ANTONETTE
Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkamangha sa bubuksang bagong resort nina Terrence. Ang higanteng pangalang Les Sun Fleur ay nakaukit sa harap ng kanilang main hotel. Right there and then, saka ko lang talaga napagtuunan ng pansin ang totoong estado sa buhay ng dati kong kaibigan. His wealth is indeed no joke. Kaya pala mukhang kahit anong mangyari ay hinding-hindi siya pakakawalan ni Dana. According to the staff who assisted me while Terrence was having meeting, the resort was 86 hectares big. Meron itong beach area and mountain area. It has golf course too. The cheapest room rate is eight hundred dollars per night. I dreamed of expanding Netvilleas into a small resort. Ang goal ko ay makamit man lamang kahit five percent ng resort na to.
Terrence……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.