JORDANA
Nagulat ako nang maabutan ko si Tita Tonette sa condo. Wala siyang pasabi na luluwas siyang Maynila.
"Ba't andito ka Tita?"
Nakatitig lang siya sa bintanang salamin at mukhang napakalalim ng iniisip. Parang hindi pa ata namamalayang dumating na ako.
"Tita. Hello! Andito na ako!"
Kumurap siya at tumingin sa akin. Ni hindi man lang nagulat.
"O Dana andiyan ka na pala."
"I said why are you here?"
"May aasikasuhin ako bukas sa bangko."
Agad akong kinutuban. Ano na naman kaya ang isasangla niya ngayon. "Are you applying for a loan again?"
Tumango siya. "Kailangan ko nang malaking pera para sa paghahanap kay Steven. The agency will be doing overseas search this time kaya malaking halaga ang hinihingi nila sa akin."
Nadismaya ako sa aking narinig……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.