"Hay nakakapagod ang araw na 'to ang daming turista" Angal ni Bella
"Naku ang sabihin mo gusto mo nang umuwi, tama?" Tanong ni Jasmine
"Ay! alam na alam bff talaga kita" Nag-apir silang dalawa at tumalon
"Yes! ako pa!" Ani ni Jasmine sabay flip ng buhok na akala mo meron talaga
Sa totoo lang lalaki talaga si Jasmine at ang pangalan niya ay Benjamin, ayaw niya sa pangalan niya dahil mabantot daw at hindi bagay sa kagandahan niya.
"Malapit na pala out natin" Sabi ko at nagligpit na ng mga gamit dahil kailangan kong umuwi agad dahil walang magluluto sa bahay si mama ay nasa usual place niya sa pasugalan. Si papa naman ay gagabihin ng uwi dahil nasa byahe siya, isa siyang van driver. Malapit lang ang pinagtratrabahoan niya kung saan kami nakatira, may mga tourist na nagrerent ng van at nililibot ang ibang parte ng isla.
"Buti naman at makakapagpahinga na tayo dahil stress na ang beauty ko" Usal ni Jasmine at inunat ang kanyang magkabilang pisngi.
"Saan banda?" Pambabara ni Bella
"Ay naku ISABELLA wag ka na dumagdag kitang haggardious versoza na me" Maarteng sabi niya at inirapan si bella.
"Oa" Umirap si Bella at kumapit sa braso ko ng makalabas kami ng Hotel De Palacio
"Pag-inggit pikit" Pang-aasar ni Jasmine
Tinawanan ko lang ang dalawa na parang aso't pusa kung mag-away.
"By the way alam niyo na ba ang chika?" Tanong ni Bella
"Hindi, hindi naman kami katulad mo chismosa" Sikmat ni Jasmine
"Sus hindi daw" Sabi ni Bella sabay irap
"So ito na nga darating ang CEO ng HDP next, next week."
"Next, next week pa pala e." Jasmine
"Pero sabi ni Ma'am Freya maghanda daw tayo baka raw kasi biglang pumunta kahit na next, next week pa. Minsan daw kasi nambibigla iyon, yung tipong nag-announce ng visit niya na Sunday tapos biglang naging Saturday. Oh diba?" Bella
"Ay mahilig pala yung CEO natin mang-suprise sana siya rin isuprise ako" Pagpapantasya ni Jasmine
"Wag ka na dun umasa piniperahan ka lang nun, diba Ayah?" Tanong ni Bella sakin
"Parang hindi naman, grabe ka naman mang-judge. Isipin mo ah in the world full of judmental people pinaglaban ni Jasper ang pagmamahal niya kay Jasmine sa parents niya at sa relatives niya even though tutol sila sa relasyon nilang dalawa. Hindi lahat kaya iyon gawin, parang sa sampung tao isa lang yung kaya gumawa nun" mahabang turan ko.
Dahil sa totoo lang rare lang yung ganoong lalaki, mustly mga cheater na at red flag yung mga nasa paligid.
"Paano wala kasi siyang ganun" Jasmine at sumakay na sa likod ng tricycle driver at kami naman ni Bella ay sumakay sa loob, tatlo lang ang kasya sa isang tricycle kaya naman umandar na rin ito. Parehas kami ng baryo ni Jasmine si Bella naman ay sa kabilang baryo pa.
"Wala akong paki" Bulong ni Bella
"Ikaw talaga ang bitter mo, bakit hindi mo na sagutin yung manliligaw mo?" Tanong ko habang nasa biyahe pa dahil medyo may kalayuan ang baryo sa HDP.
"Nag-hehesitate ako, ewan ko pero iba yung pakiramdam ko kapag kasama ko siya" Sabi niya at sumandal sa balikat ko.
"Ano ba nararamdaman mo?" Tanong ko
"Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit. Tapos madalas pa niya akong tanongin kung kailan ko siya sasagutin para siyang nagmamadali, at may nalaman rin ako tungkol sa kanya sinabi ng kaibigan niya sakin yung tahimik"
"Ano sabi niya?" Tanong ko
"Sabi niya bukod sa'kin may iba pa raw yun nililigawan nung una hindi ako naniwala pero noong nakaraang linggo sinama niya ako akala ko trip niya lang ako hilain bigla at isama sa kung saan partida wala pa akong suot na bra noon super nakakakahiya! Pero buti na lang makapal yung suot ko na damit. Kaya hindi pansin pero nakakahiya pa rin oh my gosh!. So ayun nga pumunta kami sa mall pumasok kami sa Arcade tapos tinuro niya iyong katapat na resto buti naka-glass wall sila so nakikita yung nasa loob makikita rin yung nasa labas maliban yung mga may divider na lamesa. Nung una hindi ko na gets bakit kami naroon tapos bigla niyang sinabi na maghintay ako ng ilang minuto, Habang naghihintay naisip ko na lumipat ng ibang lugar yung hindi kami makikita. Tapos pagkaraan ng 5 minutes nakita ko si James may kasamang sexy na babae mas sexy pa sakin" Kwento niya.
"Tapos yung babae todo kapit sa braso ni James tapos itong si James naman todo rin kapit sa bewang nung babae may biglang pagpisil ng pwet pa nga e. Medyo nandiri ako dun, sa public niya pa talaga ginawa tapos yung babae parang wala lang sa kanya at may binulong. At pumasok na sila ng resto pumwesto sila sa harap"
Habang kwinikwento niya ang nalaman niya ay nakaramdam ako ng inis kay James kasi para na rin niyang niloloko ang kaibigan ko. Nag-promise pa ang loko sa amin ni Jasmine na hindi niya loloko at sasaktan itong kaibigan namin pero sa ginawa niya ay mas lalo akong naniwala sa sinabi ni Jasmine noong una pa lang na sinubukan niyang lumapit sakin at nang hindi siya magtagumpay ay kay Bella naman.
Dati ko kasing manliligaw yun pero hindi rin nagtagal kasi binasted ko kaagad kasi hindi ko naman siya gusto kahit na anong gawin ko ay hindi ko talaga magawa na magustohan si Jasper. Nang malaman ko na niligawan niya si Bella ay nagulat ako, alam ni Bella ang tungkol sa nangyari sa amin kaya sinubukan niyang layuan si James ng dalawang taon. Pero dahil mapilit ito at umabot na nga ng dalawang taon ay pinayagan na niya ito manligaw, ngayon ay magdadalawang buwan na siyang nililigawan nito pero mukhang hindi niya na sasagutin si James kahit pa nangulit siya ng dalawang taon. Para sa akin malaki ang sinayang niya, sinayang niya ang kaibigan ko para lang sa sexy, sexy rin naman si Bella may hitsura.
"Hayaan mo iyon, may iba pa namang lalaki dyan sa paligid yung mas better at kaya kang itrato ng tama" payo ko.
"Pero sayang rin yung dalawang taon na pangungulit niya sakin tapos ganun lang gagawin niya. Sana sinabi niya na lang na hindi niya ako gusto hindi yung ganito"
"Pero ang tanong totoo ka ba talaga niyang gusto? o baka wala lang siya mahanap na iba 2 years ago"
"Anyway malapit na pala tayo sa baryo niyo" pag-iiba niya ng usapan
"Oo nga no, hindi ko napansin dahil sa kwentohan natin"
"Manong sa tabi lang po" Jasmine
Huminto ang tricycle sa gilid ng arko papasok sa baryo namin kaya bumaba na kami
"Bye, Bella ingat ka" Sabi ko
"Ingat sila sayo bakla" Jasmine
"Bye, dapat lang na mag-ingat sila sakin" Biro pa bi Bella at umandar na ang tricycle.
Medyo malayo ang baryo niya samin at talamak ang mga loko sa lugar nila kapag gabi. Nawa'y gabayan niyo siya panginoon.
"Bakla, ano yung pinag-usapan niyo ni Bella kanina sa loob? Hindi ko kayo marinig kasi ang ingay ng tricycle e, idagdag mo pa na nasa likod ako." Usisa ni Jasmine
"About lang kay Jasper"
"Yung dati mong manliligaw? Na ngayon ay si Bella naman ang niligawan, ano na naman ang ginawa nun?"
kwinento ko ang pinag-usapan namin ni Bella kanina sa loob ng tricycle at randam ko ang gigil niya.
"Ang lalaking yun sinasabi ko na nga ba"
"Kalma" Pagpapakalma ko dahil mukhang gusto na niyang sumugod, kapitbahay pa naman niya iyon pwede niyang masugod anytime.
"Sino ang kakalma sa lalaking tulad niya?" Galit niyang tanong
"Don't worry hindi na siya sasagutin ni Bella safe na ang kaibigan natin."
"Dapat lang! Hindi niya deserve si Bella"
"Ay sige dito na ako, see you tomorrow Jasmine." Paalam ko at nakipagbeso sa kanya.
"Sige bye, see you tomorrow rin."
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ang kapatid ko na mukhang gumagawa ng takdang aralin.
"I'm home!" Ani ko
"Hi ate" Masayang bati sa'kin ni Mack
"Si mama?" Tanong ko at umupo sa sofa.
"Nasa kwarto natutulog." Sagot niya at may kinuha siyang papel sa ilalim ng libro niya.
"Ate may ipapakita ako sayo pero wag ka magugulat ah." Sabi niya at tinago sa likod niya ang papel na hawak niya mukhang ayaw niya na makita ko agad.
"Sige ano iyon?"
"Tadaaa!" Pinakita niya ang hawak na papel.
Napangiti ako ng mabasa ko ang nakasulat sa papel Mack Lauron Academic Excellence Award.
"Wow! Ang galing naman." Masayang bati ko at niyakap siya.
"Syempre ako pa" Proud niyang sabi at nag-pogi sign.
"Mag-aral ka pa ng mabuti proud si ate sayo, ano gusto mong reward?" Tanong ko
"Gusto ko ng chocolate Ate tsaka ikaw dapat ang umakyat next week sa recognition ko."
"Chocolate lang? Kailan ba?" Tanong ko
"Oo, May 16"
"Ay mapasok ako niyan pero sige try ko maghalf day, anong oras ba?"
"10:00 A.M pero dapat 9:00 o'clock nandoon na kasi 9:30 magsisimula na ang processional."
"Sige, sandali nagluto na ba si mama ng ulam?" Tanong ko
"Hindi pa nga e, nagulat nga ako ang aga niya umuwi tapos biglang dumiretso sa kwarto at natulog. Tapos mga 5:00 P.M tinanong ko siya kung ano ang lulutoin na ulam pero sabi niya bahala na daw ako. E konti lang yung laman ng ref, hindi rin nag-iwan si papa ng pera na pamalengke." Napakamot na lang siya sa ulo sa nalaman.
"Sige ako na ang magluluto ng ulam" Ani ko at pumunta sa kwarto at nagpalit ng komportableng damit.
"Labas lang ako Mack" Paalam ko at lumabas ng bahay
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.