nakalagay sa pen holder at akmang ibabato ko ng isarado niya. Narinig ko pa ang pagtawa niya ng malakas, napailing na lang ako sa kakulitan niya at ginawa ang mga dapat kung gawin bilang Front Manager.
Maghahapon na ng makalabas ako sa opisina sakto naman na naabotan ko ang ilang staff na pinapakalma ang isang guest na nagsisigaw. Lumapit ako sa isang staff at nagtanong para malaman kung ano ang nangyayari.
"Ma'am kanina pa kasi yan e, alam raw niyang nandito ang Ceo gusto raw niyang makita at makausap. Sabi namin wala dito ang Ceo kasi iyon ang sinabi ng secretary niya kanina kung sakali na may magtanong or maghanap. Pero ayaw nila maniwala at umalis, sinuntok nga nung kasama niya si Sir Erick e." Mahabang lintayan ng staff na mahihimigan ang kaba at takot
"Sige ako ng bahala." Ani ko at pumunta sa kinaroonan ng guest na mukhang walang balak umalis.
Pag ito hindi nakinig sakin sasapakin ko 'to, maiksi pa naman pasensya ko pasensyahan na lang.
"Hi, Sir Good Afternoon! How can we assist you? Do you have a reservation?" Pukaw ko sa lalaking na iinis at balak ulit sapakin si Erick na kinwelyuhan niya.
Tinignan lang ako nito at binitawan si Erick, agad naman siyang kinuha ng mga staff na nasa likod ko lamang. Nginitian ko lamang ito nang napakaganda kahit gusto ko na siyang tirisin na parang kuto ng aso. Ang lakas ng loob niyang saktang ang isa sa mga tauhan ko.
"I'm Ayah, the manager here" sambit ko pa dahil mukhang wala itong balak na magsalita, tinignan lamang ako nito at napabuntong hininga ng malalim at tumingin sa ibang direksyon at binalik rin ang tingin sa akin.
Ano titigan na lamang ba tayo dito? gusto kong isa tinig ngunit sinarili ko na lamang baka lalo pang magkagulo kapag ginawa ko iyon.
"M-May boyfriend ka na ba?" I slightly furrowed my brow at his question, but the smile never left my face.
"Sir?" Inosente kong tanong
Nakita ko naman na pinalo siya ng kasama niya sa braso at masama ang tingin sa kanya.
"Nasaan ang Ceo niyo ilabas niyo siya!" Matigas niyang sabi.
"Sorry Sir, but our CEO is not here. However, you can check in to our hotel, we have a 30% discount that is valid only until today." Saad ko
"Wala kaming balak magcheck in dito sa pangit niyong hotel!" Galit nitong sabi
Pangit? Mas pangit ka.
"If you check in, you'll have free breakfast and lunch, and you'll also have access to the pool area." Pangungumbisi ko at nagbabakasakaling mawala ang tensyon sa paligid na sila mismo ang gumawa.
"Alam mo Ms—"
"If you don’t plan to check in, may I kindly ask you to leave quietly? Our guard will assist you, Sir." Nakangiti kong sabi at sakto naman na dumating ang dalawang guard.
"Sir, umalis na po kayo bago pa ho kami magpatawag ng pulis." Pakiusap sa kanila ng guard.
Nang makaalis sila ay tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag, nilapitan ko ang mga kasama ko at kinamusta ang lagay ni Erick.
"Oh my god! Kanina parang siga lang sa kanto kung magsisigaw tapos ng makita ka beshy tumiklop."
Tinawanan ko na lamang siya at sinabihan na dalhin si Erick sa clinic.
"Thank you nga pala kanina" Erick
"Naku wala yun tsaka wala naman akong masyadong nagawa kanina kung tutuosin na huli pa nga ako ng dating e."
"Hindi sakto nga lang e, kung hindi ka siguro dumating nasapak ko na siguro yun."
"Dapat pala hindi na ako dumating para nakabawi ka biro lang. Baka ako naman pagalitan ng nasa taas pagnagkataon" natawa naman siya
"Anyway dahil utang ko sayo ang buhay ko, I treat you a dinner shall we?" Pag aaya niya at binuksan ang pinto ng office ko
"Wala yun hindi mo na ako kailangan ilibre pa, besides ako ang manager niyo so kasama yun sa tungkolin ko."
"I insist whether you like it or not ililibre pa rin kita." Bigla niya akong inakbayan habang naglalakad sa hallway
"Ano ba! Baka pagchismisan tayo." Saway ko dito at tinanggal ang kamay niyang nasa balikat ko
"Hayaan mo sila wala naman sila mapapala sa chismis."
"Dedma sa chismis"
"Dedma sa issue" Sabay kaming natawa
Napatigil kami sa paglabas ng hotel dahil papunta sa gawi namin ang secretary ng Ceo, agad naman akong humiwalay kay Erick at ngumiti sa secretary. Baka bigla kaming pagalitan dahil naging PDA kami dito sa loob ng hotel.
"Good evening Sir" Bati ko tinanguan naman niya ako at ngumiti ng maliit.
"Good evening Ms. Lauron, Can I talk to you for a minute?"
"Yes, Sir" Bumaling naman ako kay Erick at sumenyas na hintayin ako sa labas, tumango naman ito kaya naman sumunod na ako kay secretary.
Ito na nga ba ang sinasabi ko hindi pa kami na chichismis pero mukhang papagalitan na. Pumasok kami ng elevator na papuntang 3rd floor at pumasok sa isang kwarto na sa tingin ko ay office ng isa sa mga manager din pero taga ibang department nga lang.
"Take your seat" Senyas niya sa sofa na nasa gilid umupo naman ako
"Kanina I saw two guy hinahanap ang Ceo may sinabi ba silang dahilan?" Tanong nito kaya inalala ko naman ang nangyari kanina.
"Wala po" Sagot ko at umiling
"I see, anyway if that happens again tell them that the Ceo is not here and make sure that no one is gonna hurt again"
"Yes, Sir I apologize for being irresponsible manager and let them hurt my co-worker" Paghingi ko ng tawad sa pagiging pabaya ko bilang manager
First day pa lang palpak na paano pa kaya sa susunod.
"Apology accepted"
"Thank you Sir, mauna na po ako sorry po ulit." Paghingi ko ng tawad at lumabas ng office
Biglang tumunog ang aking cellphone at nakita kong tumatawag ang aking kapatid.
"Hello"
"Ate si Mama beninta yung tv natin"
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.