┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Tell me, what’s really going on between you and Marcus’s assassin? Don’t even try to say it’s nothing, because I won’t believe that for a second."
Natawa si Maguz, then sinulyapan niya si Owen. Hindi niya ito sinagot at naglakad lamang ito patungo ng kanyang desk. Kinuha nito ang isang dokumento at iniabot niya ito kay Owen.
"Tawagan mo si Shirley Mendoza at i-relay mo ang instructions sa kanya. Ang unang step... pumunta siya sa bar na naka-indicate diyan, gawin ang surveillance discreetly, at huwag magpapahalata sa kahit na kanino. Ang primary objective niya ay obserbahan ang subject, particularly ang movements nito... ang oras ng pagdating, pag-alis, sino ang mga kausap, at mga lokasyong pinupuntahan ng mga ito. All intel, including photos and notes, needs to be transmitted to me via secure channels only. Confidentiality is critical. Ang folder na ito na ibibigay mo sa kanya ay naglalaman ng profiles ng mga target na dapat niyang bantayan. I need actionable results in one month, no compromises. Remind her... failure is not an option. Got it?" Utos ni Maguz.
"I will, don't worry about it. Pero sa isang kondisyon. What the hell is going on, Maguz? I can tell something’s up, and don’t try to deny it. I’m your best friend... we have always been honest with each other, and we have never kept secrets before. So why start now? Talk to me." Makikita sa mukha ni Owen ang pagkainis. Natatawa naman na napapailing ng ulo si Maguz.
Magsasalita sana si Maguz nang ilang katok sa pintuan ng office niya ang nagpalingon sa kanila. Kumunot pa ang noo niya, wala naman siyang inaasahang pwedeng maging bisita ngayong araw. Nagbilin siya sa kanyang sekretarya kanina na ayaw niyang magpaistorbo kaya lahat ng meetings niya ay kanselado din niya.
"Sir, someone's here looking for you, and, uh… she said her name is... 'Your worst nightmare?' I'm not kidding, sir... that’s literally what she said! Pasensya na ho kung nagambala ko kayo, nakakatakot lang ho ang inyong panauhin, ihahagis daw ho kasi niya ako sa bintana ng building kapag hindi ko sinabi sa'yo na nandito siya at hinahanap ka." Wika ng kanyang sekretarya ng sumungaw ang mukha nito. Malakas namang tumatawa si Owen dahil tila ba nahuhulaan na nito kung sino ang nasa labas ng office na naghahanap kay Maguz.
"Langya ka! May ginawa ka na naman ba kay Janine at mukhang galit na galit na naman sa'yo ang isang 'yon? Tigilan mo na kasi, hindi nga ikaw ang type niya. Ayaw niya ng may lawit na may kasamang jingle bells, ang gusto niya ay may hiwa." Pagbibiro ni Owen kaya sinamaan niya ng tingin ang kanyang matalik na kaibigan.
Bago pa man makapagsalita si Maguz ay biglang bumukas ng malakas ang pintuan, iniluwa nito ang assassin ni Marcus na si Janine. Galit ito at may hawak na isang bouquet ng bulaklak at isang teddy bear. Muling natawa si Owen dahil alam na niya kung bakit galit na galit na naman ito.
"Gusto mo bang mag-ulam ng tinadtad na bulaklak na sinahugan ng teddy bear? Maguz, nagtitimpi lang ako sa'yo! Tigil-tigilan mo ang pagpapadala ng kung ano-ano sa akin dahil hindi ako interesado. Gusto mo bang lunukin ang note na kasama nito? Isa pa, sinasabi ko sa'yo at manghihiram ka ng mukha sa aso." Galit na sabi ni Janine nang pumasok itong kusa sa loob ng opisina ng binata. Tawa naman ng tawa si Owen, walang tigil, tuwang-tuwa ito sa mga nakikita at naririnig niya. Kumunot naman ang noo ni Maguz at masamang tinitigan ang assassin ni Marcus.
"JANINE! SINISIGAWAN MO BA AKO SA HARAPAN NI OWEN?" Malakas na sigaw ni Maguz kaya biglang napatigil si Owen sa kanyang pagtawa. Nagulat ito, hindi niya inaasahan ang pagsigaw ng kanyang kaibigan. Alam niya kung gaano nito kamahal si Janine, at ang pagsigaw nito ay ikinagulat talaga niya.
"OO, BAKIT, MAY REKLAMO KA? Sinisigawan mo ba ako, Maguz?" Sigaw na sagot din ni Janine, pagkatapos ay galit na ipinatong ng marahas ang bulaklak at teddy bear sa ibabaw ng desk ni Maguz. Halos magliyab ang mga mata nito habang masamang nakatitig sa binatang CIA.
"Wala babe, masama bang magtanong? Huwag ka namang magalit, nagtatanong lang naman ako sa'yo." Sagot nito kaya muling humagalpak ng tawa si Owen. Sa inis ni Maguz ay dinampot niya ang teddy bear at ibinato ito sa kanyang kaibigang matalik.
"Umayos ka Maguz. Kapag hindi mo ako tinigilan, bubutasin ko 'yang alaga mo para hindi mo na mapakinabangan." Galit na galit talaga si Janine, araw-araw kasi itong nakakatanggap ng bulaklak at kung ano-anong regalo kaya napuno na rin ito at napasugod bigla ng wala sa oras dito sa opisina ni Maguz.
"Kapag nabutasan mo ang alaga ko, lalagyan ko ng hikaw para kapag nasa loob, mas masarap." Pagbibirong sagot nito kaya biglang umigkas ang kamao ni Janine at tumama ito sa mukha ni Maguz. Humagalpak naman ng tawa si Owen habang pinagmamasdan niya ang kanyang kaibigan na sapo ang mukha at gulat na gulat sa ginawa ng assassin ni Marcus.
"JANINE!" Malakas na sigaw nito.
"ANO?" Balik na sigaw ni Janine. Hindi naman magkamayaw sa pagtawa si Owen, enjoy na enjoy ito sa panunuod sa dalawa, at alam niya na walang magagawa si Maguz dahil ngayon lamang tumibok ang puso ng kanyang kaibigan kaya alam niya kung gaano kamahal ng kaibigan niya ang babaeng kasama nila ngayon.
"Dahan-dahan naman sa pagsuntok babe, baka naman mabawasan ang kagwapuhan ko." Wika nito sa mahinahong tinig. Muling humagalpak ng tawa si Owen, pero sabay na lumingon sa kanya si Maguz at Janine.
"Shut up!" Sabay na sabi ng dalawa. Pero walang pakialam si Owen at muli lamang siyang humagalpak ng tawa. Inis na inis na si Maguz sa kanyang kaibigan, pero wala itong magawa dahil nasa harapan niya ang babaeng kinababaliwan ng kanyang puso.
"Listen carefully, Maguz. Stop bombarding me with your nonsense... I have had enough. I don’t need it, and I certainly don’t need you. Whatever happened between us was nothing more than you taking advantage of me when I was drunk. That’s all it was, nothing more, nothing less. I’m only into women... never you, never your kind. So back off." Galit na sabi ni Janine, pagkatapos ay tumingin ito kay Owen na gulat na gulat naman sa mga narinig.
"What the fuuuck!" Sabi nito, hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig.
"Keep your mouth shut, Owen. If a single word of what you hear in this room gets out, I will make damn sure you’re silenced permanently." Sabi nito. Awang naman ang bibig ni Owen, hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig. Napatitig siyang bigla kay Maguz, nagkibit balikat lang ang kanyang kaibigan.
"May nangyari sa inyong dalawa? Paano at saan?" Gulat na tanong nito. Tumaas naman ang isang kilay ni Janine at saka niya kinuha ang bulaklak at ipinalo ito kay Owen.
"I am warning you, hindi ako nagbibiro at wala akong pakialam sa pagiging CIA ninyo." Galit na sabi nito kaya natawa si Maguz nang makita niya na tumama sa mukha ni Owen ang mga bulaklak. Hindi naman makapagsalita si Owen, hindi rin makasagot at pilit lamang niyang pinoproseso sa kanyang isipan ang mga narinig niya.
Humugot naman nang malalim na paghinga si Janine, pagkatapos ay tinalikuran na nito si Maguz at nagsimula na itong maglakad palabas ng opisina nito, pero dahil galit ito at hindi na pinapansin ang dinaraanan niya ay natalisod ito sa malaking teddy bear na ibinato kanina lang ni Maguz sa kaibigan nito kaya muntikan ng sumubasob si Janine.
"Ay titì mong may hikaw!" Nagulat ito sa nasabi niya at biglang napatingin sa dalawa. Si Owen ay hindi na napigilan pa ang pagtawa kaya bumunghalit na ito, samantalang si Maguz ay pigil lamang ang tawa nito at pilit na pinipigilan ang sarili na matawa.
Hinugot agad ni Janine ang kanyang baril na nakasuksok sa kanyang gun holster na nakasukbit sa kanyang dibdib at nakatago lang sa suot niyang leather jacket, pagkatapos ay itinutok ito kay Owen.
"Ano ang nakakatawa?" Biglang itinikom ni Owen ang kanyang bibig at saka ito umiling ng dalawang sunod, pagkatapos ay tumingin kay Maguz. Pilit nilang pinipigilan ang kanilang pagtawa, ayaw nilang ang ulo nila ang mabutas... dahil nakikita na nila ang galit sa mukha ng isang matapang na assassin ng Venum organization.
"Hindi ko 'yann iniisip, lumabas lang sa bibig ko dahil narinig ko. Huwag ninyo akong tignan ng ganyan dahil wala akong pakialam sa inyo." Depensa ni Janine, pagkatapos ay nagmamadali na itong lumabas ng opisina ni Maguz, sa inis pa nito ay sinipa niya ng malakas ang teddy bear.
Pagkabukas ng pintuan ay nakasalubong naman ni Janine ang CIA agent na si Wena Taborada, napatingin pa ito sa galit na galit na si Janine kaya napahinto siya sa paglalakad. Tinabig ng balikat ni Janine ang balikat ni Wena kaya tumaas ang dalawang kilay nito at napatingin kay Maguz at Owen.
"What's going on?" Tanong nito. Hindi naman sumagot si Owen at si Maguz. Inis lang na naupo si Maguz sa swivel chair niya at napatingin sa kanyang kaibigan. Pagkatapos ay sabay silang natawa na ikinagulat naman ni Wena.
"Damn you! Hindi pa rin ako makapaniwala." Sabi nito, hindi naman niya dinugtungan ang sasabihin niya dahil ayaw nitong marinig ni Wena ang tungkol dito.
"Anyway, why did you ask me to come here?" Tanong ni Wena, naupo ito sa swivel chair na nasa harapan ng desk ni Maguz, pagkatapos ay ini-scan ng kanyang mga mata ang kabuuan ng opisina nito. Napakaraming bulaklak na nakakalat, at may isang malaking teddy bear na nasa gitna ng opisina nito.
"Stop what you were doing, Valkyrie. I know you’re following Crane Fenway. Don’t jeopardize your identity to someone who’s already looking for you and blaming you for his father’s death." Biglang nagseryoso ang mukha ni Maguz, nakatingin ito kay Wena.
"Hindi naman niya ako kilala, he has no idea kung sino ang pumatay sa kanyang ama." Sagot nito. Humugot nang malalim na paghinga si Maguz at tumingin ito kay Owen.
Alam nila na sinusubaybayan ni Valkyrie ang bawat kilos ni Crane Fenway. Wala sa misyon niya ang subaybayan si Crane Fenway, pero dahil alam niya na gusto siyang patayin ng anak ng yumaong si Fenway, sinusubaybayan na niya ito upang malaman niya ang bawat kilos nito. Sa ngayon, walang alam si Crane kung sino nga ba ang pumaslang sa kanyang ama, kung sino ang CIA na hinahanap niya. Pero alam ni Wena na gagamitin ni Crane ang lahat ng yaman nito, malaman lamang nito kung sino ang kasama ng ama nito bago ito pinatay.
"It doesn't matter kung kilala ka niya o hindi. Sundin mo ang sinasabi sa'yo ni Maguz bago pa ito makarating kay Apex. You are not authorized to conduct surveillance on Crane Fenway. Cease your current activities immediately. Is that clear?" Maawtoridad na sabi ni Owen. Humugot naman ng malalim na paghinga si Wena, pagkatapos ay bahagya itong tumango.
"Okay. Ititigil ko ang ginagawa ko, pero kapag ang pag-iimbestiga niya ay naituro ako, sisiguraduhin ko sa kanya na tataniman ko ng bala ang bao ng ulo niya bago pa maisiwalat ang pagkatao ko."
"You cannot eliminate anyone without prior authorization from Apex. Stay out of it, and if he gets too close with his investigation, kami na ang bahala sa kanya at sisiguraduhin namin na walang makakakilala sa'yo." Maawtoridad na sabi naman ni Maguz. Muling tumango si Wena at saka ito tumayo mula sa kinauupuan niya.
"Copy that. Requesting permission to leave." Isang tango ang isinagot ni Maguz, pagkatapos ay naglakad na palabas ng pinto si Wena, pero muling nagsalita si Maguz.
"Consider this a warning, Valkyrie. You know how Apex operates... don’t put yourself in a situation beyond your control." Isang tango lang ang isinagot ni Wena at saka tuluyan na itong lumabas ng opisina ni Maguz. Nang tuluyang sumara ang pinto ay saka tumayo si Maguz, pagkatapos ay tumalon ito na ikinagulat ni Owen.
"Narinig mo kanina si Janine? Iniisip niya ang alaga kong may butas na lalagyan ko ng hikaw. Iniisip niya ako!" Wika nito at saka sumuntok ng sunod-sunod sa hangin kaya ang lakas ng pagkakatawa ni Owen.
"Tarantado ka talaga! Pero ikuwento mo sa akin kung paano mo nawarak ang isang Janine." Tumatawang sabi ni Owen.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.