Kabanata Apat: Ang Sorpresa
Naghanda ng engrandeng welcome party ang pamilya Serrano sa loob ng kanilang hacienda. Punong-puno ito ng eleganteng dekorasyon, mala-hotel na setup, at live music na nagbibigay ng masayang ambiance. Imbitado ang mga empleyado ng kumpanya, mga kliyente, at malalapit na kaibigan ng pamilya. Naroon din ang best friend ni Liam na si John Luis, at ang best friend ni Kelsey na si Sheena Dela Cruz.
Sa ikalawang palapag, tanaw ni Liam ang masayang pagtitipon sa ibaba. Suot niya ang navy blue suit, maayos ang ayos ng buhok, pero dama pa rin ang kaunting kaba. Tinapik niya ang dibdib habang huminga ng malalim.
“Ladies and gentlemen,” wika ng M.C. mula sa ibaba, “please welcome—Mr. Liam Serrano!”
Palakpakan. Hiyawan. Puno ng kasabikan.
Bumaba si Liam mula sa hagdan, sunod-sunod ang mga mata ng bisita sa kanya. Sa paanan ng hagdan, sinalubong siya ng kanyang mga magulang, sina Donya Beatrice at Don David, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Brian at Rael.
“Welcome home, anak,” bulong ni Donya habang niyayakap siya.
“Handa ka na sa responsibilidad?” biro ni Rael.
Ngumiti si Liam. “Palagi.”
Habang abala ang kanyang pamilya sa mga bisita, lumapit si John Luis—cool at confident sa kanyang dark gray blazer.
“Brod,” bati niya, sabay tapik sa balikat ni Liam. “Ang bida ng gabi.”
Ngumiti si Liam. Nagkwentuhan sila ng kaunti. Ikinuwento ni John ang kanyang bagong negosyo at ang ilang mga pangyayari sa Maynila.
Maya-maya, dumating sina Kelsey at Sheena. Napalingon si Liam.
Si Kelsey—elegante sa royal blue dress, simple pero napakaganda, halos hindi na niya maalis ang tingin. Kalmado itong lumakad, may kumpiyansa at dignidad. Kasama niya si Sheena, na naka-marangyang maroon dress.
Tumama ang paningin ni Kelsey kay Liam. Ngumiti siya. Tumango si Liam.
Bago pa man siya makalapit, lumapit si Donya Beatrice sa kanyang anak.
“Anak, pupunta muna kami ng Papa mo at ng mga kapatid mo sa kabilang bahagi. Batiin lang namin ‘yung mga kliyente,” wika ni Donya Beatrice.
Tumango si Liam. “Sige po, Ma.”
Ngumiti si Donya Beatrice kay Kelsey. “I’m glad you came.”
Pagkaalis ng kanyang pamilya, saka lumapit si Liam kina Kelsey at Sheena.
“Magandang gabi,” bati ni Liam habang lumalapit kay Kelsey.
“Magandang gabi rin, sir,” sagot ni Kelsey, bahagyang ngumiti.
“Liam na lang. Hindi tayo nasa opisina.”
Ngumiti si Kelsey, medyo nahihiya. “Liam.”
“Salamat sa pagpunta,” sabi ni Liam.
“Parte ako ng kumpanya. Natural lang na narito ako,” sagot ni Kelsey, ngunit may lambing sa boses.
“Pero hindi ka lang basta empleyado. Isa kang mahalagang bahagi ng araw-araw ko sa opisina.”
Nagkatawanan sila ng bahagya.
“Bakit ka parang kinakabahan?” tanong ni Kelsey.
“Hindi ko alam,” sagot ni Liam. “Siguro kasi... ngayon lang kita nakita na hindi naka-office attire.”
Napangiti si Kelsey. “At?”
“At hindi ako handang makakita ng ganito kagandang sekretarya ngayong gabi.”
Biglang lumapit si Sheena.
“Uy, Kels,” sabi niya, “ito pala si John, kaibigan ni Liam.”
Sakto rin ang dating ni John. “Naistorbo ba namin?”
Umiling si Kelsey. “Hindi naman.”
Nagkatitigan ang apat. Sandaling katahimikan, pero hindi alanganin.
“Magandang gabi,” bati ni Sheena kay John, sabay abot ng kamay.
“Mas lalo ngayon,” sagot ni John, sabay ngiti habang kinakamayan si Sheena. “Ibig mong sabihin... Sheena?”
“Yup. Ako 'yon,” biro ni Sheena.
“Nice to meet you.”
Tahimik na ilang segundo. Hanggang sa...
“So,” sabay-sabay na napatingin sa isa’t isa sina Liam, Kelsey, John, at Sheena—parang nasa isang eksenang hindi planado pero tila sinadya ng tadhana.
“Magandang gabi para sa bagong simula, ano?” sabi ni John, sabay inom sa kanyang wine.
“Depende,” sagot ni Sheena, sabay ngiti. “Kung sino ang gustong magsimula.”
Nagkatinginan sina Liam at Kelsey.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.