┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Narating nina Maguz at Owen ang malaking tahanan ng mga magulang nila Kayden at Caleb. Pagkababa pa lang nila ng sasakyan, agad na sumalubong si Kayden, his face beaming with excitement.
"Finally, dumating din kayo! Akala ko ay naligaw kayo. Ang tagal ninyong dumating." Natatawang bungad nito bago sila tinapik sa balikat at iginiya papasok sa loob ng bahay.
Si Caleb naman ay nakaupo at nakasandal sa sofa habang may hawak na baso ng whiskey. Pagtingin niya sa kanila, ngumiti ito at binaba ang baso.
"Nandito na pala kayo. Sigurado akong matutuwa ang aming ina kapag nakita kayong dalawa." Sabi naman ni Caleb. Inaya niya ang dalawa na maupo sa sofa.
"Oh my god, mga hijo! Sa wakas, nandito na rin kayo! It feels like such a long time since your last visit!" Napalingon……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.