-Continuation...
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Inom pa tayo, Maguz. Tigilan mo ang kakayakap sa akin at baka ipalo ko sa'yo ang boteng hawak ko," wika ni Janine, bahagyang naiinis ngunit halatang tinatamaan na ng alak.
Malabo na ang tingin niya, at ramdam niya ang bigat ng kanyang ulo, pero hindi pa siya handang huminto. Hawak na niya ang pangalawang bote, at malapit na niya itong maubos. Si Maguz naman ay tapos na sa ikalawang bote niya. Gustuhin man niyang kumuha pa ng isa mula sa loob ng bahay, pero hindi na siya makatayo. Ang bigat ng katawan niya, parang hindi na niya kayang bumangon pa.
Si Janine naman ay tumihaya sa buhangin, tumatawa ito habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Tinabihan naman siya ni Maguz, nakahiga sa buhangin ng patihaya, nakapikit ang mga mata ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.