-Continuation-
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Hindi! Ayokong marinig ang sasabihin ninyo sa akin. Hindi ako maniniwala sa inyo!" Malakas na sigaw ni Janine habang nakapikit ang kanyang mga mata, para bang nakakulong sa isang bangungot na ayaw siyang pakawalan. Nanginginig ang kanyang katawan, at kitang-kita ang tensyon sa kanyang mukha.
"Janine, anak! Gumising ka! Nananaginip ka, anak!" Napalakas ang boses ng kanyang ina dahil sa matinding pag-aalala, kasabay ng marahang pagyugyog sa kanyang balikat upang gisingin siya, pero hindi siya magising-gising kaya sunod-sunod na yugyog ang ginawa ng kanyang ama sa kanyang balikat.
Biglang napabalikwas ng bangon si Janine, habol ang hininga, tila ba ngayon lang nakabalik sa reyalidad mula sa kanyang masamang panaginip. Butil-butil ang pawis s……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.