◄Maguz's POV►
Kadarating ko lang sa Texas. Kalalapag pa lang ng eroplano, at habang naglalakad ako palabas ng terminal, panay ang lingon ko sa paligid. Nasaan na ba si Xyruz? Sinabi niya sa akin kagabi na maaga siyang darating dito para salubungin ako. Ang sabi niya, bago pa daw makalapag ang flight ko, nandito na siya. Pero ngayon, wala akong makita ni anino niya. Tumitindi ang inis ko sa bawat segundong lumilipas. Ito pa naman ang ayaw ko sa lahat, ang pinaghihintay ako ng matagal. Kay Janine lang naman mahaba ang pasensya ko, pero pagdating sa kapatid ko ay maigsi lang.
Muli akong naglakad-lakad, baka sakaling mahagip ng mga mata ko ang kapatid ko sa paligid. Baka dumidiskarte na naman sa mga babaeng magaganda na nakikita nito dito sa terminal. Pero wala talaga. Damn, nasaa……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.