Kabanata Dalawa: Mga Sugat ng Nakaraan
Habang naghahanda si Kelsey para sa ikatlong araw niya sa trabaho, napaisip siya sa isang sugat sa kanyang puso na matagal na niyang tinatago—ang kanyang dating kasintahang si Hiro. Isang sales executive na nagbebenta ng magagara at iba't ibang uri ng sasakyan, si Hiro ay matagal niyang minahal. Ngunit ang tiwalang iyon ay nawasak nang malaman niyang may iba na itong babaeng pinagkakaabalahan at matagal na pala siyang niloloko—isang rin pala itong katrabaho niya sa dealership.
Hindi man best friend ni Kelsey ang babae, masakit pa rin ito para sa kanya ang ipagpalit siya nito at lokohin ay parang dinurog ang puso niya. Pinilit niyang tumahimik na lang noon pinilit niyang hindi umiyak, pero ang sakit ng kanyang puso ay nanatili. Isang araw, habang naglalakad siya pauwi, napangiti siya sa kanyang sarili. at napaisip ng isang Bagay
hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo marami pa naman akong makikilala na mas higit pa Sa Kanya ung deserving na mamahalin ko at Mamahalin ako At hinding hindi ko sasaktan tulad na ginawa niya sa akin
“Hindi ako ang nawala noh Siya ang nawalan sa akin,” mahina niyang bulong.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.