ANTONETTE
"Tita alis na ako!" sigaw ni Dana.
Mabilis kong idinura ang bula ng toothpaste at tumigil sa pagsisipilyo. Lumabas ako ng banyo na nakaroba at may nakapulupot na tuwalya sa ulo. "Hindi ka pa nag-aalmusal," wika ko.
Nagmamadali na siya. Naglalakad patungo sa pinto nang di pa naisusuot nang maayos ang sapatos. "I need to leave now."
"Maaga pa. Akala ko ba sabi mo sabay tayong mag-aalmusal," dismayadong salita ko.
"Pasensiya ka na Tita. Biglang nag chat ang supervisor ko. Pinapapasok niya ako nang maaga. Meron daw silang emergency meeting ng 9am. Kailangan kong iprepare ang meeting room at mga dokumentong kailangan nila." Nagmamadaling dumampot siya ng loaf bread sa mesa. "Bye! Magchat na lang kayo kung tuloy kayong umuwi ng probinsiya mamaya," sabay ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.