Chapter 3

THE LAST BLOOM OF SUMMER 1429 words 2022-10-22 10:26:39

JORDANA


Inis na inilapag ko sa kama ang Hermes bag. Nag effort pa naman akong palitan ang paper bag para di makuha ang atensiyon ni Tita Tonette pero useless pa rin!


Nahiga ako at nagpapadyak sa pagkapikon. I'm supposed to be happy now but my aunt ruined everything again. Fine naguguilty ako sa pagsagot-sagot ko but sometimes I badly want to trigger her anger. Gustung-gusto kong makita siyang magalit nang sobra, maiyak at magsisigaw but I failed again. She's the most fake person I've ever seen. She was so good in containing her emotions that sometimes I wonder kung meron ba talaga siyang feelings.


Yes sometimes she smiles, she nags and laugh but her eyes remains empty all the time. I stood for what I said na nangingialam lamang siya sa akin for the sake na may ginagawa siya para sa akin but that concern feeling, I doubt if she really feel that inside her. I guess all her feelings are being dictated by her mind and not by the heart.


Nagpalipas ako ng inis. Nang mahimasmasan ay unti-unti na akong na-guilty. Bumangon ako para silipin siya sa kanyang kuwarto. The condo has two bedroom, I occupy the smaller one and she got the bigger room. Nagulat ako nang paglabas ko ng pinto ay nasa kusina siya at nakatayo sa tabi ng ref habang umiinom ng tubig.


She looked at me with a blank face. "What? Are you going to show the picture of your boyfriend now?" tanong niya na tila hindi man lang naapektuhan sa pagsagot-sagot ko kanina.


"No," matigas na tugon ko.


Sinarado niya ang ref at naglakad pabalik ng kuwarto. "Don't forget to turn off the light here," mahinahong bilin niya bago isara ang pinto.


"Y-Yes."


Nakahinga ako nang maluwag. Although I knew at the back of my head that our countless arguments won't change anything between us, ngunit nag-alala pa rin ako sa tuwing nagtatalo kami na baka hindi niya na ako imikan.


I met Tita Tonette for the first time five years ago and that was two months after her husband gone missing. Kagagagraduate ko lang noon sa senior high nang sinundo ako sa Visayas ng tatay ko na panganay na kapatid ni Tita at dinala sa Maynila. Anak ako sa pagkabinata ni Daddy at ang lola ko sa mother side ang nagpalaki sa akin. Lumaki akong nakatira sa tabing-dagat dahil pangingisda ang ikinabubuhay ng aming mag-anak. Napakahirap ng buhay namin sa Visayas. Kubo lamang ang aming bahay na lagi na lamang nagigiba kapag may dumadaang bagyo.


Nagsusustento naman si Daddy pero dahil may asawa na siya at sariling pamilya hindi rin naman iyon kalakihan pero sapat naman sana para sa akin kaso ang sustento niya ay nagagastos rin kadalasan para sa buong pamilya ng nanay ko na nakatira din lamang katabi namin ganun din ang sariling pamilya ng nanay ko. Dalawa ang kapatid ko sa ina at tatlo naman sa ama. My father tried to get me when I was still a baby pero di pumayag ang pamilya ng nanay ko. Noong magkokolehiyo na lamang ako saka sila pumayag plus the factor na nagdesisyon na akong sumama. I graduated with highest honor in senior high school pero pag manatili ako sa Visayas, sa pipitsuging kolehiyo lamang ako makakapag-aral. Aside from studies, ang kagustuhan kong makilala ang side ng pamilya ng tatay ko ay isa rin sa dahilan kung bakit ako sumama sa kanya.


Hindi ako masyadong welcome sa asawa ni Daddy. I always felt an outsider in their house hanggang sa kinausap ako ni Daddy kung pwedeng pansamantalang sa poder muna ako ni Tita Tonette. Samahan ko daw muna ang aking tiyahin para huwag itong masyadong ma-depress dahil sa nangyari sa asawa. Mabilis at walang pagdadalawang-isip na pumayag ako. I was excited to know the beautiful aunt na dati ay nakikita ko lang sa social media ang pictures at hinahangaan. Sabi ng mga kamag-anak ko sa Visayas, si Tita Tonette daw ang kamukha ko at sabi naman ni Daddy kay Tita rin ako nagmana ng katalinuhan.


Ang pansamantalang pagtira sa kanya ay naging permanente na. I didn't understand myself too why I still choose to live with her. Hindi ko naman masasabing naging masaya ako sa poder niya. Everything was just nuetral around her. In fact, all my beautiful expectations about her had shuddered into pieces when I began living with her. Yes she's really beautiful as what I'd seen in the pictures before but she's a lifeless soul. She was neither warm nor cold. The way she treated me was all calculated. She pretended to be caring and nice dahil gusto niyang punan ang lahat ng pagkukulang sa akin ng kapatid niya. That's what she is. She likes making an idealistic concept inside her head without actually investing any emotions in it.


Ang mga haka-haka at pagdududa ko sa sinseridad ng pagtanggap sa akin ng pamilya ni Daddy ang isa sa mga dahilan kung bakit mas lalong tumayog ang aking pangarap. I really hated the fact that they were living in luxurious life samantalang ako ay lumaki ng puro paghihirap lamang. I want to become successful no matter what at gusto ko ring maiahon sa hirap ang totoong pamilyang nagpalaki sa akin.


Hay. This dramatic thoughts are making me thirsty. Binuksan ko ang ref at nakita yung mga nakaplastic wrap na ulam. Unti-unti akong nakaramdam ng gutom. To be honest, wala akong na-enjoy na pagkain sa Singapore. Wherever I am, I still prefer Filipino food inside my heart. Mas lalo akong natakam nang makita ang adobo. My aunt is not a very good cook but her adobo is an exemption.


Napaiktad ako nang muling magbukas ang pinto ni Tita Tonette.


"Do you want to eat?" she asked.


Marahan akong tumango.


Walang imik siyang pumunta sa kusina. Kinuha niya ang adobo at ininit. Inayos niya rin ang mesa at magkasunod na inihain ang kanin at adobo. Alam niyang sa mga niluluto niya ay yun lang ang kinakain ko kaya di na ako nagtaka kung yun lang din ang inihain niyang ulam.


"Kumain ka na," utos niya.


"Ah yes," maamong naupo ako sa mesa at di makatingin sa kanya na sumubo. Panaka-naka ko siyang nililingon habang nag-iimis siya sa lababo. I'm starting to get confused. Suddenly, I have this urge to show to her the picture of Terrence. Wala naman sigurong masama kung makita niya. She's my aunt at napakalayo naman sa personality niya na ipagkakalat sa sinuman kung sino ang boyfriend ko. Siguro kapag makita niya na ay matatahimik na siya. I can't stand the thought also na iniisip niyang DOM ang karelasyon ko.


"Tita..." bigkas ko.


"Uhm?"


"If you really want to see the picture of Terrence, sige ipapakita ko na sayo."


Natigilan siya at napalingon sa akin. "Terrence? Who's Terrence?"


Namula ako. Ba't ba naman nabanggit-banggit ko pa ang pangalan. "Ah my boyfriend."


Unti-unti siyang ngumiti at umiling. "Nevermind."


"Bakit?" taka ko. "Akala ko ba gusto niyong makita. Paano ko ngayon mabubura yang pangit na iniisip niyo sa boyfriend ko," nakangusong sabi ko.


She took a deep breath. "I'm already relieved that you willingly offered to show me. That means I'm maybe wrong about him. I won't insist anymore and respect your privacy. Hihintayin ko na lamang na dumating yung tamang panahon na ipakilala mo na siya sa akin sa tamang paraan."


She wiped her hand with clean cloth. Naglakad pabalik sa kanyang kuwarto at tinapik ako sa balikat nang dumaan sa akin. "Hugasan mo yang pinagkainan mo ha. Baka itambak mo na naman diyan sa lababo. Since you got a man now, start acting like a real woman."


"Y-Yes Tita."


Kahit tinatamad, walang nagawang hinugasan ko ang aking pinagkainan. I don't want to have another argument. Patingin-tingin ako sa kanyang kuwarto habang naghuhugas. Kung kelan siya tumanggi saka naman ako parang naeexcite ipakita sa kanya ang picture ni Terrence. I'm curious kung ano ang magiging reaksiyon niya? Maguguwapuhan din kaya siya at kahit papaano ay may maramdaman din sa batong puso niya? I don't think she'll recognize him. Ilang taon na siyang namumuhay nang walang alam sa mga nangyayari sa paligid niya kaya imposibleng makilala niya ang isang Terrence Kim.


Pagkatapos maghugas ay kinuha ko ang aking picture. I googled in the internet and choose the most handsome picture of Terrence. Lumapit ako sa pinto ng kuwarto ni Tita. I wanted to insist on showing him the picture pero bago kumatok ay idinikit muna ang aking tenga sa pinto. My shoulders dropped and sadly returned to my room. I heard a mellow music. It's a sign that she's sleeping already.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.