Ayah Pov
"Guys nakita niyo na ba yung trending ngayon." Kakapasok pa lang ni Ayah sa locker room ng mga staff para sana ayain si Jasmine na sabay silang dalawa na kumain sa cafeteria.
Nabungaran niya ang dalawang attendant na papalit sa mga naka-assign sa front desk. Lumapit naman ang iba nilang kasama sa babaeng nakatingin sa cellphone na mukhang may nakita sa social media. Binalewala na lang niya ang mga ito at hinanap ang kaibigan na saktong palabas na rin sa staff room.
"Sis halika na gutom na ako" Aya sa kanya ni Jasmine at ikinawit ang braso sa braso niya
Nasa cafeteria na sila at napansin niyang tila tutok ang mga empleyado sa kanilang cellphone at nagbubulongan. May mga naririnig siyang mga usapan ngunit hindi naman niya maintindihan ang kanilang pinag-uusapan at sino ang tinutukoy ng mga ito. May parte sa kanyang sarili na gustong alamin ang nangyayari ngunit mas pinili na lang niyang wag ito pagtuonan ng pansin dahil hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kagabi.
"Excuse me pwede ba akong makitable sa inyo wala na kasing bakanteng table"
Napaangat ang tingin niya sa taong nasa tabi ni Jasmine walang iba kung hindi ang secretary ng CEO.
Ano ang ginagawa niya dito?
"Sige lang po Sir" Sagot ni Jasmine
"S-sure Sir" Nauutal kong sabi
Bakit nandito ang secretary ng CEO? Empleyado rin siya dito, malamang kaya pwede siya sa cafeteria. Tahimik lang kaming kumakain—kahit si Jasmine, na madaldal, ay hindi nagsasalita. Lihim kong sinulyapan si Jasmine, at sakto namang napatingin siya sa 'kin. Mabilis ko namang naunawaan ang kanyang tingin—mukhang kilala na niya ang secretary na katabi niya.
Muli kong sinulyapan si Jasmine para ipahiwatig na sabay na kaming umalis sa table, sakto naman na tapos na siya kaya nagdesisyon akong magpaalam sa secretary dahil ayaw namin maging bastos kung aalis kami bigla.
"Sir, mauna na po kami" Paalam ko rito dahil nakatungo ito at halatang kumakain pa.
Umangat ang kanyang ulo at tumingin sa akin "Sure" Tumango siya sa amin nagpapahiwatig na okay lang
"Enjoy your lunch, Sir" Sabi ni Jasmine bago kami umalis sa table
Dumikit siya sa'kin habang pabalik kami sa locker room nila.
"Grabe ang gwapo ni Secretary Xavier sa malapitan" Kinikilig niyang sabi
"Ipapaalala ko lang may boyfriend ka na Benjamin" Umirap naman ito sa sinabi ko
"Kinilig lang binanggit pa talaga ang mabaho kong pangalan" Natawa ako sa kanyang sinabi
"Ito naman hindi mabiro"
"Ang corny ng joke mo sis. Mukhang single naman si Secretary Xavier bakit hindi mo subokan makipag-usap sa kanya, hindi ka na bumabata sis malapit ka nang lumagpas sa kalendaryo." Pinanliitan ko siya ng mata
"Ako? Malapit na lumagpas sa kalendaryo? Let me correct you, I'm 24 years old. So paanong malapit nang lumagpas ang isang diyosang katulad ko." Tinaasan ko ito ng kilay
Sa ganda kong ito malapit nang lumagpas sa kalendaryo. Stress lang ako palagi pero hindi ibig sabihin pinababayaan ko na ang sarili ko.
"Oo na ikaw na ang diyosa" Iniripan ko lang siya
…
"Sa tingin niyo totoo kaya yung kumakalat sa social media? About sa pambubugbog ng CEO natin malapit sa parking lot kagabi."
"Hoy! Hinaan mo lang ang boses mo baka may makarinig sayo makarating pa ito kay Secretary Xavier—katulad pa naman 'yon ng CEO natin bigla-bigla sumusulpot sa kung saan."
"Ang bida-bida naman ng magsumsumbong kung ganun"
"Mabalik tayo sa issue ng CEO natin sa social media, may nabasa ako na comment na totoo raw yung issue meron pa nga raw nakakita pero hindi nakita mukha ng CEO kagabi."
Napatingin ako sa apat na waitress na nag-uusap sa isang sulok ng pool area. Kagagaling ko lang sa office ni Ma'am Freya, ang Deputy Assistant Manager. May ipinasuyo rin siyang dokumento na dapat ibibigay ng secretary niya, ngunit hindi pa bumabalik ang kanyang secretary dahil may ipinagawa siya rito. Ako ang kanyang pinakiusapan na dalhin sa Food Manager ang isang importanteng dokumento.
Napaisip ako sa kanilang pinag-uusapan. Possible kaya na ang tumulong sa 'kin kagabi ay walang iba kundi ang CEO? Pero siya rin yung nakabangga ko sa hallway. Oh my God!
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang isyung kumalat online. Napakunot ang noo ko nang wala akong makita sa feed ko sa f*******:. Sinubukan kong hanapin sa Google, pero wala ring lumabas. Sinubukan ko ring hanapin sa ibang social media, ngunit wala pa rin akong nakita. Sigurado ba silang totoo ang pinag-uusapan nila, o gawa-gawa lang ito?
Lumipas ang isang linggo at namatay na rin ang usap-usapan tungkol sa kinasangkutan ng CEO. Abala na ang lahat sa pagsali nila sa audition para mapili bilang endoser ng hotel.
"Sis, bakit hindi ka kaya sumali sa audition? Malay mo makuha ka. Sayang ang ganda mo kung hindi mo ipapakita sa buong mundo" Ito ang pang-apat na beses na binanggit ni Jasmine sa akin na sumali ako sa audition.
"Baka hindi pa ako nakakapasok sa loob may mapili na sila agad, edi sayang lang." Hindi kami masyadong abala ngayon dahil nitong mga nagdaang araw ay tila kokonti lang ang nagche-check-in sa hotel.
"Hindi naman agad sila magdedesisyon sa araw ng audition e. Para fair sa lahat ng susubok at isa pa malay mo makatulong iyong makukuha mo na pera para sa gamot ni Tito Carl maliban sa sahod mo."
Napaisip ako sa kanyang sinabi. Maaari nga itong makadagdag sa pambili ng gamot ni Papa, dahil noong isang araw ay isinugod siya sa ospital matapos siyang himatayin habang naglalakad pauwi sa bahay namin galing sa kumpare niya. Ayon sa doktor, kailangan niyang mag-undergo ng medical test, ngunit tumanggi ang aking ama dahil ayaw niya akong gumastos ng malaki.
Kahit ayaw ng ama ko na magpa-medical test, nagawa ko pa rin siyang mapilit at madala sa isang pribadong ospital dahil wala masyadong sapat na makina ang public hospital kung saan siya unang isinugod.
"Pag-iisipan ko" Sagot ko
"Naku dalian mo mag-isip at baka mahuli ka sa pagpapalista." Aniya
"Magpalista ka na, Ayah. Mag-o-audition rin ako para partner tayo." Sabi ni Erick na papalit sa akin
"Para-paraan" Parinig ni Jasmine
"Ayun oh ginalaw na ang baso."
She just shook her head at her coworkers’ teasing about her and Erick. Pagod na umuwi siya sa kanilang bahay, naabotan niya ang kanyang ina nagluluto. Nagtaka siya dahil bihira lamang ito gawin ng kanyang Ina paniguradong may kailangan ito o hindi kaya ay manghihiram ng pera para sa kanyang pansugal.
Nabaling ang kanyang tingin sa pinto matapos kumatok ng kanyang Ina at bahagyang sumilip.
"Anak, bumaba ka na kakain na tayo." After informing her, her mother immediately closed the door without waiting for her to say anything.
Sa sumunod na araw ay ganoon pa rin ang ginagawa ng kanyang Ina. Kung minsan ay naaabotan niya itong naglilinis ng kanilang bahay, pinigilan niya ang sarili na tanongin ito sa kanyang biglang pagbabago.
"Anak, sinamahan ko nga pala ang Papa niyo sa ospital kanina ang sabi ng doctor ay dapat paoperahan ang Papa niyo sa lalong madaling panahon dahil—" Sumabat ang kanyang ama
Kasulukoyan silang kumakain.
"Ang sabi ng doctor ay kaya pa namang idaan sa pag-inom ng gamot, hindi na kailangan pang magpaopera. Gastos lang." Tumingin ang kanyang ama sa kanyang ina nang may makahulugang tingin.
"Pero—"
"Tama na Lourdes. Kung ginagawa mo ito para lamang makahingi sa anak ko ng pera ay mas mabuting manahimik ka na lang. Hindi iyan oobra." Masamang tingin ang ipinukol ng aking Ama sa aking Ina.
"Pa, sigurado ka ba diyan? Baka kailangan na nating ipaopera kung ano man ang sakit na meron kayo bago pa ito lumala." Tanong ko
Noong una kaming pumunta ay hindi agad na ipaliwanag ng doctor ang sakit na meron ang aking Ama dahil nagkaroon ng emergency operation ang doctor, pinayohan na lamang niya kami na bumalik sa susunod.
“Hindi na, anak. Katulad ng sinabi ng doktor, kaya pa naman idaan sa pag-inom ng gamot ang sakit ko.” Napatango na lamang siya sa sinabi ng kanyang Ama.
"May gamot pa po ba kayo riyan? Kung wala na bibigyan ko kayo ng pambili."
"Hindi na, may pera pa naman ako. Ilaan mo na lang sa mga gastusin rito sa bahay."
Pagkatapos nilang maghapunan, hinanap ni Ayah ang kanyang ama at nakita niya itong nakaupo sa labas ng kanilang bahay. Lumapit siya rito at umupo sa tabi ng kanyang ama. Ibinigay niya sa kamay ng kanyang ama ang perang kinuha niya bago siya bumaba, pagkatapos ay lumayo siya. Alam niyang hindi ito tatanggapin ng kanyang ama at ibabalik rin sa kanya.
Gulat namang napatingin ang kanyang ama sa kanyang kamay at saka tumingin sa kanya. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita ang kanyang ama.
"Anak, kakasabi ko lang—"
“Pa, kunin mo na iyan. Alam kong kailangan mo. Para gumaling ka na rin. Sabi mo nga, ‘di ba, mas okay nang mapagod kaysa magkasakit at uminom ng maraming gamot.” Sumandal ako sa pintuan
“Huwag kayong mag-alala dahil may pera pa naman ako. Kilala n’yo naman ako, may pagkakuripot ako.” Dugtong ko at tumawa
Natawa ang aking ama sa aking sinabi.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.