❀⊱Janine's POV⊰❀
Madilim na ang gabi. Hindi pa rin lumalabas ng silid niya si Maguz. Akala yata ng lalaking 'yon ay palalagpasin ko ang ginawa niyang ito. May Mojita pa siyang nalalaman para lang maawa ako sa kanya, pagkatapos ang lahat pala ng ito ay isang malaking kalokohan lamang. Damn you, Maguz! You deceived me just to get what you wanted. How could you do this to me?
Ngayon ay nakakulong ako sa islang ito na ang lalaking 'yon ang kasama ko. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya. Nangigigil ako sa kanya. Kapag lumabas siya sa silid niya, humanda talaga siya sa akin.
Humugot ako ng malalim na paghinga, pilit na pinapakalma ang sarili ko kahit pa parang sumasabog na ang dibdib ko sa galit at pagkadismaya. Pero kahit na inis na inis ako sa kanya, hindi ko rin maiwasang mag-alal……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.