JORDANA
"Tinitigan niya ang picture na to," turo ni Freda sa post ko sa i********:. "Bakit kaya?" litong tingin niya sa akin habang parehas kaming nakaupo sa bar counter nang may tig-isang baso ng coke. I'm trying to contain the butterflies in my stomach habang pinapakinggan ang mga kuwento niya.
"I have no idea also. Siguro bina-background check niya lang ako," patay malisyang sagot ko. She's my breaktime buddy and just three years older than me. Paborito naming puntahan ang maliit na snack bar na isang kanto lamang ang layo mula sa office.
"Ah meron pa!" She showed me the picture of Tita Tonette. The one I posted during her birthday last year. "Sir Terrence spent exactly three minutes staring at this picture. Inorasan ko talaga. Who is she? Is she your older sister?"
"She's my aunt. Siya yung tinutukoy kong tiyahin na nagpa-aral sa akin sa college."
"Really? Parang hindi naman nagkakalayo ang edad niyo base sa itsura niya."
"She's almost forty."
"Talaga?! Wow!" di makapaniwalang bulalas ng aking kausap. "Anong sekreto niya ba't mukhang dalagang-dalaga pa rin?"
Kumibit ako nang mga balikat. "I don't know. Maybe it just in our genes." I flipped my hair.
"Yabang natin ah. Well, hindi kaya nagandahan lang si Sir Terrence sa kanya?"
"Siguro but why would he look at her kung meron namang mas bata at dalagang kamukha ang tita ko," may kaunting selos na sambit ko.
Napaisip din ako. I couldn't think of other reason except siguro na gusto lang kilatisin ni Renz si Tita Tonette dahil nakausap niya nga ito sa phone. Maybe she left some impression on him.
Nagdududang tumingin sa akin si Freda. "Isa ka rin ba sa daan-daang empleyado na nagkakagusto kay Sir Terrence?"
"Hindi ah!" mariing tanggi ko. "Huwag mo akong gawan ng issue. Nanahimik ang buhay ko sa office," sabay inom ko ng cola.
"May sekreto ba ang pamilya mo? Galing ka ba sa kilalang angkan o mayamang pamilya para magkainteres si Sir Terrence? Nakakapagtaka sa dinami-dami ng empleyado at sa kabila ng kabusyhan niya nagawa niyang maglaan ng oras para maghanap ng family picture mo."
"Naku hindi ha. Mahirap lang ang pamilya ko. Pinag-aral nga lang ako ng tiyahin ko," tanggi ko nang may namimilog na mga mata. "Siguro may gusto lang siyang iassigned sa akin na trabaho at kinakailangang i-check ang family background ko. Maybe he'll entrust a very important task on me!" may pagka OA na sabi ko.
Problemadong napahawak sa noo si Freda. "Sir Terrence is acting weird today. Alam mo ba pinakancel niya ang isang importanteng meeting for a dinner in a fine dining restaurant tonight?"
"He did?" di makapaniwalang tanong ko.
"Yes!"
Baka naman may mas importanteng dinner meeting siya," wika ko.
"Never pang nakipagmeeting si Sir Terrence sa isang fine dining restaurant. Hindi kaya may importante siyang ka-date? Alam kong may kahinaan si Sir pagdating sa babae pero trabaho pa rin ang pinakaimportante sa kanya. Kaya nakakapanibago talaga."
Pinipigilan ko ang kilig na aking nararamdaman. For the first time, Renz was curious about my family. Maybe this is a sign that our relationship is getting serious. He never cared or asked about my family background before. I think my effort to be not just a fling to him is working. Is he planning to meet my family? Baka unti-unti niya nang nakikita sa akin ang katangian ng babaeng pakakasalan niya. The timing of our relationship is perfect. At his age, I know sooner or later he'll feel the enthusiasm to get married. Baka ako ang yayain niyang mag-dinner mamaya at malamang mag-propose na siya.
I don't care even if I'm still young, pag niyaya niya akong magpakasal ay hinding-hindi ako magdadalawang-isip umoo. Pakiramdam ko kahit nasa unang baytang a lamang ako nang mataas na hagdan ay maabot ko na ang aking pangarap. I admit I'm a gold digger and Renz is the most valuable gold I'd ever dig. He's my goldfield but also the fountain of all the butterflies in my stomach. He can both fill my empty heart and my thirst for money.
Our age gap will never be a problem to me. He's not an embarrassment but instead a valuable trophy. He's one of those older guy who are still fantasized by younger women. The dapper look. Tall. Absolute handsomeness. A pair of intelligent eyes that are very capable of conveying emotions without saying a word. The undeniably smart and charming personality. The sexiness and manliness of his voice. Most of all, the enormous bank account.
I'm usually frustrated because until now, he wouldn't have s*x with me but now I understand. He's respecting me as a woman. Ramdam ko ang pagrespeto na yun sa tuwing napapatitig siya sa aking mga mata.
My phone chimed and I was thrilled after knowing it's a text from Renz. He asked me for another date tonight. Sabi ko na nga ba para sa amin ang reservation na yun. Kung pwede lang akong tumili dito ay ginawa ko na. Eto na talaga yun! My presence is getting important to him. Magkasama pa lang kami kahapon tapos gusto niya na namang mag-date kami mamaya!
"Jordana would you mind if I ask you something very personal?" tanong ni Freda.
"Go ahead. Pero it's still my choice kung sasagutin ko o hindi ang tanong mo."
"Napapansin ko lang kasi. Actually hindi lang ako kundi ang buong opisina ata. You are always wearing a luxury bag despite sa sinasabin mong galing ka lang sa mahirap na pamilya. Meron ka bang mayaman at gwapong boyfriend na itinatago sa amin?"
Hindi ako nakaimik habang pinipigilang mamula ang aking mga pisngi.
"Oh well I guess it's true. Hindi naman ako magtataka kasi maganda, seksi at matalino ka. You'll definitely catch a golden man," sabay sipsip niya sa straw ng kanyang soda.
"It's not true!" Mariing tanggi ko nang mahimasmasan. "It's a hand-me-down from my aunt. She's living a very simple life now kaya naisipan niyang ipagamit na lang sa akin ang mga mamahaling bags niya."
"Ah so ibig sabihin mayaman pala ang Tita mo."
"Ah well... sort of. Nakapag-asawa kasi siya ng mula sa isang kilalang angkan ng mga politiko. But the only wealth she has now ay yung mga naiwan lang sa kanya na property ng asawa niya."
"Ibig mong sabihin ay balo na yung napakaganda mong Tita na yun?" Inilapit niya ang mukha sa akin nang may namimilog na mga mata.
"Not really. But her husband had been missing for years now."
"Wait a minute..." Napapaisip na sambit ng aking kausap. "To be honest, I was wondering kung dati bang artista yang tiyahin mo dahil pamilyar sa akin ang kanyang mukha. Parang napanood ko na siya dati or nabasa somewhere else. Now I understand, correct me if I'm wrong, she's the wife of Stephen Ladera, right?"
"How did you know?" gulat na tanong ko.
"Sabi ko na nga ba!" she exclaimed. "Alam ko yan dahil ang mga magulang ko ay mula sa probinsiya ng mga Ladera. It was a huge news in the whole province nung nawala yang si Steven Ladera. Ilang beses din napalabas sa balita yan. Sa palagay ko pinatay na yun dahil sa away sa politika.
"Huwag ka namang magsalita nang ganyan. He's still alive as long as there's no evidence of his death," seryosong wika ko. Kahit pa nirereal talk ko na rin ang tita ko tungkol sa asawa niya, ayoko namang marinig mula sa iba na ipinagkakait na nila ang kakarampot na pag-asa mula sa aking tiyahin. "Let's not talk about it. It's a sensitive matter on our part."
"Oh okay. I'm sorry." Bilang kabig ni Freda nang mahalatang seryoso na ang aking mukha.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.