Napatihaya ako sa upuan nang matapos kong gawin ang pinapagawa ni Miss Lina. Mabuti na lang natapos ko before lunch para naman makakapagpahinga ako mamaya.
Lunes na lunes pero ramdam ko na naman ang matinding pagod. Kahapon wala naman akong ibang ginawa kundi ang magpahinga buong araw at asikasuhin ang anak ko. Pero kapag nandito na 'ko sa trabaho, mauubos talaga lahat ng energy na inipon ko. At ngayon, ten percent na lang ang natira.
"Thena, may girl's night out mamaya, sasama ka ba?" Tanong ni Paula nang lumapit siya sa'kin at kasunod nito si Maurice na bitbit ang bag at handa nang bumaba sa cafeteria para mag-lunch.
"Girl's night out? Eh, Monday ngayon, ah?" Sabi ko habang nilalagay sa loob ng bag ko ang mga nagkalat kong gamit sa ibabaw ng mesa.
"Pantanggal pagod lang, gano'n. Don't worry, hindi naman tayo maglalasing 'tsaka tayo-tayo lang din naman dito sa department natin ang sasama mamaya. No boys, only girls," sagot ni Paula na ikinatawa ni Maurice.
"Kaya nga girl's night out, 'di ba? Kasi walang boys, 'di ka nag-iisip," ani Maurice habang natatawa.
"Sorry naman, sinasabi ko lang kay Athena para hindi siya mag-worry. Ano, Athena? Sasama ka ba sa amin?"
"Ano kasi .. parang hindi na 'ko p'wede sa gan'yan kasi nga 'di ba may anak na 'ko?"
"So? Hindi naman kabawasan 'yon sa pagiging babae mo. Eh, ano naman kung may anak ka na? Babae ka pa rin naman 'tsaka may karapatan kang mag-enjoy at sumaya naman kahit papa'no," saad ni Maurice na sinang-ayunan naman ni Paula.
"Exactly! Kung nag-aalala ka para sa anak mo then before 10 uuwi na tayo since may trabaho pa tayo bukas and bawal ma-late kasi baka tanggalin pa tayo sa trabaho ng boss natin."
"Oo na, sasama na 'ko," pagsuko ko na ikinatuwa ng dalawa.
Hays, kung hindi ko lang talaga sila kaibigan baka hindi ako pumayag. Pero ito pa lang ang unang beses na sasama ako sa gano'n. Kasi dati hindi ako interesado na subukan ang gano'ng bagay kahit na minsan akong nagtrabaho sa bar noon. Para sa'kin kasi hindi gawain 'yon ng isang matinong babae. Kumapit ako sa gano'ng paniniwala pero hindi lang naman pala lahat gano'n at nagkamali ako.
Minsan sa buhay natin kailangan ding subukan ang mga bagay na hindi pa nasusubukan. Pero dapat may limitasyon para hindi tayo makakagawa ng pagkakamali at hindi magsisi sa huli.
"Parang hindi ko 'ata nakita si sir Zach ngayon. Hindi ba siya pumasok sa trabaho?" Wika ni Maurice nang nasa kalagitnaan na kami ng pananghalian.
"Pansin ko rin, baka nga hindi siya pumasok," ani Paula.
Kahit ako hindi ko rin siya napansin. Kaya nga ang payapa ng araw ko ngayon, eh. Walang nag-uutos sa'kin na ayusin ang internet niya at walang sumisira ng araw ko.
Pero bakit kaya wala siya ngayon?
Bigla kong naalala ang mga sinabi niya no'ng Sabado, 'yong tungkol kay Aaron. Na gusto niya itong makita at papuntahin dito sa kompanya niya. Pero pinag-iisipan ko pa ang tungkol sa bagay na 'yon. Kasi ayokong malagay sa alanganin ang anak ko.
"Baka may sakit," saad ni Maurice.
Ewan ko kung gano'n nga pero bakit bigla akong nakaramdam ng pag-aalala?
Matapos naming kumain ay kaagad na rin kaming bumalik sa floor namin. Si Paula at Maurice pumasok na sa office pagkarating namin habang ako tinungo ang office ni Sir Zach. Hindi ko alam kung ba't ako pumunta rito pero gusto ko lang malaman kung nandito ba siya o wala.
Kumatok muna ako sa pinto bago ko binuksan ito. Pero ang secretary niya ang naabutan ko rito sa loob.
Nasa'n kaya siya?
Pero ba't ko ba siya hinahanap? 'Di ba dapat matuwa ako kasi wala siya rito ngayon sa office?
"Good afternoon, miss Athena. May kailangan po ba kayo?" Tanong nito pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Pumunta lang ako rito na hindi alam ang dahilan.
"Umm, good afternoon, Miss Dela Peña. Umm .. gusto ko lang sanang itanong kung .. umm .."
Sh*t! Ba't 'di ko masabi?
"Kung nasaan si sir Zach."
Nasabi ko rin, hays. Akala ko magugulat siya pero buti na lang hindi.
"Hindi po siya pumasok, eh. Wala rin akong idea kung bakit. Hindi niya kasi sinabi no'ng tumawag siya kaninang umaga," sagot nito.
"Ah gano'n ba, sige salamat."
"Bakit po, Miss Athena? May kailangan po ba kayo sa kan'ya?"
Wala akong kailangan sa kan'ya.
"Umm .. wala naman, sige alis na 'ko. Thank you, Miss Dela Peña," iwas na sagot ko at kaagad ng lumabas ng opisina.
Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas ko. Hindi ko na talaga uulitin 'to. Hindi na ito mauulit kahit na kailan.
"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko nang makarating kami sa parking lot.
Kaka-out lang namin sa trabaho at aalis na rin kami nina Maurice kasama ang ilang babae sa department namin. Kilala ko naman silang lahat pero hindi ko lang mas'yadong nakakausap at nakakasama.
Nakapagpaalam na rin ako kay tiya Rosa na baka gagabihin ako ng uwi. Sinabi ko naman ang dahilan kung bakit at okay lang naman sa kan'ya basta raw uuwi ako na hindi lasing.
"Sa bar kung saan nagtatrabaho 'yong pinsan ni Trixie. 'Di ba, Trix?" Tugon ni Paula bago tumingin kay Trixie.
"Oo, Athena, actually malapit lang 'yon mula rito. And don't worry, mostly women ang pumupunta ro'n," aniya. Maliit akong ngumiti sa kan'ya at sumakay na sa kotse.
Hindi naman ako nag-aalala na may mga lalaki ro'n. Ayoko lang na mangyari ulit ang nangyari sa'kin noon.
"We're here, Athena," wika ni Maurice nang makarating kami sa bar na tinutukoy ni Paula.
Sumabay siya sa'kin kasi sira 'yong kotse niya. At nauna na nga siyang bumaba habang ako nandito pa sa loob ng kotse at nakatingin sa pangalan ng bar.
Midnight Bar.
Ang bar kung saan ako nagtatrabaho dati.
Wala akong sama ng loob sa lugar na 'to pero isa rin 'to sa mga dahilan kung bakit na aalala ko ang puno't dulo ng masasamang nangyari sa buhay ko.
"Athena .."
"Ha?"
"Bumaba ka na riyan, pasok na tayo sa loob," sabi ni Maurice.
Tumango ako bilang sagot at bumaba na ng sasakyan.
Hinihiling ko na sana wala si Sir Yael d'yan o kung sino man na kakilala ko riyan. Ayokong malaman nila na d'yan ako nagtatrabaho noon. Masama man ang magsinungaling pero gusto ko nang makalimutan ang mga nangyari dati.
Pagkapasok namin sa loob, hindi gano'n ka ingay ang tugtog, wala naghihiyawan at nagsasayawan sa dance floor. Kokonti pa lang ang mga umiinom dito dahil na rin siguro sa kakabukas pa lang kaya ganito.
Dumapo ang tingin ko sa bar counter. Hindi pamilyar na mukha ang nakita ko. Hindi na si kuya Marky ang bartender dito at hindi ko na rin makita si Lara. Sabagay ilang taon na ang lumipas simula no'ng huli kaming nagkita at hindi ko rin nagawang magpaalam sa kan'ya, sa kanila.
"Doon tayo malapit sa bar counter," wika ni Grace at nauna na siyang maglakad. Sumunod na rin kami sa kan'ya pero nagpahuli ako.
Gusto ko lang pagmasdan ang paligid. Hindi na ito 'yong bar na pinagtrabauhan ko dati, ang laki na ng pinagbago nito.
'Di kaya iba na ang may-ari nitong bar?
"Athena, maupo ka na rito," tawag sa'kin ni Paula.
Sumunod naman ako agad at umupo na sa tabi niya. Nakapag-order na pala sila ng inumin at binigay na rin sa'kin ni Paula ang iinumin ako.
Vodka.
Jusko! Ang tapang nito. Akala ko ba hindi kami maglalasing?
"Okay ka lang, Athena?" Tanong ni Paula, tumango ako bilang sagot at ininom ang alak na nasa harapan ko.
Umiinom naman ako dati pero hindi ganitong klase ng inumin. Ang lakas ng tama nito at nakakalasing.
"Nakita niyo ba 'yong mga kaibigan ni Sir Zach? Ang gugwapo, 'di ba?" Pag-open up ni Trixie sa usapan.
"True! makalaglag panty, sis," sang-ayon ni Maurice na ikinatawa naming lahat.
Gano'n ba naman ang sabihin. Partida hindi pa 'yan lasing.
"Pero mas g'wapo pa rin sa aking eyes si Sir Zach kahit muntikan niya na 'kong tanggalin sa trabaho," saad ni Paula.
"Hindi muntikan, sis, tinanggal ka talaga. Pero buti na lang tinulungan ka ni Athena kaya magpasalamat ka sa kan'ya," natatawang sambit ni Maurice.
Ewan ko na lang talaga sa dalawang 'to. Sana paglabas namin sa bar magkaibigan pa rin sila.
Pansin ko na dumadami na pala ang mga tao rito ngayon sa bar. Lumakas na rin ang tugtog at med'yo umingay na ang paligid. Kalahating oras pa lang kaming nandito pero ang dami nang nangyari na 'di namin napapansin. Tulad na lang nito, nakikita ko si Sir Zach sa may parteng dulo nitong bar na nakaupo at seryosong nakatingin sa akin.
Ha?!
Ba't ko siya nakikita ngayon?!
A-anong? P-Pa'nong nangyari na nandito siya?
"S-Sir Zach .."
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.