Chapter 13.4
Hindi pa rin ako nakakalabas ng elevator at tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Papasara na ang pinto ng elevator pero hinarangan niya yun ng kamay niya.
Lumunok ako bago sumagot.
"Sorry. Nakalimutan kong magsabi"
"And why don't you answer your freaking phone. Nakailang tawag na ako"
Mabilis kong kinuha ang phone ko sa shoulder bag ko
80 missed calls
"I didn't know Mark. Naka silent kasi"
Magsasara na ulit ang pinto ng elevator nang harangan niya ulit ito. Hinawakan niya ang kamay ko at inilabas ako sa elevator. Tinahak namin ang daan sa condo ko.
Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay. Mahigpit ang kapit niya dito na akala mo ano mang oras ay aalis ako.
Ibang init naman ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.
"Open the door" utos nito pero ngayon ay kalmado na ang boses
Mabilis kong ini swipe ang card ko para bumukas ang pinto. Binuksan niya ito at tuloy tuloy na pumasok sa condo ko. Dumiretso siya sa loob ng kitchen at kumuha ng beer in can sa ref.
Binuksan niya ito at uminom mula rito. Kita ko ang pagrehistro ng pait sa mukha niya. May mga natapon pang beer mula sa pagkainom kaya naman pinunasan niya ang mga labi niya gamit ang likod ng palad niya.
Tinititigan ko lang siya. Nakakunot ang kanyang noo at magkasalubong ang mga kilay. Pulang pula at basa naman ang labi niya dahil sa pag inom ng alak.
Ibinaba niya ang hawak niyang alak at hinarap ako
"Sino naghatid sayo?" tanong nito sa akin
"Si Jay"
Kita ko ang pagtaas ng kilay niya at ang pagtawa niya nang mahina
"So, nakipagdate ka pala kaya naman di mo nagawang magpaalam at sagutin ang tawag ko"
"No. Nagkita lang kami at isinabay niya ako pauwi dahil wala akong dalang sasakyan" pagpapaliwanag ko
"And you really think papaniwalaan ko yan Arisse? I know you" sabi nito at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa
"So, san kayo pumunta? Hotel, motel, apartelle, or condo niya? Isang araw pa lang kayong di nagkikita di na kayo makapagtimpi. Kating kati ba Arisse?"
"Bastos" sigaw ko at lumipad ang palad ko sa pisngi ko niya. "Kung iinsultuhin mo ko sa sarili kong bahay, umalis ka na! Get out!" buong lakas kong sigaw
He smirked at me before giving me a disgusting look na tila nandidiri sa akin
"I know who you are Arisse. You don't have to act like a saint. Stop the facade. I know how you flirt every night, kiss every man in the dance floor back then after the accident while Prin is breaking down in front of me. Crying his heart out because of your infidelities! We saw how you seduced every man in the dance floor while Prin is broken and watching you" may diin nitong pagkakabigkas habang lumalapit sa akin.
Napasandal ako sa countertop dahil sa paglapit niya.
"You can't fool me, sl*t" bulong nito sa tenga ko.
Buong lakas ko siyang tinulak at muli siyang sinampal. Itinawa ko ang frustration sa kanya.
"So pinalabas ni Prin that I was the one who cheated huh? I pity you Mark! You were there all along pero wala kang alam! You never know the truth. You saw him break down, crying, destroying himself but do you really know who's the reason behind it?" matapang kong tanong sa kanya.
"You have no right, Mark. I may be a wreckless woman before but you will never understand my reason cause you never know my pain! You will never know my pain! Hate me all you want. Despised me, blame me, hurt me if that's the only way to lessen the pain that I gave you but never insult me with the things I never did"
Bakas sa mata ni Mark ang pagkagulat sa pagsagot ko sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita. Yumuko ako at huminga ng malalim. Ilang beses ko yung ginawa para iwasan ang pagtulo ng luha ko. Nakita kong gumalaw ang mga paa ni Mark papalapit sa akin.
"May beer pa dyan. Kung gusto mo kumuha ka lang then lock the door and leave" sabi ko at tinalikuran ko siya at agad na pumasok sa loob ng kwarto ko.
Pagkasarang pagkasara ng pinto ay nag unahang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong dahilan nito. Dahil ba sa sinabi niya sa akin? O dahil hanggang ngayon sa akin pa rin ang sisi ng lahat.
Biktima lang din ako pero bakit sa akin ang bagsak ng lahat. Ako ang pinaka nasaktan pero bakit ako pa rin ang sinasaktan. Gustong gusto ko nang magsalita, gusto ko nang sabihin ang totoo pero hindi ko kaya.
I know that inside of the cold and rude Mark in front of me lies the warm hearted Mark that I was knew.
Katulad ko'y nasaktan lang din siya at di ko gagawin sa kanya ang ginawa at pinaramdam sa akin nila Prin at Kim. I'll keep my silence.
For him and for Kim
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.