JORDANA
"Ang boring ng social life natin ngayon Dana. Pa mall-mall na lang after work. Nasaan na ba ang mga barkada mo sa gimikan bakit mga walang paramdam ata," boses ni Freda. Karerelease lang ng sweldo at naisipan naming magshopping ng mga damit.
"Actually they invited me today but I chose not to join them."
"What?!" hinawakan niya ang noo ko. "May sakit ka ba? Ikaw ba yan Dana?"
"Wala ako sa mood," maiksing sagot ko. Naninibago din ako sa aking sarili. Simula nang magkainteres ako sa pagbabalik ni Tito Steven, ang tanging nakakapagpaexcite na lamang sa akin ngayon ay yung idea ng muli nilang pagkikita ni Tita Tonette. Mas gusto ko na lamang ilaan ang mga libreng oras ko sa pag-iisip ng mga paraan kung paano makakaambag sa paghahanap sa kanya kesa gumugol ng……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.