LOVE BEHIND ALL LIES (SPG) The Bachelor Series 3

LOVE BEHIND ALL LIES (SPG) The Bachelor Series 3

book_age18+
611
FOLLOW
1.1K
READ
others
second chance
drama
twisted
lighthearted
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Masakit Malaman na Ang lalaking minahal mo ay may mahal pang iba bukod sa iyo. Ngunit mas nakakamatay Ang sakit na makita siya  habang ikinakasal sa ibang babae. 

Yung akala mo na sayo ay Hindi mo naman pala pag aari. Na Ang Mundo na binuo nyong dalawa ay Isa palang ilusyon lamang at kailanman ay Hindi na magiging makatotohanan!

Ngayon ay mag Isa na lamang Siya, walang malapitan at makakapitan…

Paano Niya haharapin Ang sakit?

Gayong Hindi Niya alam kung saan Siya magsisimula? Paano na Ang dalawang sanggol na nabuo sa kanyang sinapupunan? Kaya ba niyang manira ng relasyon para lang magkaroon ng buong pamilya Ang kanyang mga anak? Hanggang kailan siya magiging matatag sa pagharap ng mga pagsubok sa kanyang buhay?

Kung ikaw si Christine makakaya mo bang patawarin ang lalaking nanakit at dumurog sa puso at pagkatao mo?

Makakaya mo bang magmahal muli? O mas pipiliin mo na lang na maging bato ang puso mo? At mamuhay malayo sa lalaking dati mong minahal na higit sa sarili mo pero kinamumuhian mo?

Subaybayan at samahan po natin si Christine at Francis sa kanilang kwento ng pag ibig...

Makiiyak at magalit, masaktan at bumangon hanggang sa muling maghilom ang sugat na gawa ng kahapon. At matatag na harapin ang bukas na may ngiti sa labi.

ic_default
chap-preview
Free preview
Chapter 1: Pain
Hindi maawat ang mga luha ni christine sa pag agos habang nakatunghay sa dalawang magkaparehang nagpapalitan ng pangako sa isa't- isa. Kasal itong pinuntahan Niya, ngunit nagmistulang lamay para sa dalaga. Dahil ang araw na ito ay Ang araw din ng tuluyang pagkamatay ng kanyang puso. Ang sakit… Sobrang sakit! Nakamamatay ang sakit! Mga salitang gusto niyang isigaw upang malaman ng lahat kung gaano kawalang puso Ang lalaking nakatayo sa harapan nila. “Ang ganda talaga ni Jean! Bagay na bagay Sila dahil sobrang gwapo rin ni Francis!” narinig niyang Saad ng babae na nasa kanyang unahan. “Yes Tama ka, Ikaw ba Naman Ang maging international model eh, pareho Silang swerte sa isat Isa! Sabi nga perfect match!” Gatong pa ng katabi nito. Na lalong nagpababa ng tingin ni Christine sa sarili. Well, She doesn't wonder now why he chose that woman over her! Sino nga ba Siya kumpara sa Isang international model. Isa lamang siyang hamak na probensiyana na lumaki sa mahirap na pamilya. Ano nga ba Ang maipagmamalaki Niya? Wala! Lalong bumuhos Ang mga luha ng dalaga, na animoy Isang malakas na ulan na tuloy tuloy sa pagpatak. Hindi mapigilan at ayaw magpaawat. Habag na habag Siya sa kanyang sarili, Hindi Niya akalain na sa kabila ng kalagayan Niya sa Buhay ay nagawa paring pagsamantalahan ng lalaki Ang pagiging inosente nito. Ganito ba talaga Ang mga mayayaman? Isang laruan lang Ang tingin sa mga mahihirap? Tanong nito sa isip habang patuloy sa pagtulo Ang mga luha sa kanyang namamagang mga mata. Dahil para itong talon na patuloy sa pag agos. Hindi na niya binigyang pansin ang mga tao sa paligid niya. Wala na siyang pakialam pa! Bahala na sila kung Anong isipin nila o kung anuman Ang maging reaksyon nila, kahit pagtawanan pa Siya ng mga ito. Sino ba Sila? Dahil sa walang tigil na pag iyak ay lumalabo na ang suot nitong salamin. Na halos Wala na siyang maaninag pa dahil sa pagkabasa nito. Bakit? Di ko mapigilang tanong nito sa sarili. Paano niya nagawang manakit ng ganito? Ano bang nagawa kong mali o kasalanan sa kanya? Minahal ko lang naman siya! Sigaw ng isip ng dalaga. "Jean Garcia, do you take Francis Paul Del Rio, to be your wedded husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, as long as you both shall live?" Tanong ng paring nagkakasal sa kanila. Bakas sa boses nito Ang kasiyahan na siyang kabaliktaran Naman ng nararamdaman ng dalaga. Dahil para Kay christine Ang bawat letrang iyon ay mistulang patalim na humihiwa sa kanyang puso. "F-francis…" Usal nito habang nakatingin pa rin sa dalawang ikinakasal na nangangakong magsasama habang buhay. Wala sa sarili itong napahawak sa malaking tiyan nito. Ramdam ng dalaga ang marahang paggalaw ng nasa loob nito. Na wari bang sinasabi sa kanya at ipinaparamdan na. Nandito pa kami! Bakit? Bakit ka nagsinungaling Francis? Bakit mo ako niloko? Paano na ako? Paano na kami ng mga anak mo? Mga katanungan na paulit ulit niyang tinatanong sa kanyang isip. Na gusto niyang isigaw sa harapan ng lalaki ngayon. Ngunit Hindi Niya alam bakit Siya pinanghihinaan ng loob at mas pinili na lamang na manatiling nakatanaw sa lalaking minahal niya ng higit sa sarili niya. Pero sinaktan lang siya at niloko! Ang lalaking inakala niyang iba sa lahat! Responsable at may paninindigan! Puro lang pala pagpapanggap at kasinungalingan… Ang imaheng binuo nito at ipinakilala sa kanya ay isa lang palang impostor! Pinaniwala sa mga pangako na mapapako lang pala! Alin sa mga pinakita at pinaramdam mo Ang totoo, Francis? O baka kahit Isa ay Wala at puro kasinungalingan lang talaga! Sa isip nito. Kaya pala Bigla na lamang itong naglaho na parang bula… Ito pala Ang dahilan! Ni hindi man lamang ito nakunsensiya sa ginawa nito? Bakit kailangan niyang paniwalain na mahal niya ako? Akala ko totoo lahat ng mga pinaramdam niya sakin na totoo ang bawat salita at kilos niya. Ang bawat titig niya, halik at mga haplos niya! Dama kong may pagmamahal doon. Pero bakit ganito? Niloko mo lang ba talaga ako ha Francis? Sa isiping yon ay lalong bumaha ang ang mga luha ng dalaga. Hindi na nito makontrol pa Ang sarili. Wala naman siyang ibang magagawa pa kundi Ang umiyak nalamang. Wala na siyang pakialam pa, dahil hindi naman alam ng mga taong Yan ang totoong nararamdaman niya. Sino ba naman kasi ang magaakalang ang isang construction worker na boyfriend nito ay isa palang bilyonaryo at kilalang businessman! Ilang buwan niya siyang hinanap, para sana ipaalam ang kalagayan nito. Ngunit ang iniisip Niya na masusurpresa ito sa dala niyang balita ay ito pala ang higit na magugulat! Isang araw ay nakita Niya na lang ito sa television habang may kasamang magandang babae. At masayang ibinabalita ang nalalapit nilang kasal. Ngunit itong tangang puso niya ay patuloy paring umasa, na kapag nakita nito ang kalagayan Niya ay magbabago ang isip ng lalaki. Kaya kahit mahirap para sa dalaga, dahil sa kalagayan nito ay pikit mata parin siyang lumuwas ng Manila. Dala ang perang naipon niya para sana sa kanyang pag aaral. Ngayon ay Hindi na Siya nagtataka kung saan Niya nakuha Ang malaking halaga na pilit nitong ibinibigay noon. Tulong daw nito sa kanyang pag aaral. Ngunit Hindi ito tinanggap ng dalaga. Dahil sa isiping nagpapakahirap din itong magtrabaho para sa kanyang mga magulang at kapatid. Sa isip ng dalaga ay Hindi ito nakipagrelasyon sa binata upang ipaako Dito Ang responsibilidad sa kanyang pag aaral. Sapat na Ang pagmamahal at suporta nito para sa kanya. Kaya napakahirap tanggapin sa loob ng dalaga na Ang lalaking minahal Niya ay Ang lalaking nakatayo ngayon sa altar habang hawak Ang kamay ng ibang babae. Lumuwas Siya upang ipaglaban pa sana ito, kahit gahibla nalang ng sinulid Ang pag asang pinanghahawakan Niya ay sumugal pa rin Siya. Ngunit nanghina ang loob nito nang makita ang masayang mukha ng lalaki habang nakatingin sa babaeng pakakasalan. Kaya kahit gaano man Niya kagustong isigaw ang salitang itigil ang kasal ay, nawalan na Siya ng lakas ng loob na gawin. Dahil hindi Niya alam kung may dapat pa ba siyang ipaglaban! "Y-yes father! I-I do!" Narinig nitong sagot ni Francis na lalong nagpahagulhol sa dalaga. Ngayon ay mas lalong nalusaw Ang gabutil na pagasa niya. Kaya nagpasya na lamang itong lisanin ang lugar, habang marahang pinupunasan Ang mga luha sa kanyang mata. Kasal ang event na ito at hindi libing! Mabilis at malalaki ang mga hakbang nito habang palabas ng simbahan. Hindi na alintana ang laki ng tiyan niya. All she want is to get out of here, tsaka nalamang Niya iisipin kung paano niya bubuhayin ang dalawang batang nasa sinapupunan nito. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi pa rin maabot ng isip nito kung paano niya nagawang manloko ng ganito? Wala ba siyang kapatid na babae? Sa isip pa rin ng dalaga habang patuloy sa paglakad. Napasapo na lamang ito sa naninikip nitong dibdib dahil sa pagkapuno ng iba't ibang emosyon. Nagpatuloy ito sa paglakad. Hindi na alintana ang kanina pang nanakit na mga paa at pagod na katawan. Madaling araw nang dumating ang sinasakyan niyang bus sa Manila. Isang araw at kalahati rin ang naging biyahe nito. Ni hindi na niya nagawa pang kumain dahil agad niyang hinanap ang address ng simbahan na binangit ni Francis noong tanungin ito ng reporter. Laking pasalamat naman Niya na agad itong natagpuan, nauna pa nga ito sa mga taong nag aayos sa simbahan. Matiyaga siyang nag antay at ang tanging baong tubig lang nito ang nagpapatid ng kanyang gutom. Nanghihina itong napahinto sa paglalakad at nasapo ang ibabang parte ng kanyang tiyan. Bahagya nakaramdam ng kaba Ang dalaga nang maramdaman ang kirot sa kanyang tiyan. Hindi maaring mapahamak ang mga anak niya. Sila na lang ang pinaghuhugutan nito ng lakas para makapagpatuloy at makabangon. Marahil ay Hindi na kakayanin pa ng dalaga kapag nawala Ang mga ito. Ang mga anak na lang nito ang nagsisilbing alaala niya sa una't huling lalaking minahal niya. Sa kanila siya kakapit upang makatayong muli. Sila ang magiging dahilan nito upang lumaban at magpatuloy sa buhay. Masakit man ang ginawa nito ngunit mas pipiliin parin ng dalaga na panatilihin ang pagmamahal nito sa lalaki kesa punuin ng galit at sama ng loob ang puso nito. Gusto pa rin nitong isipin ang maganda at masayang pinagsamahan nila. Na kahit maikling panahon lang ay naranasan nitong maging masaya at mahalin ng isang Francis Paul Del rio. "Sorry mga anak kung napahirapan kayo ni mama! Pero kakayanin natin ito anak! Laban lang tayo ha! Wag niyo akong iiwan!" Kausap ni Christine sa mga batang nasa sinapupunan nito. Habang marahan itong hinahaplos ng kanyang palad. She decide na umupo muna sa gilid ng kalsada upang ipahinga ang pagod na katawan. Mahigpit nitong yakap ang dalang packbag habang pasimpleng igingala ang paningin sa paligid. Ang sabi ng mga kaibigan Niya sa probensiyana ay nagkalat daw ang magnanakaw sa Manila kaya alam ni Christine na hindi Siya maaaring maging kampante. Ngunit nang masigurong wala namang kahinahinala sa paligid ay tsaka ito naging napanatag ang loob. Nang masigurong maayos na ang pakiramdam niya ay tsaka ito unti unting tumayo. Ngunit kasabay ng pagtayo nito ay ang pag ikot ng kanyang paningin. Nahihilo itong napasapo sa kanyang sintido. Kahit nahihilo ay pinilit pa rin nitong maglakad. Sa isip ng dalaga ay kailangan niyang makahanap ng safe na lugar na maaari itong magpahinga. Napahinto ito ng tumindi ang pagkahilong na nararamdaman nito, kaya mariin na lamang itong napakapit sa pader. "Miss, are you okay?" Narinig nitong tanong ng isang babae, kaya pilit itong lumingon. Ngunit dahil sa pag kaliyo ay hindi nito masyadong maaninag ang mukha nito. Ngunit naaninag Niya ng kaunti na maayos at maganda ang pananamit ng babae. "I'm Doctor Jinky Bolivar! Are you okay? I will take you to the hospital!" Narinig pa niyang sabi ulit nito. Pilit sumagot ng dalaga, ngunit tanging ungol lang ang lumabas sa kanyang bibig. "You're pregnant it's not good for you to be alone…" pagpapatuloy nito. Ngunit hindi na talaga nito kinaya pa ang pagkahilo kaya mariin nalamang nitong ipinikit Ang mga mata at tuluyang nagpatangay sa nararamdaman. "Oh God! Help! Help us please… She passed out!" Narinig pa niyang sigaw ng babae bago ito nahulog sa kawalan at tuluyang nilamon ng kadiliman…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
52.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
149.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
197.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
88.3K
bc

His Obsession

read
95.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook