ANTONETTE
Tulala at kukurap-kurap kong tinitigan ang mga nakahaing pagkain sa hapag kainan. Hindi ko alam kung ano ang uunahing tikman. Napadami ata ang niluto ko. My mind is telling mo to eat but my appetite is stopping me. Napapabuntong-hiningang binitawan ko ang kutsara't tinidor. Tiningnan ko ang mga ulam at ang mga bakanteng silya sa mesa. This scene reminds me again of how pathetic my life is. Am I going to live like this for the rest of my life? Kamamatayan ko na ba ang kumain nang mag-isa sa mesa?
Hintayin ko na lang kaya si Dana tutal ngayong gabi siya uuwi.Tinakpan ko muna ang mga pagkain at nanood ng TV. Lumipas ang dalawang oras na wala pa ring dumarating kaya nagpasya na akong maghapunan. I wasn't in my real home kaya mas mahirap lumunok kapag mag-isa kang kumakain. I still don't understand what went wrong with my life. Wala naman akong ginawang masama. Naging mabuti naman ako sa aking kapwa. Naging mabuti naman akong kapatid at anak...pero buhat nang mamatay ang tatay ko, my life began to drift away. Naging abala na ang mga kapatid ko sa kanya-kanya nilang buhay. Tapos etong kinupkop at pinag-aral ko namang pamangkin ay may sarili namang mundo. Malayo ang loob sa akin. Gustuhin ko mang magka-anak kahit isa man lang ay huli na ang lahat. I don't have a husband beside me now.
Naglinis ako pagkatapos maghapunan. Tama ang desisyon ko na dalawin etong pinapagamit kong condo sa aking pamangkin dahil kung hindi baka sa sunod na bisita ko ay nabubulok na ito sa sobrang pagkaburara niya. Bakit ba ganyan ang mga kabataan ngayon parang wala na sa bokabularyo nila ang salitang kalinisan? Puro cellphone, social media at lovelife na lang ang inaatupag. Ni hindi nga ako magawang tulungan kahit isang beses sa aking negosyo samantalang doon naman ako kumukuha dati ng pang-allowance niya. Kung sa mga magulang namin to noon naku walang humpay na sermon na may kasama pang kurot at hampas ang aabutin niya.
Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng mga pinggan nang sa wakas ay dumating na si Dana. "Good evening Tita Tonette!" nakangiti siya pero halatang pagod ang mga mata. Kahit matigas ang ulo ng pamangkin kong ito ay nawawala naman lahat ng pagkadismaya ko kapag ngumiti na.
"How's your flight? Kumain ka na ba?" kaswal na tanong ko.
"Tapos na Tita. My flight was delayed kaya ngayon lang ako nakarating." Itinabi niya ang maleta at tinanggal ang scarf na nakapulupot sa kanyang leeg. "Hanggang kelan ho ba kayo mag-stay dito?"
"Aba't tingnan mo to. Ngayon lang ulit tayo nagkita tapos tinatanong mo na agad ako kung kelan ako uuwi."
"I'm just worried that you'll be bored here. At least sa Netvilleas ay nalilibang kayo sa mga halaman at mga taong dumadayo doon."
"Huwag kang mag-alala uuwi na rin ako bukas. Gusto ko lang namang kumustahin ang kalagayan mo at nitong tinitirhan mo." Napansin kong may hawak siyang malaking puting paper bag na tila tinatago niya sa kanyang likuran. Napangiti ako. "What's that? Don't tell me may pasalubong ka sa akin."
Lumaki ang ang kanyang mga mata. "Hindi po. It's mine I-I bought it for myself."
Naramdaman kong nagsisinungaling siya. Mas lumapad ang ngiti ko. "C'mon give it to me. No need to surprise me." Binanlawan ko ang aking kamay at lumapit sa kanya para kunin ang paper bag.
She panicked at itinaas ang kanyang kamay na nakahawak sa paper bag. " No! This is not for you Tita! I told you it's mine!"
Nagulat ako sa tila galit niyang tono. "Okay but let me see it."
Aatras pa sana siya ngunit naagaw ko sa kanya ang paper bag.
"Be careful with that Tita!"
Kumunot ang aking noo. "Bakit? Ano ba kasi to?"
"I-It's a handbag. B-Bumili ako ng bagong magagamit sa office," Napapalunok na sabi niya.
Lalong nagtagpo ang aking mga kilay nang mabasa ang nakasulat na brand sa kahon ng bag. Just like what my niece instructed me, I carefully opened it. Nabigla ako sa aking nakita pero nagawa ko pa rin siyang harapin nang kalmado.
"I-It's immitation," kusang paliwanag niya nang may asiwang ngiti.
Tinitigan ko siya ng ilang segundo habang di siya makatingin nang diretso. "Where did you get it?" seryosong tanong ko sa kanya. I maybe living in seclusion but I definitely still know what's authentic and what's not.
"I told you I bought it," may pagsusupladang sagot niya.
"Where did you get the money? How can you afford this very expensive bag?"
Hindi siya nakaimik. Alam niyang nahuli ko na siyang nagsisinungaling. She avoided my eyes again. "N-Naki ride ako sa credit card ng officemate ko."
Ngumisi ako. "And do you think I'll believe that. Few months ago may LV ka, last month may Chanel and now you have Hermes. Ayokong itanong sayo to, pero kinakalakal mo na ba ang katawan mo para makabili ng ganito kamamahal na luho?"
Napanganga siya sa diretsong salita ko. Namula ang kanyang mukha "Ha! Wow Tita! How can you say that to me?! Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin? Are you proud of yourself to assume that you raised a p********e!" pikong wika niya.
"Then stop lying to me. Sabihin mo sa akin ang totoo? Saan galing ang mga mamahaling bag mo?" Mahinahon lang na tanong ko. I was agitated too pero wala akong ganang magtaas ng boses.
"It's from my boyfriend! Yesterday was our monthsary and this is his gift to me. At oo pati yung LV at chanel ay galing din sa kanya! Are you happy now?"
Kumunot na naman ang aking noo. Yesterday was their monthsary and he bought her a gift? Did she lie too that her trip was work related? Boyfriend ang kasama niya sa Singapore? "Do you have a sugar daddy?" diretsong tanong ko ulit.
Tumawa siya. "Of course not! My boyfriend is far from being a dirty old man. How can you judge a person easily! Baka mapahiya kayo kapag nakita niyo siya ng personal at nakilala."
"But who will give this kind of expensive gift easily without getting something in return?"
"He can afford to buy it because he's rich. And his not just a regular rich man, he's filthy rich at barya lang sa kanya ang halaga ng bag na to. Kasalanan na ba ngayon ang pagiging galante?"
Bumuntong- hininga ako nang malalim at namewang. "Let me see his picture. Siguro naman may picture kayong dalawa diyan sa phone mo." Lahad ko sa aking palad upang hingin ang cellphone niya.
Itiniim niya ang mga labi at umiling. "I can't reveal him now."
"At bakit naman hindi?"
"Because he has a huge name in business world."
"I don't care if he's famous or not. Just let me see his face. Gusto ko lang makita ang hitsura ng galanteng boyfriend na sinasabi mo." I have a big feeling that they have a huge age gap. Sa edad ko na to kahit sa picture kaya ko nang mangilatis ng lalaki.
"I can't show you," pagmamatigas pa rin niya. "I promise him I'll respect his privacy. Saka ano po bang pinag-aalala niyo? Don't worry I'll introduce him to you when the right time comes."
"Kelan yung right time? Kapag iniwan ka na niya at nasaktan ka na dahil sawa na siya sayo?" I smirked.
She blushed at what I said. "How can you be that mean?"
"I'm not mean. I'm just trying to be honest because I care for your future. Ayokong mapariwara ka dahil sa pagsama-sama mo sa mga maling lalaki."
Tumaas ang kanyang kilay at matatalim ang mga matang tumingin sa akin. "Can't you be more respectful about my personal life? Matanda na ako at mayroon na akong sariling diskarte sa buhay. Hindi porke't kinupkop niyo ako ng ilang taon at pinag-aral ay may karapatan na kayong panghimasukan ang mga plano ko sa buhay. I know what I'm doing! Why don't you give time planning about your life imbes na binubunton niyo ang atensiyon sa akin dahil bored na bored na kayo sa buhay niyo. Kesa nagpapakabulok kayo diyan sa mala-enchanted garden niyong lungga, maghanap ka rin ng lalaki pagkakaabalahan mo. Magkukuwarenta na kayo baka maubos na ang lalaking pwedeng pumatol sa inyo."
I laughed softly. "What are you talking about? I'm a married woman Dana."
"Married? So nasaan ang asawa niyo? He's been missing for almost five years! Sa totoo lang mas gugustuhin ko pang isipin na patay na siya, na totoong kinidnap siya ng mga nakalaban niya sa politika. But what if he's not and just decided to run-away from you? What if he's living happily now somewhere else?"
"That's not true." I said with a blank face.
"So what's the truth that he's in some situation in which he can't return home? Ano mala soap opera lang na nagka amnesia siya kaya di niya alam pabalik sayo?"
"His family is still looking for him," maiksing sagot ko.
"Ah yung pamilya niya na binalewala ka na simula nang mawala yang asawa niyo. Hindi ka ba nakakahalata na wala ka nang naririnig mula sa kanila for the longest time."
"They are busy and they have their own life to attend to."
"Kung ganun mind your own life too. Do something new! Hindi yung para na lang kayong de baterya na may pare-parehas na routine araw-araw! And please stop meddling too much with my life because it doesn't even appear sincere to me!"
Galit na dinampot niya ang bag at pumasok sa kanyang kuwarto. Pabalibag na isinara ang pinto. Bumuntong-hininga ako at parang walang nangyaring tinapos ang paghuhugas ng pinggan. Pumasok ako sa aking kuwarto at matamlay na naupo sa kama habang nakatitig sa dingding.
The blackhole inside my heart had just gotten a little deeper again. I felt too disappointed and sad. Parang unti-unti nang dumarating ang kinatatakutan ko kay Dana. She's indeed a very ambitious woman who would do anything for money. Sayang matalino at maganda pa naman siya pero ginagamit niya iyon para mabilis na makuha ang mga bagay na gusto niya. Tama naman siya na nasa edad na siya para magdesisyon sa kanyang buhay at sino nga naman ako para diktahan ang buhay niya. Nalulungkot lang ako na maling paraan ang pinipili niya para matupad ang mga pangarap niya. Sana hindi niya pagsisihan yan sa bandang dulo.
I can bear all these emptiness for the rest of my life. Basta ang mahalaga ay yung alam kong masaya naman at nabubuhay nang disente ang mga mahal ko sa buhay and that includes Dana.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.