"Sige ate" Rinig kong sagot niya bago ako tuloyang makapunta sa tindahan ni Aling Inday.
"Pabili"
"Ano yun?" Tanong ni Aling Inday na kalalabas lang mula sa kanilang bahay.
"Hotdog nga po tsaka 3 itlog alat meron din ba kayong kamatis?" Tanong ko
"Meron, ilan?"
"Dalawa"
"Sige, sandali lang"
"Ano pa?" Tanong ni Aling Inday nang makabalik dala ang hotdog, 3 itlog alat at 2 kamatis.
"Isang litro ng coke"
"143 lahat, alam mo ba hija na umutang ulit ang nanay mo dito sa tindahan ko."
"Magkano po lahat ng inutang niya?" Tanong ko
"Mga 300 lang naman, naku iyang nanay mo hilig umutang hindi naman nagbabayad. Naturingan na ilaw ng tahanan pero siya pa ata ang nagpapadilim sa bahay niyo, biro lang hija."
Natawa ako sa kanyang sinabi. "Aling Inday pwede po bang next week ko na bayaran ang utang ni nanay kasi next week pa ang sweldo ko."
"Ay sige okay lang, sa totoo lang parang hahaba ulit ang listahan ng utang niyo sa'kin dahil sa nanay mo" Mahina niyang sabi sakto lang para marinig ko.
"Ganun po ba, sige po mauna na ako." Paalam ko at umalis na ng tindahan ni Aling Inday
Pagkarating sa bahay ay naghanap ako ng iba pang ingredients na pwede kong ihalo sa hapunan namin ngayon, nakita ko ang isang pancit canton na nasa cabinet kaya niluto ko na at naghiwa ako ng dalawang hotdog na maninipis para ihalo sa pancit canton. Pagkatapos magluto ay inilagay ko na sa lamesa ang niluto ko na fry hotdog, Pancit canton with hotdog at isang maliit na mangkok na itlog alat na may sibuyas, kamatis at suka.
"Mack! halika ka na kakain na" Pagtawag ko sa aking kapatid.
"Sige ate itatabi ko lang itong mga gamit ko." Sabi ni Mack at akmang aakyat sa taas nang pigilan ko.
"Pakitawag na rin si Mama" pahabol ko
"Sige ate"
Habang hinihintay silang bumaba ni mama ay inasikaso ko ang iba pang kulang sa lamesa. Nang makaupo ako ay sakto naman ang pagbaba ni Mama sa hagdan kasunod niya si Mack.
"Oh ang aga mo naman umuwi" Sabi ni Mama at umupo sa harapan ko
"Ito lang ang ulam?" Tanong niya
"Oo Ma, kasi next week pa yung sahod namin e pagpasensyahan mo na Ma."
"Yey! my favorite hotdog" Masayang kumuha si Mack ng paborito niyang hotdog
"Kumuha ka lang ng tama para may makain pa si papa pag-uwi niya." Sabi ko at nagsimula na magsandok ng kanin
"Kahit wag mo ng tirahan ang tatay mo paniguradong may dala yung pagkain pag-uwi." balewalang sabi ni mama at nagsandok ng kanin at kumaha ng tatlong hotdog at maraming pancit canton, isa lang ang pancit canton at nangalahati ito dahil nga marami ang kinuha ni mama.
"Oh anong tingin yan bawal ba maraming kainin?" Tanong ni mama nang mahuli niya na nakatingin ako sa kanyang plato
"Hindi naman po" Sabi ko na lang at kumuha ng isang kutsarang itlog alat since marami itong nagawa ko.
Nagising ako dahil sa ilang katok sa pintuan kaya naman tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras na at 11:20 PM na ng gabi sino kaya iyon, lumabas ako ng kwarto at sumilip sa maliit na butas sa pintuan namin nakita ko si Papa na mukhang pagod at may hawak na isang supot ng plastic. Pinagbuksan ko ng pinto si Papa at kinuha ang bag niya at ang dala niyang supot.
"Bakit gabi na kayo nakauwi Pa?" Tanong ko at inilapag sa upuan ang bag niya at tinignan ang supot na dala niya, tama nga si Mama may dala siyang pagkain.
"Hapon na rin kasi kami nakaalis doon sa pinuntahan nung nagrenta ng van kaya ginabi na kami tapos traffic pa, kumain na ba kayo?" Tanong niya at umupo sa single sofa na nakaharap sa TV at may maliit na table sa gitna.
"Opo tapos na po, kayo po?"
"Hindi pa" Sagot ng ama niya at tinanggal ang sapatos.
"Sige po ipaghahanda ko lang po kayo." Ani ko at pumunta na ng kusina
"Salamat anak magbihis lang ako ng damit." Sabi ni Papa at tinapik ang balikat ko.
Ramdam ko ang pagod ni Papa kaya naman naaawa ako sa kanya kahit pa may trabaho na ako, pakiramdam ko hindi pa rin sapat dahil sa mga utang ni Mama at itong bahay dahil sinangla niya ito sa pinagkakautangan niya nang matalo siya sa sugal.
"Anak magpahinga ka na may pasok ka pa bukas." Sabi ni Papa at umupo para kumain na
"Pagtapos niyo na lang pong kumain ako na maghuhugas."
"Ay hindi na, ako na maghuhugas nito."
"Ako na Pa kain lang kayo diyan" Pagpupumilit ko at umupo sa sofa
"Ako na baka may pasok ka pa bukas."
"Ano ba ang ingay niyo gabi na!" Sigaw ni Mama at sumilip sa taas ng hagdan
"Paghuhugas lang ng plato pag-aagawan pa itapon niyo na lang para walang huhugasan." Dugtong niya at malakas na sinara ang pintuan ng kwarto nila ni Papa.
Malalim na napabuntong hininga na lamang si Papa at nagpatuloy sa pagkain.
"Sige na Ayah matulog ka na ako na ang bahala rito." Ani ni Papa at nagligpit ng kayang kinainan
Umakyat na lamang ako para wala na ring gulo baka bumaba ulit si Mama at kung ano-ano ang sabihin.
"Hay naku bes ako ang naiimbyerna sa Nanay mo ah" Ani ni Jasmine habang naglalagay ng foundation sa mukha.
kwinento ko kasi kila Jasmine at Bella ang nangyari kagabi.
"Uy Nanay ko pa rin yun" Saway ko at sinara ang locker ko.
May locker area kaming mga staff kung saan inilalagay ang mga gamit namin meron ding Cr hiwalay sa mga guest ng hotel.
"Buti na lang good ang mother earth ko." Sabi niya at sinara ang locker nito.
"Walang may pake at isa pa hindi naman ginusto ni Ayah na maging ganun ang Nanay nya, kung pwede lang pumili ng magulang e." Singit ni Bella
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.