HINDI ako mapakali habang naghihintay sa labas ng silid sa hospital kung saan dinala si Zandy matapos niyang mabagsakan ng lightning na iyon sa seat ng photoshoot. Hindi naman siya nawalan ng malay pero mukhang nagtamo siya ng serious injury sa likod niya dahil sa bigat niyon. Agad siyang dinala sa hospital ng emergency team ng kompanya.
Pinagsalikop ko ang kamay ko at bahagya iyong pinisil para kahit pa paano mabawasan ang kaba ko. Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko na pwedeng mangyari kay Zandy. Paano kung mabali ang likod niya? Paano kung makuba siya? Nag-aalala ako para sa kaniya at sa kalagayaan niya.
Pumikit ako habang nakaupo sa waiting area. Muling bumalik sa isip ko ang nangyari kanina at ang pasagip ni Zandy sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya naisip na iligtas pa ako. Sinis……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.