Prologue
"If you really need money, then I have an offer for you" Malamig na saad niya at uminom ng alak.
"Ano naman po iyon, Sir?" Kinakabahan kong tanong
Dahil pakiramdam ko ay hindi maganda ang io-offer niya sa’kin, pero kahit ano pa man iyon ay tatanggapin ko dahil kailangan ko na talaga ng pera para sa surgery ni Papa. Kinakailangan na siyang operahan dahil lumaki na ang tumor sa kanyang ulo, kahit pa walang kasiguruhan na makakaligtas siya.
"Make out with me don't worry, I'll pay you afterward."
Sabi na eh, hindi talaga maganda ang io-offer niya. Biglang gumapang ang kilabot sa katawan ko — naiisip ko pa lang na may mangyayari sa amin, parang hindi ko ata kaya. Wala pa akong experience sa making out. Oh God, ano ba itong pinasok ko? I want to back out, but when I think about my father's condition, kailangan na talaga siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Kahit labag sa loob ko, I need to do this for my father's sake.
"Deal or No Deal?" Tanong niya na halatang lasing na dahil sa ininom niyang alak.
Huminga ako ng malalim bago ko sinalubong ang mga mata niyang malamig kung tumingin, ngunit nakakapaso. Hindi ko alam, pero para akong napapaso sa tingin niya. Hindi kaya dahil lasing lang siya, at gusto niya lang makipag-make out sa akin?
"Deal" Matapang kong sabi
Tumayo siya at lumapit sa akin. Akala ko ay may kukunin siyang alak sa likod ko, dahil maraming nakadisplay na alak dito sa private bar niya. Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla niya akong binuhat at dinala sa lamesa, at iniupo. Humarap siya sa akin at ngumisi nang nakakaloko. Sa totoo lang, ang gwapo niya — pero lalo siyang gumagwapo dahil sa pagngisi niya. Hula ko, sobrang gwapo niya kapag ngumiti.
Inilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko, kaya ngayon para niya akong hinaharangan kung sakali mang bigla akong tumakbo palabas ng private bar niya dito sa hotel. Inilayo ko nang kaunti ang mukha ko, dahil para akong naduduling kapag tinititigan siya.
"So, tell me how much money you need?" Tanong niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.
"1 M-Million" Yumuko ako dahil malaking halaga ang kailangan para sa surgery ni Papa.
Alam kong ang kapal ng mukha ko para humingi ng ganyang halaga, pero hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganyang kalaki. Sapat lang ang sahod ko para sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay, idagdag pa ang mga pinagkakautangan ni Mama dahil sa pagsusugal niya.
"1 Million lang? How about 2 Million." Aniya at hinawakan ang baba ko para ipantay sa mukha niya.
Agad akong umiling "Masyado na iyong malaki, okay na 'yong 1 Million, kailangan lang para sa surgery ni Papa" Tanggi ko.
Pakiramdam ko ay namamalimos ako ng malaking halaga sa isang tao na impossibleng ibigay ngunit hindi rin possible na ibigay niya.
"1 Million isn't enough for the surgery because you also need to pay the hospital bill for the patient's stay while he is not yet awake or recovered."
Sandali akong napaisip sa sinabi niya, may punto siya pero sa tingin ko kaya ko namang bayaran iyon. Pero siya na nag-offer baka nga mabayaran ko pa ang ilang pinagkakautangan ni mama sa halagang iyon.
Bahala siya 1 Million lang naman kailangan ko e.
"Ikaw ang bahala sa totoo lang—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla niya akong sinunggaban ng halik.
Ang paghalik niya ay parang sabik na sabik at agresibo, naramdaman ko ang kamay niyang hinahaplos ang hita ko at unting-unti inaangat ang tela ng dress na suot ko. Ang isa naman niyang kamay ay abalang tinatanggal ang tali sa likod dahil nakasuot ako ng backless na dress ay madali lang niyang natanggal ang tali. We briefly parted our lips, and then he kissed me again.
His hands, which were previously busy untying the back of my dress and caressing my thigh, were now removing my dress. He suddenly lifted me without breaking our kiss, and I don't know if it's right for me to kiss him back because I've never had a boyfriend before and I have no idea how to kiss. I'm also nervous because he might suddenly decide to leave this private bar and go to the other room since there's no bed here except for the sofa.
Narinig kong bigla niyang binuksan ang pinto kaya agad na pinutol ko ang halik at tinignan siya ng masama.
"Baliw ka ba! baka may makakita sa—" Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay sinunggaban niya ang mga labi ko
"Hmp!" Pilit na humihiwalay ako pero ang loko hinawakan ang batok ko at mas lalong pinadiin sa labi niya. Pinalo ko siya sa balikat pero hindi masyadong malakas baka kasi saktan niya din ako.
Ang halik niya ay unti-unting pumunta sa tenga ko. He bit my earlobe, then whispered "No one will see us in this state and, we are not going outside." Nagulat ako ng bigla niya akong binitawan. Akala ko ay mahuhulog ako sa sahig pero nahulog ako sa malambot na kama.
— END OF FLASHBACK —
"Tapos na tayo, so leave me alone and never show your face to me." Malamig niyang sabi at nilagpasan ako
Unti-unting nagsibagsakan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, kaya naman bago pa ako umiyak nang husto, umalis na ako sa lugar kung saan kami unang nagtagpo. Nang maalala ko kung paano kami nagkakilala, gusto kong bumalik sa nakaraan at baguhin ang naging desisyon ko. Dahil kung alam ko lang ang mga susunod na mangyayari, hindi sana ako nasa ganitong sitwasyon ngayon — nasasaktan, dahil akala ko iba siya sa lahat ng lalaki. Pero nagkamali ako. Pare-pareho lang pala sila.
Sisiguradohin kong hindi mo na makikita ang mga anak mo Kenric Hernandez.