❀⊱Janine's POV⊰❀
"Bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?" Tanong ni Lyka, ang malambing pero may halong pag-aalalang boses niya ay sapat para ma-distract ako mula sa panonood ng pag-aani ng mga gulay. Napatingin ako sa kanya, kita ko ang pag-aalala sa mata niya.
"Hindi man tayo palaging nagkakasama dahil may pamilya na ako, pero nandito pa rin naman ako na pwede mong kausapin at sabihan ng problema mo. Magkaibigan tayo at lagi akong nandito para sa’yo. So, may problema ba ang mahal kong kaibigan?" Dagdag pa niyang sabi kaya mahina akong natawa. Iniisip nga siguro niya na may problema ako dahil nandito akong mag-isa, pero wala akong problema, nae-enjoy ko lang ang panunod ng pagha-harvest nila ng mga gulay, lalo na ang mga tanim na sitaw nila Melba. Mahilig kasi ako sa sitaw……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.