"Bakit? At kanino na naman niya beninta?"
"Kay Aling Mercy yung taga kabilang barangay, sabi niya kailangan niya raw ng pera at hindi rin naman ginagamit"
"Paki sabi kay Mama— Aray!" Natumba ako dahil hindi ko napansin na nabangga na pala ako ng isang tao na matigas ang dibdib, sinubukan kong tumayo at tinignan kung sino ang nakabangga ko dahil minsan ay may pagka clumsy ako at pati pader at poste ay nababangga ko nang hindi ko namamalayan.
Habang sapo ko ang balikat ko ay may humawak sa magkabila kong siko at tinulongan akong tumayo.
"Sorry Ms I didn't see you" Paghingi ng tawad nito
"No, Sir kasalanan ko po. Sorry po" Pag-amin ko dahil hindi talaga ako naka focus sa dinaraanan.
Dinampot niya ang cellphone kong nahulog at binigay sa'kin, humingi ulit ako ng dispensa at sumakay na sa elevator dahil hindi ko na makayanan ang hiya. Pasara na ang elevator nang pumasok ang nabangga ko na lalaki at kasunod niya ang secretary ng CEO hindi ko alam kung ano ang irereact ko dahil kasama ko dito sa loob ng elevator ang nabangga ko. Naiilang ako kaya tinignan ko na lang ang cellphone ko na nahulog at nagpasalamat na hindi ito nabasag at mukhang pinutol na ng kapatid ko ang tawag.
Hindi ko maiwasan na mapasinghot ng palihim dahil parang pamilyar ang amoy ng perfume bigla kong naalala kagabi yung lalaking tinulongan ko katulad ito ng amoy niya. Gustohin ko man lumingo sa gilid ko ay hindi ko magawa dahil baka mapagkamalan pa akong may paghanga, tumingin na lamang ako sa pinto ng elevator kung saan makikita ang repleksiyon namin ngunit hindi ganun kalinaw dahil may pagka blur ito.
Bahagyang naningkit ang aking mata na pinakititigan ang itsura niya pero hindi ko talaga makita ng malinaw nakita ko naman ang itsura niya nang humingi ako ng tawad ngunit hindi ko gaanong na pakatitigan dahil mabilis akong makalimot ng mukha ng tao kapag hindi ko ito napagmamasdan ng mabuti.
Bakit ba ako nag-aabala na tignan yung nabangga ko, may gusto na ba ako dito? Oo nga at gwapo pero kasi parang pamilyar, parang nakita ko na siya somewhere. Bahala na baka imahinasyon ko lang ito, pagbukas ng elevator ay nauna na akong lumabas dahil hindi ko na kinakaya ang kahihiyan na ginawa ko. Pagpunta kong parking lot ay wala si Erick doon pati na ang sasakyan nito kaya nagdesisyon akong tawagan ito pero napansin ko na may message ito sa messenger.
Messenger
From Erick:
Ayah, sorry bawi na lang ako bukas may emergency sa bahay e.
To Erick:
Sige, bukas na lang
Pagkatapos kong magreply ay umalis na ako ng parking lot at nagbook ng grab dahil pahirapan ang pagsakay ngayon dito mangilan-ngilan lang kasi na taxi ang pumapasok dito sa hotel. Kailangan pang pumunta sa unahan ng bar na pinuntahan namin kagabi. Hinintay ko na lamang ang grab sa may waiting shed na malapit dito sa parking lot.
Third Person POV
"Sir, diretso na ba tayo sa charity event ni Mr. Corpuz?" Tanong nito sa lalaking nakaupo sa backseat ngunit wala itong imik
"Sir?" Tawag pansin niya rito ngunit ganun pa rin ito nakatulala at nakatingin sa kung saan
"Mr. Kenric C. Hernandez" Buong tawag niya sa pangalan nito dahil sa inis.
Natauhan naman ito at tumikhim.
"Yes?"
"Diretso na ho ba tayo sa charity event ni Mr. Corpuz?"
Tumango lang ito bilang sagot, siya naman ay napabuntong hininga dahil sa kalutangan ng kanyang boss. Bumaling siya sa labas ng bintana at nahagip ng kanyang mata ang front manager na kausap niya kanina. May kausap itong lalaki na nakahawak sa palapulsohan niya at tila hinihila ito. Nangunot ang kanyang noo dahil mukhang hindi ito komportable at nagpupumiglas.
"Stop the car." Narinig niyang utos ng boss niya sa driver
Huminto ang kotse sa di kalayuan sa waiting shed at bumaba naman ito, binaba niya ang bintana para tawagin ito ng marinig ang sigaw ng babae.
"Tulong!—" Tinakpan ng lalaki ang bibig ng dalaga
May kadiliman sa kinaroroonan ng kotse nila kaya hindi ito makikita agad, nakita niyang tumakbo ang kanyang boss at walang pag-aalinlangan na sinuntok ang lalaking nasa likod ng babae. Hindi naman napansin ng lalaki ang kanyang boss dahil abala ito sa babaeng nagpupumiglas, may kalakihan ang lalaki kaya hindi magawang makatakas ng dalaga dito dahil sakto lamang ang katawan ng dalaga at mukhang mahina na madalas puntiryahin ng mga lalaking sira ulo at masama.
Nakawala ang babae at tumakbo sa likod ng kanyang amo, pinalayo naman ng amo niya ang babae at sinapak ang lalaking nang ha-harass sa kanya. Napangiwi siya sa ginawa ng kanyang amo dahil mukhang gigil na gigil ito, suntok at tadyak ang ginawa ng kanyang amo. Nakita naman niya ang dalaga na kinuha ang cellphone nito at may tinawagan. Nang matapos ang kanyang amo sa pambubugbog dito ay pinadapa niya ang lalaki at nilagay ang kamay sa likod nito para hindi makatakas at inapakan ang kamay na nasa likod nito. Tumunog naman ang cellphone ng katabi niyang driver at mukhang pinapapunta siya doon.
"Sir, baba lang ako." Paalam nito at tumango lamang siya.
Ilang sandali lamang at nakarinig sila ng sirene ng pulis mukhang ito ang tinawagan ng babae na nakaupo sa gilid. Ang driver naman na tinawag ng kanyang amo ay nakahawak sa lalaking binugbog ng kanyang amo at ibinigay sa mga pulis. Nakipag-usap ang isang pulis sa babae na ngayon ay inaalo ng kanyang amo, may dumating naman na grab at kinausap ito ng babae pero nakasunod pa rin ang kanyang boss. Nakitang pabalik na ang kanyang amo kasama ang babae kaya bumaba siya at pinagbuksan ang mga ito, hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ang dalaga.
"Sundan mo ang kotse ng mga pulis pupunta tayong presinto magbibigay lamang ako ng ilang statement pati na itong dalaga" Utos ng kanyang amo
"Copy Sir" Sagot ng driver at sumunod sa utos
"Shshs Stop crying na, you're safe now." Pag-aalo ng kanyang amo, Inabot naman niya ang tissue na nakalagay sa dashboard.
"Thank you" Pasasalamat ng kanyang amo
Tinapat naman ng kanyang amo sa dalaga ang tissue at kumuha naman ito doon. Ilang oras din at tumahan na ito at panay na lang ang singhot.
"Thank you for saving me and sorry po sa abala." Basag ng dalaga sa katahimikan
"Don't worry about it, you're not abala. Sadyang napadaan lang kami sa harap ng waiting shed at hindi naman tama na pabayaan ka na lang namin sa kamay ng lalaking iyon."
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.