"Nasa kalahati na raw ang nag-audition, at ang ilan ay hindi pinalad; may iba naman na kasama sa pagpipilian," ani Jasmine habang namimili ng damit dito sa isang ukay-ukay sa mall.
Kasalukuyan kaming gumagala dito sa mall dahil day off namin, at ngayon lang kami nagkasama na tatlo. Kanina pa nila ako pinipilit na bumili rin ng damit na magagamit sa audition, ngunit tinanggihan ko lang dahil naka-budget na ang pera ko para sa buwang ito.
"Sayang nga at hindi ako nakaabot noong nakaraan—sumakit kasi ang tiyan ko. Pero balita ko, maliban sa General Manager at Assistant Manager, kasama rin sa mga pipili ang dalawang board member," nanghihinayang na sabi ni Bella.
"Bakit hindi ka sumali ulit?" tanong ko at sinundan si Jasmine na magbabayad na sa cashier.
"Bawal na. Once mabigyan ka na nila ng schedule, dapat kang pumunta sa mismong araw at oras. Mahigpit sila pagdating sa schedule dahil dalawang buwan mula ngayon ay sisimulan na ang production ng advertisement."
Pagkatapos magbayad ni Jasmine, pumunta kami sa isang fast food restaurant dito sa loob ng mall. Pumwesto kami sa gilid, malapit sa entrance kung saan makikita ang mga pumapasok. Agad na nagpunta sa counter si Bella at umorder. Ilang minuto kaming naghintay hanggang dumating si Bella na may bitbit na tray, kasama ang isang crew na may hawak ding tray.
Tumaas ang isang kilay ni Jasmine nang makita ang mga pagkaing inorder ni Bella. Bukod sa chicken with rice at softdrinks, mayroon ding dessert na sundae, mango pie, apple pie, at choco mallow pie, at mayroon pang large na french fries.
"Sis, anong meron? Bakit ang dami ng inorder mo? May dapat ba tayong icelebrate? Or birthday?" takang tanong ni Jasmine.
"Enjoy your meal, ma’am and sir." wika nito bago umalis dala ang dalawang tray na pinaglagyan ng pagkain.
"Thank you"
"Wala naman. Gusto ko lang mag-celebrate dahil sa wakas, tinigilan na ako ni Jasper."
"Mabuti naman kung gano’n."
"Kailan pa?" tanong ko at nagsimula nang kumain
"Nakalimutan ko na. Basta ang mahalaga ay tumigil na siya sa panliligaw sa akin."
"Mga sis magcr lang ako" paalam ni Jasmine sa amin
"Sige lang sis hihintayin ka namin"
Tapos na kaming kumain at si Jasmine na lang ang hinihintay namin. Ilang minuto na rin kaming naghihintay, at nababagot na si Bella na katabi ko.
"Nasaan na ba ang baklang 'yon?" tanong ni Bella na halatang gusto nang umuwi.
"Baka mahaba ang pila kaya matagal."
"Imposible. Tignan mo ’yung lalaking nasa kabilang table—nakasabay niya ’yang mag-CR pero mas nauna pang bumalik." Ini-nguso niya ang nasa kabilang table na nasa gitna.
Tatanungin ko sana kung paano niya nalaman, pero dumating na si Jasmine. Diretso niyang kinuha ang bag at hindi man lang kami nilingon o kinausap, kaya napasunod na lang kami ni Bella. Bitbit ko pa ’yung mga pinamili niyang naiwan sa upuan bago kami kumain.
"Ano’ng nangyari doon?" Nagkibit-balikat lang ako sa tanong ni Bella kasi kahit ako, naguguluhan sa inasta ni Jasmine.
"Jas." Napalingon kami nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag kay Jasmine.
Makahulugan kaming nagkatinginan ni Bella, nagtaka kami dahil lumabas din siya mula sa fast food restaurant na pinanggalingan namin. Tiningnan ko si Jasmine na dire-diretsong naglakad palayo.
"Hi, James—" Nilagpasan lang ni James si Bella at sinundan si Jasmine na pasakay na sa escalator.
"Anak ng tokwa, ano bang problema nung dalawa?" reklamo ni Bella.
"Baka may LQ?"
"Hay, buti na lang wala tayong jowa. Sakit lang sa ulo ang pagjojowa."
Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Jasmine. Pinapapunta niya kami sa parking lot kung saan naroon sila ngayon ni James. Napatigil kami sa paglapit nang biglang may malakas na kalabog, kaya napatingin kami kay Jasmine na lumabas mula sa kotse ni James.
"Babe" tawag ni James kay Jasmine
"Omg! Sis, LQ nga." Mahinang bulong ni Bella habang kumakapit sa braso ko dahil sa takot.
"Ibibigay pa ba natin itong mga binili ni Benj?" tanong ko.
"Wag na lang kaya? Kasi mukhang hindi sila maayos."
"Sige, siguro ibibigay ko na lang kapag nakauwi na siya."
Akmang liliko na sana kami nang makita kami ni Jasmine at lumapit siya sa amin.
"Hello, sis. Ito nga pala ang mga pinamili mo—naiwan mo." wika ko at iniabot sa kanya ang limang paper bag.
……
Dalawang araw na ang lumipas at napapansin ko ang pananahimik ni Jasmine. Hindi namin siya matanong dahil gusto namin na siya mismo ang mag-open up tungkol sa problema niya.
Binasa kong muli ang huling mensahe niya sa aming group chat noong Lunes. Inaya niya kaming pumunta sa bar ngunit tumanggi kami— wala kasi akong sapat na pera, at si Bella naman ay may pasok dahil night shift siya.
"Hiwalay na ba si Benjamin at James?" tanong ni Erick na biglang lumitaw sa tabi ko.
I knitted my brows and gave him a puzzled look.
"Hindi pa, bakit?"
“Nakita ko siya kagabi sa bar. May naka-akbay na lalaki sa kanya.”
Tanong ko, “Sigurado ka na siya ‘yon?”
"Oo naman, ako pa."
Ayokong husgahan kaagad ang aking kaibigan dahil lang sa mga sabi-sabi, kahit pa may katotohanan iyon. Bakit niya iyon ginawa? Hiwalay na nga ba sila? Maraming tanong ang namuo sa aking isipan, pero isa lang ang dapat kong gawin kailangan ko siyang makausap tungkol sa bagay na ito.
Sabay kaming nag-lunch ni Jasmine, at kahit gusto ko na siyang tanungin tungkol sa nabalitaan ko, pinigilan ko ang aking sarili. Mas pinili ko na lamang maging propesyonal sa trabaho, dahil kahit ano pa man ang aming pinagdadaanan—personal man o trabaho— kailangan pa rin naming maging propesyonal dahil isa ito sa mga patakaran ng kumpanyang ito.
"Jasmine, kung hindi mo mamasamain, may gusto lang sana akong itanong." kinakabahan kong tanong.
Mukhang wala siya sa mood makipag-usap, kahit na pumayag siyang tumambay kami sandali dito sa coffee shop malapit sa hotel. Humigop siya ng kape bago niya itinuon ang atensyon sa ‘kin.
"Spill the tea," he said calmly.
"Hiwalay na ba kayo ni James?"
"Maybe yes? Maybe no? I don’t know. The last time I checked, we were on a cool-off."
"Nag-cool off kayo? Bakit?"
"It’s a long story. I’m not in the mood to get into the details right now."
I gulped. I turned to look outside and watched the surroundings. After we finished our drinks, we left. We got on a tricycle, and while we were on the way home, I noticed a familiar car following us. I just ignored it because I knew who it was really after inside this tricycle.
Pagkarating sa tapat ng bahay namin, napakunot ang noo ko dahil may iilang tao sa labas. Maya-maya pa, may dumating na ambulansya kaya mas lalo akong naguluhan.
Anong meron?
"Ayah, mabuti naman at nakauwi ka na. Diyos ko, ang tatay mo—inatake sa puso at nahimatay." wika ni Aling Inday.
Unti-unti akong binalot ng kaba kaya nagmadali akong pumasok ng bahay, kasabay ang dalawang paramedics. Mabilis nilang dinaluhan ang aking ama at isinakay sa stretcher. Wala sa sarili, napasunod ako at sumakay sa ambulansya.
"Papa" tawag ko sa aking ama, nagbabakasakaling maririnig niya ako at imulat ang kanyang mga mata.
Humahalo ang ugong ng sirena sa tuloy-tuloy na tunog ng heart monitor. Sa masikip na ambulansya, abalang-abala ang dalawang paramedic sa walang malay ko na ama.
"Heart rate’s dropping—he’s bradycardic, down to thirty-five!"
"I’ve got atropine ready. I-inject ko na ba?"
"Oo, iturok mo na ngayon."
"Atropine in."
"Sir, can you hear me? Squeeze my hand if you can hear me"
Hindi gumalaw ang aking ama. Kasabay ng pagtunog ng monitor, nangangahulugang bumagsak na naman ang t***k ng kanyang puso.
"Ano pong nangyayari?" tanong ko, dahil hindi na sila mapakali nang huminto ang t***k ng puso ng aking ama.
Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagsalba sa aking ama. Isa-isang nagsibagsakan ang mga luha ko dahil sa halo-halong emosyon at pangamba sa kalagayan niya. Bago kami makarating sa ospital, nagawa nilang ibalik ang t***k ng puso ng aking ama, ngunit hindi ito nangangahulugang ligtas na siya.
Mabilis silang nagsibaba kaya’t sumunod ako, ngunit pinigilan nila akong makapasok sa emergency room kung saan nila dinala ang aking ama. Bakit kailangang mangyari ito? Bakit ganito kabilis? Bumalik sa aking isipan ang lahat ng pangyayari—mula nang makumpirma ng doktor ang kanyang karamdaman hanggang sa unti-unting pagbagsak ng kanyang kalusugan.
Hindi man niya ipakita sa akin ang bigat ng kanyang pinagdadaanan, dama ko ang unti-unti niyang paghihirap. Tahimik akong nanalangin na sana’y iligtas siya ng Panginoon at bigyan pa nawa siya ng isa pang pagkakataon na mabuhay, sapagkat nais ko pang iparanas sa kanya ang maginhawang buhay na pinapangarap niya para sa amin.
Ilang sandali pa, tumunog ang cellphone ni Ayah. Sinagot niya ito nang hindi na nag-abala pang tingnan kung sino ang tumatawag.
“Hello, Sis. Nabalitaan ko ang nangyari kay Tito. Kumusta ka diyan? Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Bella
Hindi sumagot si Ayah nakatulala lang siya sa dingding, waring walang naririnig o nakikita sa paligid.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.