┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Bwisit! Bwisit talaga ang lalaking 'yon! Dahil sa kanya nalaman tuloy ng kaibigan niya ang inililihim ko." Galit na galit si Janine, hindi lang kay Maguz, maging kay Owen din dahil nalaman nito ang inililihim niya. Sa sobrang galit kasi niya kay Maguz ay nadulas ang dila niya at nabanggit niya ang tungkol sa gabing may nangyari sa kanila dahil sa kalasingan, hindi na niya naalintana na may kasama nga pala si Maguz.
"Goddammit!" Galit na sabi nito. Padabog itong naupo sa sofa, but just as she settled on the couch, her phone started ringing.
Inis niyang tinignan kung sino ang tumatawag sa kanya. Agad niyang sinagot ang phone ng mabasa niya sa screen ang pangalan ni Marcus.
"In my office, make sure na nandito ka na in ten minutes." Sabi nito. Sumibangot si Janine at padabog itong tumayo. Nagtungo siya sa kanyang silid at hinubad niya ang suot niyang short at nagpalit ng itim na leather pants, pagkatapos ay nagsuot ito ng puting fit na t-shirt at saka isinuot sa katawan niya ang double shoulder holsters, pagkatapos ay isinuksok niya ang kanyang dalawang baril. Then, isinuot niya ang kanyang leather jacket at nagsuot na rin siya ng boots na kulay itim.
"In ten minutes, make sure nandito ka na sa office." She mocked, her face contorting in frustration, pagkatapos ay natawa siya sa kanyang sarili.
Nagmamadali na siyang nagtungo sa parking lot, pagkatapos ay patalon itong sumampa sa kanyang big bike at saka niya ito pinaandar. Pinaingay niya ito, pagkatapos ay paharutot nang nilisan ni Janine ang parking lot ng building at tinungo ang building ng kumpanya ni Marcus.
Hindi nagtagal ay naglalakad na si Janine towards the private lift, but she suddenly stopped when her gaze landed on a stunning woman at the information desk. The woman was unfamiliar to her, clearly new to the area, and Janine found herself staring at her in awe. There was something about her that caught Janine’s attention... her beauty was undeniable, and she couldn't help but watch her every move, curious and intrigued by the stranger who seemed to stand out effortlessly in the bustling environment.
Napangiti si Janine, pumihit at nagsimulang maglakad papalapit sa information desk, pero napahinto siya sa paglalakad ng humarang sa harapan niya si Nato.
"Hinihintay na tayo ni Marcus. Nakakita ka lang ng babae, para ka ng nahipnotismo diyan." Sabi ni Nato kaya inis na tinabig ni Janine ang kanyang kaibigan.
"Sabi ni Marcus, ten minutes lang. Tatlong minuto na lang ang natitira. Kilala natin kung paano magalit si Marcus, hindi ba?" Boses muli ni Nato kaya napahinto sa paglalakad si Janine, napatingin sa kanyang orasang pambisig at saka tumingin sa babaeng maganda na kausap ang mga empleyado ni Marcus.
"Maganda, hindi ba? Pero huwag kang pasisilaw sa sobrang kagandahan, kung minsan nakakalason ang sobrang ganda na puno ng mabagsik na kamandag." Wika ni Nato. Natawa ng mahina si Janine at saka ito naglakad patungo sa private lift. Sinundan agad siya ni Nato at nagmamadali na silang pumasok sa loob ng elevator.
Ilang saglit lang at bumukas din agad ang elevator at nagmamadali na silang nagtungo sa office ni Marcus. Pagbukas nila ng pintuan ay nakatitig sa kanilang dalawa si Marcus, kunot ang noo at tumingin pa sa kanyang orasang pambisig, pagkatapos ay biglang iniharap sa kanila ang isang table clock at ipinakita na late sila ng isang minuto.
"Isang minuto lang 'yan, para ka lang umihi sa banyo at pagkatapos mo ay nakaupo na kami dito." Sabi nmi Nato kaya natawa si Hugo at si Josh. Napatingin pa sila kay Orion, tumaas ang isang kilay ni Janine at naupo ito sa tabi ng pinuno ng Dark Immortal org, kasama nito si Ajaziah Fronda at si Noah Hendrickson.
"Mukhang importante ang usapang ito, ah!" Sabi ni Janine, itinaas pa nito ang dalawang paa sa coffee table, pero tinapik naman ito ni Marcus.
"May hinihintay akong tao na makaka-meeting natin. Tungkol ito sa negosyo nating lahat, ang Construction Company na gusto niyang pasukin." Sabi ni Marcus. Ilang saglit lang ay pumapasok naman si Maguz at si Owen. Napatingin ito kay Janine kaya ang laki ng pagkakangiti nito.
"Buti naman at dumating na kayo? Wala pa rito ang kausap natin, pero ang sabi ng mga empleyado ko ay nasa ibaba daw at patungo na dito." Sabi ni Marcus. Isiniksik naman ni Maguz ang sarili niya sa tabi ni Janine. Natatawa naman si Orion kaya tumayo ito upang makaupo ng maayos si Maguz, halos kumandong na kasi ito kay Janine makaupo lang ito sa tabi ng assassin ni Marcus.
"Ang daming upuan, bakit ka dito nagsisiksik? Ang sikip na nga, dumagdag ka pa." Inis na sabi ng dalagang may pusong lalaki.
"Sabi nga nila... kung saan ang masikip, iyon ang mas masarap." Bulong nito at itinapat pa nito ang bibig niya sa tainga ni Janine. Isang suntok sa mukha ni Maguz ang gumulat sa lahat. Humagalpak agad ng malakas na tawa si Marcus, habang sapo naman ni Maguz ang kanyang panga. Maging sila Orion ay natatawa dahil sa sinapit ng binata.
"Minamanyak mo siguro ang assassin ko kaya ayan ang napala mo." Sabi ni Marcus at muli itong humagalpak ng tawa.
"Talagang hindi sasakit ang ulo ko kay Janine. Gusto ko ang mga nangyayari, tignan ko lang kung hanggang saan ang tapang ng isang Maguz Whitlock." Dagdag na sabi pa ni Marcus. Si Janine naman ay umayos ng pagkakaupo, habang ang isang kilay nito ay nakataas sa binata. Magsasalita sana si Maguz nang makarinig sila ng ilang katok sa pintuan.
"Sir, the person you have been waiting for has just arrived. Would you like me to bring her in now?" Magalang na sabi ng sekretarya ni Marcus.
"Let her in." Agad namang ibinukas ng malaki ng sekretarya ni Marcus ang pintuan, pagkatapos ay napatingin ang lahat ng magsimulang humakbang papasok ang isang napakagandang babae. The way she walked exuded a quiet yet undeniable self-confidence, transforming the entire room with a shift in atmosphere. Each step she took seemed to command attention, filling the space with a palpable energy that was both magnetic and undeniable.
Napatitig naman si Janine, ito ang babaeng nakita niya sa may information desk na kausap ang ilang empleyado ni Marcus kanina lang. She gasped, then isang ngiti ang sumilay sa labi nito kaya agad na iniharang ni Maguz ang katawan niya sa mukha ni Janine. Gulat na gulat ito sa ginawa ni Maguz. Tinabig niya ito, gusto niyang lapitan ang magandang babae na kumuha ng kaniyang atensyon.
"Ano ba? Problema mo?" Inis na sabi nito. Magsasalita sana si Maguz, pero natigilan na ito ng magsalita si Marcus.
"Good afternoon, Miss Enna Mae Valera. It’s a pleasure to finally meet you in person. My name is Marcus Devon Dux, and I’m the one you contacted directly. I’m so glad you were able to make it here today." Wika ni Marcus, seryoso ang mukha nito, at makikita sa kanyang mukha ang pagiging professional. His expression was calm and composed, showing that he knew how to handle the situation with respect and discipline. Napakaganda man nang babaeng kaharap nila, pero para sa kanya... wala ng mas hihigit pang kagandahan sa nag-iisa niyang si Althea. So, his demeanor reflected the proper attitude and respect that the situation required.
"Good afternoon! Thank you so much for the warm welcome. I’m glad to be here and looking forward to what’s ahead." Sagot nito, iginiya naman ni Nato ang magandang si Enna sa mahabang table sa loob ng opisina ni Marcus. Hindi maiwasan ng dalaga ang hindi humanga sa loob ng office ni Marcus kaya nagsalita na ito.
"Your office here is truly impressive, every corner showcases an aura of wealth and elegance. The spaciousness, combined with the meticulous attention to detail in the decor, reflects a sense of luxury and sophistication that is impossible to overlook." Wika ng bisita nila. Tumingin muli ito sa buong paligid at hindi nito maiwasan ang mapangiti habang humahanga ito sa ganda ng loob ng opisina ni Marcus.
"Thank you, I'm glad you noticed. I believe in creating an environment that reflects success and professionalism. It’s all about making a lasting impression, after all." Sagot naman ng isang King Venum, pagkatapos ay tinawag na nito ang mga kasama nila upang maupo na rin sa mga silyang nakapalibot sa mahabang table. Si Janine naman ay hindi inaalis ang tingin niya sa magandang babae. Tila kung may anong hipnotismo ang humihila sa kanya upang lapitan ito, pero maagap si Maguz, agad niyang hinawakan sa kamay si Janine at iniupo sa silya, pagkatapos ay tinabihan niya ito.
"Napipikon na ako sa'yo. Kanina ka pa, Maguz." Inis na sabi ni Janine. Natatawa naman sila Aja sa nakikita nilang pagtatalo ni Maguz at ni Janine. Tila ayaw tigilan ng isang CIA ang assassin ni Marcus.
"Focus." Sabi ni Marcus kaya inis man si Janine ay umayos na ito ng upo at hindi na lumipat ng pwesto, hinayaan na lang niya na katabi niya si Maguz.
"So, what is this about?" Tanong ni Orion. Katabi nito sa upuan sa magkabilang side niya si Noah at si Aja. Tumingin naman si Enna kay Aja at ngumiti ito, pagkatapos ay umayos ito ng upo at inilabas ang dokumento na laman ng folder niyang hawak.
Ipinaliwanag ni Enna na isa sa mga pangarap niya ang magkaroon ng shares sa isang construction company, at dahil may available na slot sa kumpanya nang magkakaibigan, nais niyang mag-join at maging bahagi nito. Sabi niya sa mga ito na matagal na niyang pinaplano na makapasok sa ganitong industriya, at tingin niya ay magandang pagkakataon na ito para mapalago ang kanyang karanasan sa ganitong uri ng business at magkaroon ng investment sa isang matagumpay na negosyo. Bukod pa rito, naniniwala siyang makikinabang siya hindi lang sa financial aspect, kung hindi pati na rin sa mga valuable experiences at koneksyon na makukuha niya bilang bahagi ng kumpanya. Ipinasa niya sa mga kaharap niya ang mga dokumentong inihanda niya, maging ang mga ilang dokumento tungkol sa kanyang pagkatao at sa kanyang background na hiningi ni Marcus.
"Bakit ba kanina mo pa ako tinititigan?" Biglang sabi ni Aja. Kunot ang noo nito at tila inis. Napatingin tuloy ang lahat kay Enna.
"Langya! Mukhang katribo pa yata kita. Ang ganda mo pa naman, sayang ka." Bulong ni Janine kaya natatawa ang mga nakakarinig sa bulong nito.
"Sabi ko sa'yo babe, akin ka lang. Mas maganda ka sa kanya at hindi mo lang 'yon inaamin sa sarili mo." Bulong ni Maguz na katabi ni Janine, pagkatapos ay hinagod ng paa ni Maguz ang binti ng dalaga kaya nagulat ito sa ginawa ng binata sa kanya. Kaya sa inis niya ay bigla niyang inilagay ang kamay niya sa ilalim ng table, sabay daklot sa pagitan ng hita ni Maguz at saka niya ito piniga. Hindi man madiin, pero alam ni Janine na maduduling ito sa sakit.
"Fuuuuuck!" Malakas na sigaw ni Maguz. Gulat na gulat naman ang lahat na napatingin sa kanya, maliban lang kay Janine na kinuha ang dokumento at saka niya ito binasa.
"Ano ang nangyari sa'yo?" Gulat na tanong ni Owen. Nakatayo si Maguz, ang dalawang kamao niya ay nakakuyom at malapit sa kanyang alaga, tila gusto niya itong sapuhin at saka gumulong-gulong sa sahig, pero hindi niya ito ginawa. Makikita lang sa mukha nito na nasasaktan ito sa hindi nila maunawaang dahilan.
"Parang alam ko na. Kalalabasan niya balut na lasag-lasag." Wika ni Marcus sabay tingin kay Janine na nagpapanggap na busy sa kanyang binabasa. Tawa naman ng tawa sila Hugo dahil tila alam na nila kung ano ang nangyari sa kaibigan nilang CIA.
Pagkatapos ng meeting nila ay umalis na si Enna. Pag-uusapan nila Marcus kung ano ang magiging desisyon nila at ipapaalam na lamang nila ito kay Enna. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, may hidden agenda si Enna. Nararamdaman kaya ito ni Marcus? Tanggapin kaya ni Marcus ang pagpasok ni Enna sa kanilang negosyo?
"Akyat lang ako sa rooftop, gusto kong magpahangin." Sabi ni Janine. Hindi na niya hinintay pang magsalita sila Marcus, tumalikod na lamang ito at nagtungo sa ituktok ng building.
"Hindi ba sabi ko sa'yo iwasan mo 'yang paninigarilyo mo?" Biglang napalingon si Janine nang marinig niya ang tinig ni Maguz. Natawa ito at hindi niya ito pinansin. Hindi naman malakas manigarilyo si Janine, madalas ay lumilipas ang twenty-four hours na hindi ito naninigarilyo. Katunayan nga, isang linggo na itong hindi naninigarilyo, pero ngayon ay may kung anong tumatakbo sa kanyang isipan kaya ito ang ginawa niyang pampakalma.
"I’m sure I have seen her somewhere before. I just can’t seem to recall exactly when or where it was, but something about her looks familiar." Boses ni Aja sa likuran nila.
"Maybe nakita mo siya sa billboard, or maybe sa business world news." Sabi ni Maguz. Nagkibit balikat lang si Aja at kinuha ang sigarilyong nasa labi ni Janine at saka niya ito hinitit.
"Basta nakita ko na siya dati." Wika pa nito.
"Ako sa panaginip ko nakakita ako ng magandang mukha ng babae at siya pala 'yon, kaya lang... tang-na! Kabaro ko yata at interesado pa yata sa'yo." Pakli ni Janine na ikinatawa ni Aja ng malakas.
"Kawawa ka naman Maguz, mukhang mahihirapan ka mapa-amo ang isang katulad ni Janine." Pang-aasar ni Aja. Inis namang tinabig ng balikat ni Maguz ang magaling na assassin ni Orion. Napapailing naman si Janine, at pagharap niya ay nagulat silang dalawa ni Aja nang bigla siyang nakawan ng halik ni Maguz sa labi. Pagkatapos ay mabilis na kumaripas ng takbo ang binatang CIA at iniwanan na ang dalawang assassin na nagulantang sa ginawa niya.
"Magiging babae ka din, at sa aking kandungan lang ang bagsak mo!" Sigaw nito hanggang sa makapasok na ito ng elevator pabalik sa office ni Marcus.
"Puta ka Maguz! Mapuputulan ka sa akin ng kargada mo, tandaan mo 'yan!" Sigaw ni Janine, humahagalpak naman ng tawa si Aja dahil sa nangyari.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.