ANTONETTE
Pansamantala akong tumigil sa pagpupunas ng aming malaking wedding portrait na nakasabit sa living room. Tahimik kong tinitigan ang mukha ng aking asawa. Heto na naman ako sa walang katapusang pakikipag-usap sa litrato.
Asan ka na ba Steven ? Everyone says your dead but I don't believe it. Alam kong nasa isang tahimik na lugar ka lamang at may dahilan kung bakit hindi ka pa nakakabalik. Handa akong hintayin ka anuman ang mangyari kahit gaano pa yun katagal. Hanggang dulo ay tutuparin ko ang pangakong paninindigan ko ang aking desisyon sa pagpapakasal sayo. Ikaw ang lalaking pinili kong makaharap sa altar kaya ikaw pa rin ang lalaking pipiliin ko habambuhay.
Before you went missing, you told me to be happy and you were sorry for the things you couldn't give me. I told you not to be sorry because marriage doesn't mean you have to give your everything. Ang kailangan lang ay makuntento at respetuhin natin ang mga bagay na kaya lang maibigay ng ating asawa. Because if everything must be the basis, then I have more things to be sorry to you. Kung alam ko lang na yun na ang magiging huling seryoso nating pag-uusap then I should at least made a new promise to give you my everything. It may take a while but I'll make sure it will happen in the end.
My phone rang. Binitawan ko ang pamunas at kinuha ang aking teleponong nakapatong sa center table. Dana is calling. She rarely calls. Ano kayang importanteng bagay ang sasabihin niya?
"Tita I have a huge favor to ask!" daig pa ang may emergency na bungad niya.
"What favor?"
"You have to celebrate your birthday!"
Kumunot ang aking noo. "My birthday?" Saka ko lang napagtanto na malapit na nga pala ang birthday ko. Isang taon na lang pala ay wala na ako sa line of three. "But I don't celebrate my birthday anymore," wika ko.
"Kaya nga I'm asking favor eh."
"What is that favor then?"
"Can you cook something specials on your birthday? Me and Renz will be visiting you."
"Who's Renz?" taka ko.
"My boyfriend. Terrence, Renz, it's the same person."
"Ah that guy," I nodded. "But why would you visit me on my birthday?"
"Sinabi ko sa kanyang iniimbitahan mo siya dahil gusto mo siyang makilala ng personal. And guess what Tita, she accepted the invitation!" Tumili siya. Nailayo ko saglit ang phone sa aking tenga.
"But I didn't invite him," I said calmly.
"Yeah I know I lied." walang pag-aalinlangang pag-amin niya. "Pero tine-test ko lang naman siya kung pupunta pero unexpectedly ayun um-oo siya. Do you know what that means Tita?"
"Ano?"
"Na seryoso siya sa akin! He's interested about my family and background. Mas malinaw pa sa bughaw na langit na I'm not just a fling to him Tita! He's the man of my dream and I love him badly Tita kaya please pakitulungan naman ako! Makipag cooperate ka naman kahit ngayon lang."
This is very uncomfortable for me. Pero minsan lang magmakaawa si Dana kaya kahit mahihirapan ako ay hindi ko mapapahindian ang aking pamangkin. "Okay. Sabihin mo lang kung breakfast, lunch or dinner ang ihahanda ko."
"Thank you so much Tita. Don't worry you don't need to talk to him a lot nor entertain him. You just need to smile and make him feel that he's welcome. Huwag rin kayong magugulat kapag nalaman niyo kung sino siya because he's someone popular in business world."
"Don't worry I won't. Sige na at naglilinis ako. Tawagan mo na lang ako a day before kung matutuloy kayo o hindi. Bye."
Tinuloy ko ang aking pagpupunas ngunit hindi na ako makapag-concentrate sa aking ginagawa. My mind was starting to be preoccupied by list of menus that I could possibly prepare on my birthday. This is something I'm not used to do kaya kailangan kong paghandaang mabuti upang hindi mapahiya si Dana.
Napatingin ako sa paligid ng aking bahay. Sa pananalita ni Dana mukhang mataas ang estado sa buhay ng kanyang boyfriend. I should better start redecorating my house para naman hindi maliitin ng Renz na yun si Dana. Hindi man malapalasyo ang bahay namin, I can at least add class into it.
"Ate Melissa!" tawag ko sa kaisa-isa kong kasambahay.
"Yes Ma'am."
"May bisitang darating si Dana next week kaya umpisahan na nating linisin at pagandahin tong bahay."
"Bakit Ma'am? Maganda na rin naman po etong bahay niyo ah."
"Mukhang ubod ng yaman at milyonaryo ang bisita natin next week. Baka mapahiya si Dana kung hindi magandahan dito sa bahay."
"Ah sige mam umpisahan na natin sa paglalaba ng mga carpet," biglang mabilis na sabi niya.
"Sa tingin ko rin," sang-ayon ko. "Sa palagay mo kailangan din nating magpalit ng kurtina?"
"Pero mam wala na po tayong available na light blue na kurtina. Nasira yung reserba natin. Hindi ka pa po ata nakakabili ng bago."
"Ah oo nga nakalimutan kong bumili nung lumuwas ako nang Manila," saad ko. "Pwede naman nating palitan nang kung anong magandang kulay na available diyan."
"Pero ma'am. Di ba sabi mo paborito ni Sir Steven ang powder blue kaya yun ang laging gusto mong kulay ng kurtina," malungkot na malungkot na wika niya.
Bahagyang natawa ako sa reaksiyon niyang tipong napakalaking pagkakamali kung magpapalit ako ng kulay ng kurtina. "It's okay. We're doing it for Dana this time and not for me."
Yes it's true that powder blue is Steven's favorite color. And as much as possible lahat ng mga bagay na makakapagpaalala sa akin sa kanya ay lagi ko lang nakikita lalong-lalo na dito sa loob ng aming bahay. Eto lang kasi yung mga bagay na pinagkakapitan ko at pinaghuhugutan ng lakas at pag-asa na balang araw ay babalik din siya.
"Aling Marissa sa tingin mo dapat din nating palitan ang mga halaman sa terrace?"
"Oo ma'am. Lagas na ang mga bulaklak nang nakalagay doon ngayon. Palitan natin nung malalagong nakapasong alocasia."
"Tama. Pagtulungan na lang nating buhatin," suhestiyon ko. "Sa palagay ko dapat din tayong magdagdag ng indoor plants dito sa bahay. Saka Ate Melissa mamaya maglista tayo ng mga igogrocery at ipapamalangke. Magluluto tayo ng masasarap na putahe next week."
"Sige mam at marami na nga rin tayong kulang diyan sa kusina. Sino po ba ang bisita ni Ma'am Dana?"
"Boyfriend niya."
Nagliwanag ang mukha ng aking kasambahay. "Naku talaga! Kahanga-hanga naman yang lalaki at talagang nagpursigeng makilala din kayo."
"Kaya nga eh. Kahit hindi ako sanay ay pinagbigyan ko na si Dana dahil mukhang maganda naman talaga ang intensiyon nang pagdalaw nila," wika ko nang may tipid na ngiti.
"Hindi kaya ma'am may balak ng mag-asawa si Ma'am Dana at kaya din gustong pumunta dito ng boyfriend niya para mamanhikan na rin."
Natawa ako sa sinabi ni Ate Melissa. "Imposible yan. Bata pa si Dana para mag-asawa saka andami pa niyang pangarap sa buhay." Unti-unting naglaho ang tawa ko nang mapagtanto ang edad ng boyfriend ng aking pamangkin. Sinabi nga pala nito na thirty eight na siya. Bigla akong kinabahan baka nga tama ang sinabi ng aking kasambahay. Kahit bata pa si Dana pero dahil nasa edad na ang boyfriend niya kaya nagpaplano na ang mga ito magpakasal.
Mabilis na nagbago ang aking isip. "Huwag na pala tayong mag re-arrange ng bahay. Yang carpet hindi pa naman gaanong marumi hayaan na lang natin yan. Saka yung mga halaman sa terrace huwag nang palitan. Saka huwag na tayong magluto nang marami next week, mga tatlo o apat na putahe na lang tutal iilan lang naman tayong kakain."
"Eh yung kurtina ma'am hindi na rin ba nattin papalitan?"
Napaisip ako. "Yan lang ang pwede mong palitan dahil umay na umay na si Dana sa kulay na yan."
Wala naman akong magagawa kung gusto na talagang mag-asawa ni Dana pero hangga't may magagawa akong pigilan ito ay pipigilan ko. Kilala ko ang pamangkin ko at ramdam kong hindi pa malalim na pagmamahal ang nararamdaman niya sa kanyang boyfriend. Masasabi mo lang na totoong nagmamahal na ang isang tao kung may pagbabago na sa buhay nito dahil nagagawa niya ng isakripisyo ang ilang mga bagay sa buhay niya alang-alang sa taong mahal niya. Pero sa kalagayan ni Dana, wala pa akong nakikitang kakarampot na pagbabago sa kanya. She's still the same fierce and stubborn woman who's only driven by her ambition. Sa lahat ng mga napagdaanan ko, isa lang ang napagtanto ko sa pag-aasawa. Don't get married unless you're truly and genuinely in love with your partner.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.