MAAGANG NAGISING si Summer para panoorin ang sunrise at magpaaraw na rin sa dalampasigan. Nagpahatid lang siya kay Tita Aurora at nagpaiwan. Napangiti siya nang maramdaman niya ang init ng araw na masarap pa sa balat. Idagdag pa ang sariwang hangin na yumayakap sa kaniya. Naririnig din niya ang mabining paghampas ng mga alon sa dalampasigan at ang mga huni ng ibon na nagliliparan sa kalangitan.
Tumingala ang dalaga at ibinuka ang mga braso. “Ah, this is nature! Thank you, Lord, sa napakagandang umaga!”
Pagkatapos namnamin ang sunrise at sariwang simoy ng hangin, hindi napigilan ni Summer ang makaramdam ng lungkot. Mas ma-a-appreciate sana niya ang napakagandang paligid, tulad ng dati, kung hindi nawala ang paningin niya. Sana pala sinulit niya ang pagpunta rito noong nakakakita pa siya.
Makakakita pa kaya uli ako?
Bumuga ng marahas na hininga si Summer habang nakatingala sa kalangitan bagaman at wala naman siyang nakikita. Ipokrita siya kung hindi niya aaminin na sa loob ng anim na buwan, araw-araw siyang nagdadasal at humihiling ng himala sa Diyos na sana, muli niyang masilayan ang ganda ng mundo kahit may mga pagkakataon pang naging malupit ito sa kaniya.
Mula sa kinaroroonan ay natigilan ang dalaga nang maramdaman niya na tila may mga mata na nagmamasid sa kaniya. Kumabog ang dibdib ni Summer nang lumingon siya sa kaliwang bahagi. Animo’y wala sa sarili na napahawak siya sa dibdib. Pamilyar sa kaniya ang pakiramdam na iyon. Simula nang mawala ang paningin niya, iisang tao pa lang ang nagparamdam niyon sa kaniya. Isang klase ng damdamin na nakakalito.
Mayamaya ay narinig ni Summer ang mahihinang hakbang na papalapit sa kaniya. Nang maramdaman niya ang presensiya ng nagmamay-ari ng mga paang iyon ay saka lang kumalma ang pagwawala ng puso niya at saka lang unti-unting naglaho anag kaniyang pagkalito.
She smiled genuinely.
Mark Anthony….
NAPAHINTO sa paglalakad papuntang dalampasigan si Mark Anthony nang matanaw niya ang pamilyar na pigura ng babaeng nakaupo sa wheelchair habang nakabuka ang mga braso at nakatingala sa kalangitan.
“Ah, this is nature! Thank you, Lord, sa napakagandang umaga!”
Amused na napangiti ang binata nang marinig niya ang isinigaw na iyon ni Summer. Napakaganda na nito. Ngunit walang kasingganda kapag nakita niya ito na masaya at positibo sa buhay. Sa ilang araw na nakakausap at nakikita niya ito, mas madalas niya itong nakikita na malungkot at parang nawawalan na ng pag-asa. Kaya nga parati niyang pinapalakas ang loob nito.
Tulad ng mga sandaling iyon, dagling napalitan ng lungkot at frustration ang kanina’y saya na nakalawaran sa mukha ni Summer habang dahan-dahan nitong ibinababa ang mga braso. At katulad ng madalas maramdaman ni Mark Anthony sa tuwing nakikita niyang nalulungkot ang dalaga, parang piniga na naman ang puso niya.
Alam niya na malambot talaga ang puso niya, lalo na sa mga nangangailangan ng atensiyon at financial. Pero itong nararamdaman niya para kay Summer, it’s weird. But… he likes it.
Mula sa kinatatayuan niya ay nakita ni Mark Anthony na luminga sa gawi niya ang dalaga. Marahil ay naramdaman nito ang mga titig niya. Sandali pa siyang natulala nang masilayan niya ang maganda at maamong mukha nito. Hindi niya napigilan na ngitian ito kahit hindi naman siya nakikita habang naglalakad palapit dito.
Ngunit nang ngumiti rin sa kaniya si Summer, naramdaman ni Mark Anthony na bumilis ang t***k ng puso niya, kasabay niyon ang tila pag-aliwalas ng buong paligid.
Ngayon lang niya naranasan na sa isang ngiti lang ng babae, parang kompleto na agad ang araw niya.
NAGBABA ng tingin si Summer nang maramdaman niyang nasa harapan na niya si Mark Anthony. Bigla siyang nailang nang manuot sa ilong niya ang mamahaling pabango nito, dahil alam niya na sa mga sandaling iyon ay solo nila ang isa’t isa.
“Hi, Summer. Good morning,” bati nito sa kaniya sa baritonong boses.
Nag-angat siya ng mukha at ngumiti rito. “Good morning, Mark.”
“Bakit hindi mo sinabi sa’kin na maaga ka palang pupunta rito?” tanong nito kapagkuwan. Sigurado si Summer na nakakunot ang noo nito dahil may usapan na sila na sasamahan siya nito sa bawat lakad niya habang nasa Batanes siya. “Nasamahan sana kita.”
A sweet smile appeared on her lips. “Nahihiya kasi akong gisingin ka dahil masiyado pang maaga. But don’t worry. Hinatid naman ako dito ni Tita Aurora.
Naramdaman niya na sumalampak ito sa buhanginan habang nakaharap sa kaniya, na para bang isang normal na tao lang. Isa sa mga nagustuhan ni Summer kay Mark Anthony ay ang pagiging simple at down-to-earth nito. Bukod sa madalas iyong sabihin ng kaniyang lola at tiyahin, natuklasan na rin iyon ng dalaga sa ilang araw na magkasama sila palagi. Parang hindi ito bilyonaryo kung magsalita at umasta.
“Ang tagal kong nag-abang sa’yo sa bintana kanina. Kaya pala hindi kita nakitang sumilip…” may himig na paghihinampo na reklamo pa ng binata.
Palibhasa magkatapat lang ang kuwarto nilang dalawa kaya sa bintana sila madalas nagko-communicate kapag gusto niyang mamasyal o kaya ay gusto siyang ipasyal nito. Tinatawag siya ni Mark Anthony habang sumesenyas naman si Summer. Kaya nga palaging nakabukas lang ang bintana niya.
“Baka kasi nakakaistorbo na ako sa’yo. Ilang araw mo na akong sinasamahan, at dinadala kung saan-saan,” nahihiyang katuwiran ng dalaga.
“Ilang beses ko bang sabihin sa’yo na hindi ka nakakaistorbo? Wala naman akong ginagawa rito sa Batanes bukod sa pagbabantay kay Mia,” mahinahong paliwanag ng binata. “May tiwala naman ako sa mga empleyado ko sa resort kaya hindi ko kailangang pumunta roon palagi.”
“Kung gano’n, salamat…” She smiled at him once again. “Hayaan mo, maaga uli akong magpapaaraw bukas. I want to wait for the sunrise even though I can’t see it anymore. Paboritong gawin ko na talaga ‘yon dati pa sa tuwing nagbabakasyon ako rito.”
“Me, too!” Mark Anthony answered cheerfully. “Simula nang dumating kami rito, wala akong ibang ginagawa sa umaga bukod sa mag-abang ng sunrise. Minsan, kasama ko si Mia kapag maaga siyang nagigising. Pero madalas, mag-isa lang ako. Saka ako maglalakad-lakad dito sa dalampasigan hanggang sa marating ko ang pinakadulo nitong beach.”
“’Buti at hindi ka nababagot dito?” Her eyes sparkled with amazement. “I mean, for someone rich and a Manila boy like you, this place is too rural. Nabanggit mo sa’kin na CEO ka sa company mo, ‘di ba?”
Naramdaman niya na tumango ang binata. “Oo nga…” At kinunutan siya nito ng noo. “Pero paano mo naman nasabi na masiyadong rural itong Batanes para sa’kin porke’t mayaman at laking siyudad lang ako?”
“Iyong twin sister ko kasi. CEO din siya ng maliit naming company. Though, favorite place niya itong Batanes, pero hindi siya mabubuhay rito. Lalo na at isang taon. Sanay ‘yon sa city at hindi rin niya kayang iwanan nang matagal ang trabaho niya.”
“Are you a twin?” ramdam niya ang pagkamangha ni Mark Anthony. “Akala ko nakababatang kapatid mo lang ang palagi mong ikinukuwento sa akin na sister mo.”
“Nope.” Umiling si Summer. “I mean, yes, we’re twins. Identical twin to be exact.”
“That’s so cool! So, what’s your twin’s name?” interesadong tanong nito.
“Rhaine.”
“Awesome! And you’re ‘Summer’. Ang gaganda ng pangalan n’yo.” Narinig niya ang naaaliw na pagtawa ng binata. “Pero honestly, mas gusto ko ang summer kaysa rainy season.”
Nakagat ng dalaga ang ibabang labi. Bakit parang double meaning ang sinabing iyon ni Mark Anthony? “Bakit naman?”
“Ang aliwalas kasi ng paligid kapag summer. Parang ang saya ng lahat. So, that’s why. I mean, even though it's not summer yet here in Batanes, I’ve felt that way since you got here.”
Amused na natawa pa ang dalaga. “Hindi papayag ang kapatid ko kapag narinig ka,” aniya sa tonong nagbibiro.
Tumawa lang din ito. “Do people often mistake you for each other?”
“Yes.” She smiled. “Ang totoo niyan, parents lang namin at malalapit na kamag-anak at kaibigan ang hindi nalilito sa amin ni Rhaine. “Dahil kahit sa buhok, parehong-pareho kami. Medyo may pagka-maldita lang ang isang ‘yon pero magka-boses na magka-boses din kaming dalawa.”
Hindi man nakikita pero ramdam ni Summer ang pagkamangha ni Mark Anthony. “Have you ever switched identities?”
“Nope.” Umiling siya. “Pero nagpapanggap ako na siya kapag alam kong mapapagalitan siya ni Daddy.”
“Sabi na nga ba, eh. Sa inyong dalawa, ikaw ang pinakamabait,” komento nito na nagpangiti sa kaniya.
“Hindi naman sa gano’n. Mabait din naman ang kapatid kong ‘yon,” depensa niya. “Hindi ko lang talaga kayang makita o marinig na may nagagalit sa kaniya. Kung puwede nga lang na protektahan ko siya sa lahat ng oras…”
“That’s the best part about having an identical twin sibling.”
Kinunutan niya ito ng noo. “May kakambal ka rin?”
Mukhang sasagot pa sana ang binata nang biglang tumunog ang cellphone nito at agad din naman nitong pinatay. “Oras na pala ng pag-inom ng gamot ni Mia.”
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. “Gamot? Bakit? May sakit ba siya?”
Ilang sandali ang lumipas bago niya narinig ang pagtugon nito. “She’s been diagnosed with COPD or Chronic Obstructive Pulmonary Disease. Kaya dito muna kami nanirahan dahil bawal sa kaniya ang polusyon at matatapang na amoy sa Manila,” malungkot na paliwanag nito.
Bahagyang umawang ang bibig ni Summer. Nakaramdam siya ng awa para sa nakababatang kapatid ni Mark Anthony. Ilang araw na rin silang magkasama pero hindi nito nabanggit sa kaniya ang bagay na iyon, gayon din ang kaniyang tiyahin at lola. Sa tuwing kasama naman niya si Mia, parang normal na bata lang ito. Ang sigla-sigla nga niyon palagi. At napaka-masayahin. Para tuloy nilamukos ang puso niya.
“Oh no, I’m so sorry to hear that, Mark.” Hinagilap at hinawakan ni Summer ang kamay ng binata nang makabawi siya. “Stay strong, okay? Your sister’s strength will get her through this. Hindi ko nga alam na may sakit pala siya. Kasi napakatapang niya at napaka-positive. Bigla tuloy akong nahiya…” Napayuko si Summer nang maalala kung paano siya pinanghinaan ng loob noon habang kaharap si Mia.
Iyon pala, mas malala pa ang pinagdadaanan nito kumpara sa kaniya.
Naramdaman niya ang pagpisil ni Mark Anthony sa palad niya. “It’s okay. Lahat naman tayo, dumadating sa punto na pinanghihinaan ng loob. Pero hindi ibig sabihin niyon na sumusuko na tayo, ‘di ba? Hindi mo aabangan ang sunrise tuwing umaga kung nawawalan ka na ng pag-asa. Because sunrise symbolizes hope, light, and life, right? At iyon ang palagi kong ipinapaalala kay Mia.”
She stared at him despite her blindness. “You’re amazing. Napakasuwerte ni Mia na ikaw ang naging kuya niya.”
“Really?” Narinig niya ang marahang pagtawa ni Mark Anthony. “Masuwerte nga siguro ako dahil nakilala ko ang isang tulad mo, Summer.”
A warm glow spread across her face. “Hindi kaya ako ang mas masuwerte? Dahil may tour guide ako na guwapo, charming, at isang bilyonaryo?”
“Sabi na nga ba, eh. Naniwala ka sa mga sinabi ni Mia,” anito at nagkatawanan silang dalawa. “Ano kaya kung sa bahay ka na mag-breakfast? Nagluto ako ng Payi. I’ll call Tita Aurora na lang para ipaalam ka.”
“You can cook?”
“Uh-huh. One of my skills.”
Parang hindi makapaniwala na napatitig si Summer kay Mark Anthony. “You know, sa panahon ngayon, iilan na lang ang lalaki na mahilig sa kitchen. So, yeah. Hindi na ako mahihiya at makiki-breakfast na ako sa inyo. I love Payi. At gusto kong matikman ang version ng isang Mark Anthony Yap.”
“That’s great! But brace yourself, lady. Baka ma-in love ka sa’kin kapag natikman mo ang extra creamy lobster mac and cheese ko.”
Nanlaki ang mga mata ni Summer. “Mahilig ako sa mac and cheese. Pero hindi pa ako nakatikim ng recipe na sinasabi mo. Allergic kasi sa seafoods sina Rhaine and Dad kaya hindi kami nagluluto niyon sa bahay. Hanggang sa nasanay na rin ako. Pati sa labas, bihira na rin akong kumain ng seafoods.”
“Kung gano’n…” Naramdaman niya na tumayo si Mark Anthony at umikot sa likuran ng wheelchair. “Masuwerte nga talaga ako dahil ako ang magpapatikim sa’yo niyon…”
Napangiti ang dalaga nang maramdaman niya ang marahan na pagtulak nito sa wheelchair niya habang tinatahak nila ang daan patungo sa resthouse nito. “Okay lang kaya kay Mia na makikisalo ako sa breakfast n’yo?” kapagkuwan ay tanong ni Summer.
Bagaman at sa bahay ng Lola Margaret niya, madalas din namang makisalo sa kanilang almusal si Mia dahil mahilig itong makipagkuwentuhan. Paminsaan-minsan, kasama rin nito si Mark Anthony. Nahihiya lang daw sa kanila ang binata kaya hindi ito napapadalas kahit inaanyayahan naman nina Tita Aurora at Lola Margaret.
“Of course!” masiglang sagot ng binata. “In fact, palagi nga niyang sinasabi sa’kin na i-invite daw kita sa bahay para sa’min naman makisalo. Gano’n din kasi ang ginagawa nina Tita Aurora at Lola Margaret paminsan-minsan. Nahihiya lang akong yayain ka pa kasi baka may magalit.”
Kunot ang noo na tiningala ito ni Summer sa kabila ng kadiliman ng paningin niya. “What do you mean ‘may magalit’?”
“Boyfriend mo.”
“Wala na akong boyfriend,” walang ligoy na sagot ng dalaga kasabay ng pagguhit ng pait sa kaniyang mukha at kirot sa dibdib niya. Aminado siya na kahit ganoon na ang ginawa sa kaniya ng nobyo, nasasaktan pa rin siya. Sa tatlong naging boyfriend na niya, si Walter ang pinakamatagal at minahal niya. “Six months ago pa. I haven’t seen him since he knew I became crippled and blind.”
Ilang sandaling katahimikan ang namayani bago niya narinig ang naging tugon ni Mark Anthony. “It means…” Masuyong tinapik nito ang balikat niya. “New beginnings await.”
That actually made her smile. “Thank you, Mark.” Umayos siya ng upo at humarap sa daraanan nila. “Anyway, malapit na ba tayo? Sorry, ha. Pangalawang balik ko na ‘to sa resthouse n’yo pero hindi ko pa rin ma-memorize.”
“It’s all right. Kaya nga ako nandito, eh,” sagot nito na lalong ikinangiti ng dalaga.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.