TERRENCE
"Where are we going? Are we having dinner in a fine dining restaurant?" sabik na mga tanong ni Dana pagkasakay na pagkasakay sa aking kotse. Dinaanan ko siya sa isang bus stop na dalawang kanto ang layo mula sa aming opisina.
"Somewhere we can talk," tipid na sagot ko.
I drove quietly for half an hour and parked in an open place where Dana could easily get off the car and cry her heart out if she wants to without getting people's attention. Nagbago na ang isip ko. Sa halip na kausapin siya over dinner ay sa isang lugar na lamang kung saan walang makakakita at makakakilala sa amin maging ano pa man ang kahantungan ng aming pag-uusap. Kutob ko kasing may posibilidad siyang maging hysterical.
"Is this the place?" she wondered. "Aren't we going to have dinner in a nice restaurant or watch movie first before we talk?"
"Dito na lang muna tayo sa loob ng sasakyan mag-usap," tipid na wika ko.
"Okay, I want to tell you something too," nakangiting sabi niya na halatang walang kaide-ideya sa plano ko.
Bumuntong-hininga ako nang malalim at tumingin sa kanya. Wala akong balak magpaligoy-ligoy pa. Diretso ko nang sasabihin para isang bagsakan na lamang.
"D-Dana lets b..."
"Babe my aunt is inviting you on her birthday next week!" bulalas niya nang may namimilog na mga mata.
Hindi ko nagawang ituloy ang aking sasabihin sa halip ay ilang segundo akong napanganga. "W-What did you say?"
"Sabi ko my aunt wants to personally know you kaya iniimbitahan ka niya sa birthday niya next week."
Nanahimik muna ako. Pansamantalang bumaliktad ang takbo ng aking isipan. I suddenly had the desire to see that woman again but I realized it would be useless. Wala namang mabuting maidudulot yun. Sa tagal nang lumipas ng panahon we might see each other as strangers already or maybe she won't remember me anymore. She's already living her chosen life. Bakit ako mag-aaksaya ng oras at pagod sa isang taong wala na namang magiging papel sa buhay ko?
"Can't you go babe?" Dana sweetly asked in the midst of my silence.
I sighed and bit my lip. "Let's not talk about your Aunt's birthday. Dana let's b..."
"Kawawa naman si Tita Tonette umaasa pa naman yun na hindi may makakasama siya ngayong birthday niya. Siguradong malulungkot yun pag mag-isa na naman siya sa espeyal na araw niya."
Bigla akong napalingon sa kanya. Takang-taka sa narinig. "Why would she be alone? Where's her family? How about her husband or children?"sunud-sunod kong tanong.
Malungkot at naluluhang tumingin siya sa akin. She pulled a tissue from the box and pretended to wipe the corner of her eyes. "She lost her husband five years ago at wala rin silang naging anak kaya ako na lang talaga ang inaasahan niyang makakasama niya during special days. Siyempre kung di ka makakapunta, di na rin siguro ako uuwi sa probinsiya. Although malapit lang naman sana ang probinsiya nila kaya lang baka madisappoint lang lalo si Tita pag nalamang tinanggihan mo ang invitation niya. Kaya magdadahilan na lang siguro ako na may biglaan tayong importanteng trabaho."
Mas lalo akong nalito. "She lost her husband? Did he die?"
"W-Well parang ganun na nga although his body wasn't really found. He went missing five years ago and his family registered his death already. Ang Tita Tonette lang talaga ang di pa rin matanggap na patay na ang asawa niya kaya until now she's still living in limbo."
Binuhay ko ang sasakyan at muling nagmaneho.
"Saan tayo pupunta?" biglang taka ni Dana.
"You said you wanted to have dinner. Saang restaurant mo ba gustong kumain?" may konting lambing na tanong ko while eventually deciding to postpone the break-up.
"Akala ko ba may pag-uusapan muna tayo?" wika niya.
"Ah never mind," ngiti ko. "We can talk about it over dinner. I was about to discuss with you our next out of the country vacation but since we're visiting your Aunt. Yun na lang siguro ang maging bakasyon natin."
Kumislap ang kanyang mga mata. "Talaga? You mean payag ka nang bisitahin natin siya?"
I shrugged. "I don't have a choice. Sa tono ng mga salita mo I got an idea that it's a must."
"Thank you so much Babe! I felt so overwhelmed now. I really appreciate your effort and time," may lambing na salita niya habang napapahampas sa aking braso.
"By the way, sa tingin mo paano ko iaapproach ang Tita mo?" patay malisyang tanong ko habang nakatingin sa daan at napapahimas sa aking labi.
"Just act yourself," payo niya.
"B-But still... I'm a little nervous," amin ko.
Natawa siya sa reaksiyon ko. "Relax ka lang. I'm not worried about you. I'm more worried about her."
"Why?" kunot-noong tanong ko.
"She's a very introvert person. First time kong may dadalhing bisita sa bahay kaya hindi ko alam kung papaano ka niya iwi-welcome."
"Introvert?" Natawa ako sa aking isipan. She's lying. That's the last word I'll use to describe Antonette. "Then why would she invite me if she's the kind of person who hates having stranger around?"
Hindi agad nakasagot ang aking katabi. She's obviously looking for the right answer. "Ah dahil natuklasan niyang lahat nang luxury bags ko ay galing sayo."
Bigla akong napapreno. "You told her about that?" alalang-alalang salita ko.
"Yes. I told you nahuli niya na ako so I couln't lie anymore." Her eyebrow raised and looked at me. "Why do you have to stop the car because of that?"
Pinalakasan ko ang aircon. Biglang uminit ang aking pakiramdam sa nerbiyos. "Anong sabi niya tungkol sa mga bags?"
"She accused me of dating a dirty old man. Kaya nga siguro gusto ka niyang ma meet personally."
Bigla akong naubo.
Dana gently tapped my back. "Don't be nervous babe. My aunt is a very soft woman. She doesn't get upset easily. I'm sure gusto niya lang ng assurance na wala siyang dapat ikabahala sa pakikipagrelasyon ko. Ito rin ang rason kung bakit gusto kitang ipakilala ng personal sa kanya. Para mawala yung anumang pagdududa sa isip niya na isang DOM ang karelasyon ko."
Itinuloy ko ang pagmamaneho. I was wondering why Dana kept using weird adjectives to describe Tonette. Very soft woman? I chuckled. When did that woman became soft?
"Why are you laughing?" taka ni Dana.
"Nothing," I shook my head. "Gaano ba kayo ka-close ng Tita mo?"
Dana sighed and folded her arms. "It's hard to describe our relationship. It's like love and hate in one. Or kumbaga sa friendship we're frenemies. Our personalities are complete opposite kaya madalas kaming nagkaka-clash pero ganun pa man I respect her and care for her. Siguro patuloy akong maiinis sa kanya hangga't hindi ko siya nakikitang masaya."
"You're mean," diretsong komento ko.
"Paano ako naging mean? Does wishing someone's happiness being mean to you? You have no idea how dull her life is. She choose to live in a lonely world and refused to open any door of happiness."
"Her husband had gone missing. Mahirap bang intindihin na may mabigat siyang dahilan para hindi maging masaya," depensa ko.
She pouted. "Whatever. I don't still get it. Kahit nga yung mga namatayan na talaga ay nakakamove on na after a year or two, pero siya kinakahon pa rin ang sarili na para bang habang hindi pa nakikita ang asawa niya ay wala pa siyang karapatang mag-move on. I really don't understand."
"Hindi ba dapat ay mas lalo mo siyang intindihin at suportahan. I doubt that there's someone in this world who will choose sadness over happiness. May mga pagkakataon lang talaga na kahit gustuhin mong sumaya ay hindi mo naman mapipilit ang sarili na maramdaman yun."
Magkatagpo ang mga kilay na nilingon ako ng aking kausap. "Teka nga muna. Are you defending her? Kanino ka ba side? Sa akin o sa kanya? You talked as if you know her more than me. Saka mo na sabihin yan kapag nag-meet na talaga kayo at nakilala mo na talaga siya."
Napalunok ako. "Of course I-I'm on your side. But she's your aunt kaya inihahanda ko na rin ang aking sarili na makuha ang loob niya by pretending to be on her side. Kaya nga tayo bibisita sa kanya di ba?"
Agad na naglaho ang pagkainis sa kanyang mukha at lihim na napangiti. Umiwas naman ako ng tingin. Sa mga bagay na aking naririnig tungkol kay Tonette, mas lalong umiigting ang aking pagnanais na muli siyang makita.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.