"Sige, mukhang marami ngayon ang nagbabakasyon ah. Mas marami pa noong nakaraan." Bella
"Tag-init rin kasi ngayon kaya siguro marami." Singit ni Jasmine
"Sabagay, by the way alam niyo na ba ang chismis."
"Anong chismis?" Tanong ko
"Nagresign na si Ma'am Nora" Malungkot niyang sabi
"Ay bakit? mabait naman si Ma'am Nora, masipag rin. So why?" Tanong ni Jasmine na halatang malungkot rin
"Ewan ko rin e, sinubukan ko siyang imessage pero hindi pa siya nag-rereply."
"Sino na kaya ang bago nating Manager?" Dugtong ni Bella
"Edi si Ayah Assistant Manager siya e, Tama ba?"
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Oh my god congrats!! Beshy" Masayang bati ni Bella
"Congrats sissy!!" Pabati rin ni Jasmine
"Dahil dyan mag-celebrate tayo mamaya pag-uwi." Bella
"Ay bet ang tagal na rin nang lumabas tayo" Pagsang-ayon ni Jasmine
"Naku pass alam niyo na kulang sa budget." Pagtanggi ko
"Ano ka ba minsan lang naman at isa pa don't worry hindi lang ikaw ang gagastos ako rin" Pagpapanatag sa kanya ni Jasmine
"Same, so ano game ka ba mamaya?" Tanong ni Bella na halatang excited
"Sige na nga sabi niyo nga minsan lang naman." Sumang-ayon ako dahil matagal na rin ang huli naming labas at noong nakaraang taon pa iyon.
"Yehey" Parang bata na pumalakpak si Bella dahil sa pagpayag ko.
"Okay balik na tayo sa trabaho." Ani ko at nagkanya-kanyang pwesto sa front desk.
Naging abala kami dahil sa dami ng mga guest na nag-check in dito sa hotel at mga nagbabakasyon. Muntik ko na rin makalimutan na sabihin sa iba pang staff sa front office ang bagong schedule nila at syempre ang pagkapromote ko.
Nalungkot si Bella dahil nalipat siya sa gabi at night auditor pa, maging si Jasmine rin ay nalungkot dahil hindi na namin siya makakasabay pumasok at umuwi. Kasalukuyan kaming nandito sa bar hindi kalayuan sa hotel kasama ang ibang staff.
"Cheers! Sa bago nating manager!" Ani ni Erick na siyang pumalit sa'kin bilang assist manager.
"Cheers! Sa bago nating assist manager!" Ani ko at ininom ang baso na may lamang alak, ganun rin ang ginawa ng iba.
"Woohoo"
"Again Congrats! Everyone!"
"Woohoo"
Patuloy ang iba sa pagsasaya, naramdaman kong naiihi ako kaya naman nagdesisyon ako na pumunta ng cr. Hindi pa naman ako gaanong lasing kaya maayos ko pang nakikita ang daan at may pasok pa ako bukas kaya hindi pwedeng magpakalango sa alak, bago ako lumabas ay naghilamos muna ako ng mukha para kahit papaano mahimasmasan ako. Paglabas ko ng cr ay nagulat na lang ako sa lalaking bigla na lang bumagsak sa sahig lumapit ako at tinignan kung okay lang ba siya, mukhang dahil sa kalasingan ay na tumba ito.
"Hey! Are you okay?" Tanong ko at mahinang tinapik sa balikat.
Hindi pa rin ito sumasagot kaya naman tinapik ko ulit siya at tinanong, sinubukan kong tumingin sa paligid para makahingi ng tulong o kung may kasama ba siya ngunit abala ang lahat sa pagsasaya kaya naman sinubukan ko siyang buhatin, buti na lang tumayo siya. Iniupo ko siya sa malapit na table na walang tao, hindi ko makita ang mukha niya dahil medyo may kadiliman dito.
"Uhm hi gusto mo ba ng tubig? Nahihilo ka ba?" Tanong ko, tumango ito kaya naman nagdesisyon ako na pumunta sa front bar para humingi ng tubig.
"Hi, Could I have a glass of water" Tanong ko sa bartender na kakatapos lang mag-abot ng drinks dito sa mga nakaupo sa front bar.
"Of course. Would you like it with ice?"
"No"
"Here you go. Enjoy!"
Ngumiti ako at nagpasalamat "Thank you."
Pagkabalik ko ay naroon pa rin ang lalaki, nakayuko parang natutulog. Tinapik ko ito sa balikat at nagising naman siya, binigay ko ang hawak ko na tubig. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras, alas-diyés na pala kailangan ko ng umuwi maaga pa ako bukas. Tumayo ako at nagpaalam sa lalaking nasa harap ko na nakapikit, tumango naman ito kaya umalis na ako.
Bumalik ako sa table namin at nakitang nakasubsob na sa lamesa si Bella samantala si Jasmine naman ay tahimik na natutulog sa tabi niya. Ginising ko ang dalawa at sinabihang uuwi na kami tinanong ko ang iba pa naming katrabaho kung uuwi na ba sila, ang iba ay mamaya pa uuwi.
Hindi ko kayang buhatin ang dalawa kaya nagpatulong ako sa dalawang bouncer na alalayan ang dalawa. Pagkalabas ng bar ay nagpasalamat ako sa dalawang bouncer na nagbuhat sa dalawa, mabuti na lang at mababait ang mga bouncer dito. Agad akong tumawag ng taxi, yung isa nilagpasan ako may nakita pa akong isa pero naunahan ako ng nasa unahan.
Ano ba yan! Uwing-uwi na ako. Tinignan ko ang dalawa na mahimbing na natutulog sa waiting shed, buti pa itong dalawa tamang tulog lang. Naramdam kong nag-vibrate ang phone ko, kinuha ko ito at nakita ang pangalan ni James na boyfriend ni Jasmine.
"Hello?"
"Hi, kasama mo ba si Jasmine?"
"Oo"
"Nasaang bar kayo? Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot"
Kinuha ko ang cellphone ni Jasmine sa bulsa niya at nakitang maraming beses na nga siya tumawag kay Jasmine. Marahil sa kalasingan ay hindi na niya nasabi, sinabi ko kung saan kaming bar. Makalipas ang ilang oras ay dumating si James binuhat niya si Jasmine ako naman ang umalalay kay Bella pasakay ng kotse niya. Una niya kaming hinatid at sumunod naman si Bella, nagpasalamat ako sa kanya at binilin si Bella sa kanya.
Nagising ako dahil sa ingay, sinubukan kong bumangon at napabalik rin sa paghiga dahil sa biglang pagsakit ng aking ulo. Pinilit kong bumangon at dumiretso sa baba dahil sa ingay. Nakatayo si Mama sa pinto at mukhang may kausap hindi ko makita kung sino ito dahil nakaharang ang likod ni Mama, pagtapos niya makipag-usap rito ay pinaalis na niya ito. Hindi na ako nag-abalang tignan kung sino baka isa iyon sa mga pinagkakautangan niya sa sugal. Dumeritso ako sa kusina at nakitang kumakain si Mack kumuha ako ng baso para magtimpla ng kape.
"Buti naman at nagawa mo pang magising ng maaga kahit umuwi kang lasing." Sermon ni Mama
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.