Inis na bumaling si Jasmine kay Bella. "Alam mo ikaw—"
"Alam niyo tara na baka may guest na sa Reception Area." Pag-aaya ko sa dalawa at hinila na si Jasmine dahil baka mag-away pa sila ni Bella lalo kapag hindi ko inilayo ang isang 'to.
Pagkarating namin sa front desk sakto namang may guest na pumasok kaya naman umupo na ako sa tapat ng computer at si Jasmine naman ang bumati.
"Good Morning! Welcome to the Hotel De Palacio. How can I assist you today?" Masiglang bati nito sa guest na dumating.
"Good Morning too. I have a reservation under the name of Emrys Santiago."
"Let me check that for you, Mr. Santiago. Could I please see a form of ID and the credit card you used for the reservation?"
"Sure, here they are."
"Thank you, One moment, please. Yes I see your reservation. You've booked a deluxe suite for three nights, is that correct?"
"Yes"
"Excellent. I'II just need you to fill out this registration form and sign at the bottom."
"Here you go."
Naramdaman kong may kumalabit sa balikat ko kaya lumingon ako at tinignan si Bella nang nagtatanong.
"Tawag ka ni Ma'am Freya may sa sabihin daw siya sayo" Bulong niya sakin
"Sige ikaw muna dito" Sabi ko at tumayo na
Habang papunta sa office ni Ma'am Freya ay nakita ko ang ilang empleyado na nagmamadali, hindi ko na lang sila pinansin at lumiko para makasakay sa elevator. Bago magsara ang pinto ng elevator ay may dalawang babae ang humabol na pumasok, sa uri ng kanilang kasuotan ay mukhang taga Housekeeping department sila at may mga dalang panlinis. Biglang bumungisngis ang babaeng nasa kaliwa, tila may pinag-uusapan silang dalawa.
"Sabi nila gwapo raw si sir tapos mabango." Kinikilig na ani ng nasa kanan
"Pero masungit"
"Oo nga e, okay na yun at least gwapo hehe. Excited na ako makita siya"
"Ako rin"
Ang Ceo kaya ang tinutukoy nila?
"Balita ko bukas na ang dating ng Ceo." Bulong ng nasa kanan pero narinig ko
Hindi ba nila alam na may tao sa likod nila? Or sadyang dedma lang?
"Ay we? Sana makita ko siya bukas, oh my gosh! kinikilig ako!"
Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap ako naman ay inabala ang sarili sa cellphone at nag-search about sa Ceo ng HDP. Wala akong makita na picture niya puro lang logo ng company, seminar at iba pang-event. Bakit wala siyang picture kahit isa, nag-scroll pa ako at nakita ko ang isang picture na nakatalikod nang tignan ko saan ito galing, galing ito sa isang blog na ang title "The real face of the Ceo of HDP"
In this blog, I will reveal the true face of the CEO of HDP. We all know that there are no pictures of the CEO on social media. Some say that maybe he has no social media account, or his account is private. This mystery has intrigued many, leading to numerous speculations and rumors.
People are curious about the person behind the successful company. Who is he really? What does he look like? What kind of personality does he have? In this post, I aim to shed light on these questions and provide insights into the CEO's background, achievements, and the possible reasons for his elusive online presence.
Stay tuned as we delve deeper into the life and persona of the enigmatic CEO of HDP.
Sa haba ng blog wala naman akong nakita na picture niya, nag-scroll pa ako at nakita ko ang picture na lumitaw nang hanapin ko sa Google ang pangalan ng CEO. Sa pagiging abala ay hindi ko napansin na tumigil na pala ang elevator sa 10th Floor.
"Uhm Ms? Dito ka po ba sa floor na ito?" Tanong ng isang Housekeeper
Napatingin ako sa kanya "Ah yes, thank you" ngumiti ako at lumabas na ng elevator.
Grabe, sa pagiging curious ko hindi ko na namalayan na nandito na ako. Ano kaya ang sa sabihin ni Ma'am Freya. Nasa tapat na ako ng office ni Ma'am Freya kumatok muna ako nang tatlong beses bago buksan ang pinto.
"Good Morning Ma'am." Bati ko
"Good Morning, have a seat." Senyas niya sa single couch na nasa harap ng table niya na nasa kanan, meron pang isang single sofa na nasa kaliwa at sa gitna naman ay ang babasagin na center table.
"Didiretsohin na kita as you know darating ang Ceo this week or maybe next week kaya magkakaroon ng pagbabago sa mga position ng mga staff here." Inabot niya sa akin ang isang black folder.
Binuksan ko ito at nakita na nalipat si Bella bilang Night Auditor si Jasmine naman ay na natili bilang Reservation Agent.
"And by the way, congratulations! You are now the new manager."
"Talaga po?" Tanong ko dahil hindi ako makapaniwala.
"Yes, again congratulations." Bati niya at nilahad ang isang kamay tinanggap ko ito at nakipag shake hands.
"Thank you Ma'am" Ngumiti ako at ngumitin rin siya pabalik.
"Pwede ka nang lumipat bukas sa dating office ni Nora."
"Pwede po magtanong?"
"Yes?"
"Nagresign po ba si Ma'am Nora?
"Oo"
Gusto ko sanang itanong kung bakit pero naisip ko na wag na lang. Baka may malalim na dahilan si Ma'am Nora kung bakit siya umalis.
"Sige po alis na po ako" Paalam ko
Paglabas ko ng office ay hindi pa rin mawala ang ngiti ko dahil sa saya at talaga namang nakakagulat. Kasalukuyan akong pagbalik sa front desk para sabihin ang magandang balita kila Jasmine at Bella, nakita kong abala silang dalawa sa pag-assist ng mga guest kaya naman pumunta muna ako sa dating office ni Ma'am Nora.
Pagkarating ko roon ay kumatok muna ako ngunit nakailang katok na ako walang nagbukas ng pinto o nagsalita man lang kaya binuksan ko ito at nakita kong walang tao sa loob. Kaya pala walang sumasagot, malinis na rin ang table at ang tanging nakalagay ay ang iilang files at bagong wooden name plate at nakaukit ang pangalan ko.
Ayah V. Lauron
Front Office Manager
Bumalik ako sa front desk at sakto naman na walang guest.
"Hi, Ayah anong sabi ni Ma'am Freya?" Tanong ni Bella
"Mamaya ko sa sabihin before tayo umuwi by the way may new sched para sa atin so bali magkakaroon ng shift sa pagpasok. Later na lang yung iba pang info." Ani ko
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.