ANTONETTE
Sinabayan ako ni Terrence sa hapag kainan. Naghahapunan ako habang siya naman ay nagkakape lang. He refused to have a meal dahil nakakain na siya sa party. Baka mas lalo daw siyang antukin pag nabusog. That's fine with me ang importante ay hindi na naman ako mag-isa sa mesa. Kahit mag-isa lang ako sa bahay as much as possible I don't want to eat alone. Hindi ko alam pero sa tuwing kumakain akong mag-isa, sumasagi sa isip ko ang posibilidad na tatanda akong ganito. I'm still holding on to the day when I can have home meals with my own family.
"Hindi halatang malakas kang kumain ha," komento ni Terrence habang pinapanood akong sumubo nang magkakasunod.
Pinigilan kong tumawa dahil puno ang aking bibig. "Gutom na gutom ako. Buong araw akong pagod at hindi na……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.