Mabilis na lumipas Ang panahon para Kay Christine. Ngayon ay mas lumaki at bumigat Ang kanyang tiyan dahil malapit na Ang araw ng panganganak Niya. Hirap man sa pagkilos ay pilit pa rin niyang ginagampanan ng maayos ang kanyang trabaho sa Bahay ni Jinky. Sinisiguro Niya na magiging satisfied ito at walang anumang magiging reklamo. Malaki Ang naitulong nito sa kanya, ngayon ay Hindi na Siya nag aalala at natatakot para sa kinabukasan nilang mag ina. Ang inaalala na lamang Niya ngayon ay kung paano ipapaalam sa kanyang pamilya Ang tungkol sa kanyang mga anak. Ngunit sa tuwing tinatangka niyang magtapat kapag kausap Niya Ang mga ito sa telepono ay Bigla siyang pinanghihinaan ng loob. Lalo na sa tuwing naririnig Niya Ang kanyang ina kung gaano Sila ipinagmamalaki ng kanyang kuya sa kanilang mga kapitbahay. Masakit sa loob ng dalaga Ang maglihim sa kanyang pamilya ngunit sa ngayon ay Wala siyang ibang pagpipilian. Kailangan niyang maging matatag at matapang upang malampasan ang lahat ng ito. Naging mabait si Jinky sa kanya maging Ang kuya nitong si Sebastian. They provide everything, and even covered all her medical expenses. Kahit gamit ng mga Bata from clothes, milk and diaper. Even their nursery room ay Sila rin Ang nag design, na para bang sarili nilang kadugo Ang mga sanggol na lalabas. Christine is really overwhelmed on how they treat her like a family. Not just their maid or servant.
“Christine, may pupuntahan ako maybe mamayang hapon pa Ang balik ko.” Nakangiting Saad ni Jinky habang naglalagay ng pagkain sa kanyang Plato.
Nagtataka namang napatingin Ang dalaga rito. Dahil alam Niya na off ngayon ng kanyang amo. Ngunit sa halip na mag-usisa ay tumango na lamang ito. Marahil ay ito Ang isa sa nagustuhan nito sa kanya na Hindi Siya nakikialam sa pribado nitong Buhay. All she care about is her job and whatever she say to her ay ginagawa lang nito ng walang anumang salita.
“But if you feel not better just let me know, okay. Call me or my brother, he will help you anytime.” Dugtong nito.
“Ayos lang Po ako doc, wag nyo akong alalahanin.” Nakangiting tugon ng dalaga.
“Christine, you are carrying triplets and it's not easy. Even I didn't have experience yet but as a doctor I know it's hard. Kabuwanan mo na so you shouldn't be alone at this moment. Kung Hindi lang importante Ang lakad ko ngayon, I will not leave you.” May pag alalang Saad nito.
Natahimik nalamang SI Christine dahil naintindihan Naman Niya Ang pinupunto nito, she feel so lucky to meet her! Sobrang bait nito sa kanya, na Minsan tinatanong na rin Niya Ang sarili. What she have done para maging ganito ito kabait sa kanya. But she end up na balewalain na lamang ito and go with the flow. Tama Naman ito lagi sa mga sinasabi sa kanya. This past few days ay napapadalas na Ang paghilab ng kanyang tiyan. Ngunit mabilis Naman itong nawawala, marahil ay naeexcite lang Ang mga Bata sa kanilang paglabas kaya madalas Ang paggalaw at pagsipa ng mga ito sa loob Niya.
“Sabayan mo na ako sa pagkain Christine, mamaya magpapalipas ka nanaman ng gutom. I told you many times leave the work there, I can call a cleaner to clean my house.” Sabi ulit nito habang nakatingin sa kanya na nakataas pa Ang Isang kilay. Mas pinili Naman ng dalaga na wag ng magsalita at tahimik na umupo sa katapat nitong upuan. Alam Niya na hindi ito titigil sa kakasermon sa kanya Hanggang Hindi Niya ginagawa Ang gusto nito. Lahat Naman ng sinasabi nito ay makakabuti sa kanilang mag ina kaya lang Minsan ay nakakaramdam na ng hiya Ang dalaga. Lalo na at kinuha Siya nito bilang kasambahay, binigyan ng matutuluyan, pagkain at higit sa lahat may sweldo siyang tinatanggap every end of a month.
Swerte lang ba talaga Siya?
Natigilan sa pagsubo ng pagkain ng dalaga nang marinig Ang pagring ng cellphone ni Jinky. Agad Naman itong sinagot ng doktora.
“Yeah, I'm coming now don't worry. Just wait for me, I'll be there!” Saad nito sa kausap at agad ding tinapos Ang usapan.
Samantalang SI Christine Naman ay Hindi maipaliwanag Ang nararamdaman. Hindi Niya Malaman kung Kasama pa ba ito sa pagbubuntis Niya Ang ganitong pakiramdam. She feel uneasy, that something will about to happen, but she cannot explain what is it. Maya maya ay nagpaalam na Ang doktora at nagbilin pa ito ng mga ilang tagubilin Bago tuluyang lumabas ng pinto. Samantalang SI Christine ay nanghihinang napa upo sa sofa habang marahang hinihilot Ang malaking tiyan. Humihilab na naman ito at ngayon ay may Kasama ng kirot sa kanyang p********e. Pilit niyang pinakalman Ang sarili habang ginagawa Ang inhale exhale na tinuro ni Jinky sa kanya. Marahil ay napagod lamang Siya sa paglilinis kaninang umaga. Nang mawala na Ang nararamdamang sakit ay tumayo na Ang dalaga at ipinagpatuloy Ang pagliligpit ng kanilang kinainan. Ngunit Hindi pa Siya matatapos sa paghuhugas ay Bigla na naman niyang naramdaman Ang paghilab. Ngunit ngayon ay naramdaman niyang parang may lumalabas na likido sa kanyang p********e. Kaya agad siyang naglakad papunta sa kanyang banyo. Hirap man sa pagkilos dahil sa Malaki niyang tiyan ay pinilit pa rin niyang bilisan Ang paghubad sa kanyang underwear. Ganon nalang Ang pangamba ng dalaga ng Makita Ang bahid ng dugo sa suot nitong panty. Agad siyang bumalik sa kanyang silid at kumuha ng bagong underwear. Pagkatapos ay kinuha Ang kanyang cellphone. Una niyang naisip
si Jinky ngunit nagbago Ang isip Niya ng maalala Ang sinabi nito. Nahihiya man ay mas pinili niyang tawagan SI Sebastian Ang kuya nito. Nakailang dial na Siya sa Numero ng doktor ngunit Wala pa ring sumasagot at puro voice message lang Ang naririnig Niya. Sa huli ay nagpasya siyang Kunin Ang bag na inihanda Niya at magtaxi nalang papunta sa hospital. Ngunit habang papalabas siya ng pinto ay nakaramdam Ang dalaga ng matinding sakit.
“Ahhh!”
Kaya malakas siyang napahiyaw na ikinagulat ng isang babae na papasok sana ng elevator.
“Ay! Naku Po! Ayos ka lang ba miss?” Nag aalalang tanong nito sa dalaga. Lalo pang kinabahan Ang babae nang Makita Ang dugong umaagos sa magkabilang Binti nito. Agad niyang dinaluhan Ang dalaga at inakay ito na halos Hindi na makatayo dahil sa nararamdamang sakit. Nagpalinga linga Ang babae sa pasilyo upang maghanap ng makakatulong sa kanila. Ngunit ng walang Makita ay pilit nalamang Niya itong inalalayan papasok ng elevator.
“Naku! Ano ba Naman to! Help me lord!” Usal pa nito habang Hindi maipinta Ang Mukha dahil sa kaba.
“S-salamat Po.” Tanging nasabi nalamang ni Christine sa babae.
“W-walang anuman miss, p…pero Wala ka bang k…kasama sa Bahay? O pwede nating tawagan para ipaalam na manganganak k…ka na? Yong asawa mo?” Tanong nito habang pilit siyang inaakay papasok sa elevator. Akma sanang sasagot Ang dalaga ng tumunog Ang cellphone ni Christine. Ngunit dahil sa nararamdamang sakit ay Hindi na nito magawang Kunin sa loob ng kanyang bag. Kaya Ang babae nalamang Ang kumuha. Kapansin pansin Naman Ang pagbabago sa Mukha ng babae nang Makita Ang pangalang nakarehistro sa hawak nitong cellphone.
D Sebastian Calling…
“Hello, Christine? Are you okay? I'm on my way now! Wait for me.” Saad ng lalaki na Bakas Ang pag alala baritonong boses, sabay ng pagputol ng linya nito. Bigla ay parang nabalisa Ang babae at Hindi Malaman Ang gagawin. Nagmamadali niyang pinindot Ang lobby area. Pagbukas ng pinto ng elevator ay agad sumigaw ng tulong Ang babae. Agad namang dumalo Ang mga staff at guard na nakaduty doon. Nang masiguro ng babae na maayos na Ang lagay ng buntis ay nagmamadali itong humakbang palayo. Ngunit Bago pa man Siya makalayo ay muli Niya itong nilingon, ngunit ng Makita Ang pamilyar na Mukha ay muli itong nagmamadali sa paghakbang. Samantalang SI Christine Naman ay halos panawan na ng ulirat dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Ngunit alam niyang Hindi Siya maaaring mawalan ng Malay, Lalo na at Wala siyang kilala sa mga taong nakapaligid sa kanya. Mariin nalamang nitong ipinikit Ang mga mata at mahigpit na kumapit sa handle ng wheelchair na kinauupuan niya. Dadalhin na sana ito sa ospital ng mga guard nang saktong dumating si Sebastian Mabilis nitong pinangko Ang babae sa kanyang mga bisig at nagmamadaling naglakad papunta sa sasakyan nito. Napanatag Naman Ang loob ni Christine, kahit Hindi Niya imulat Ang mga mata ay alam niyang Ang nakakatandang Kapatid ng kanyang amo Ang dumating. Napakapit nalang ng mahigpit Ang dalaga sa balikat nito.
“I'm sorry Christine, Hindi ko agad Nakita Ang tawag mo, I'm sorry…” Bakas Ang pag aalala sa Boses nito. Umiling nalamang Ang dalaga bilang tugon sa binata. Gusto niyang ipaalam rito na Hindi nito kailangang humingi ng sorry dahil naintindihan Niya. Alam Niya na marami rin itong mga responsibilidad na ginagampanan.
“f**k! Your bleeding!” mura ni Sebastian na Bakas Ang pag alala sa Boses nito. Nang marating ng binata Ang kotse ay agad Siya nitong isinakay at mabilis rin na pumasok sa loob upang paandarin Ang sasakyan. Ngunit Hindi pa man Sila nakakalayo ay Bigla nitong itinigil Ang sasakyan. Sabay narinig ng dalaga Ang muli nitong pagmumura.
“f**k! f**k that skirt!”
Masama man Ang pakiramdam ay pilit iminulat ni Christine Ang mga mata. Naguguluhan niyang sinundan ng tingin Ang tinatanaw nito, habang magkasalubong Ang kilay at nagngangalit pa ang ipin. Natanaw Niya Ang Isang sexy at magandang babae na pinagkakaguluhan ng ilang tao. Panay Ang kislap ng mga camerang Dala ng mga ito, kaya hula ng dalaga ay isa itong artista.
Tama nga Ang sabi nila na Hindi mga simpleng tao Ang nakatira sa condo na tinutuluyan Niya.
“D-doc… okay lang Po ba kayo?” Nahihiyang tanong ng dalaga, na ikinagulat ng binata kaya wari bang bumalik Ang diwa nito.
“I'm sorry!” hinging paumanhin ng lalaki, tsaka mabilis na pinaandar Ang sasakyan.
Laking pasalamat naman ng dalaga nang muling umusad Ang sasakyan. Dahil muli na naman itong sumakit but this time ay mas tumindi pa Ang sakit. Kasabay ng pagputok ng panubigan nito na napansin Naman agad ni Sebastian.
“s**t!” Malakas na mura ng binata na umabot pa sa kanyang pandinig Bago Niya tuluyang ipinikit Ang mga mata.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.