Prologue

HIDING THE MONTEFIORE'S HEIR 928 words 2024-04-12 00:11:43

Prologue

Sa bawat hakbang ko papunta sa opisina ni Rozein, parang lalong bumibigat ang dibdib ko. Ilang araw na akong hindi makatulog. Nagtatalo ang puso't isip ko kung sasabihin ko ba ang totoo kay Rozein.

Huminga ako nang malalim habang hawak ang pregnancy test kit sa loob ng maliit na paper bag.

Pagtapat ko sa pinto, kumatok ako nang marahan.

“Rozein…” mahinang tawag ko.

“Come in,” malamig niyang sagot mula sa loob.

Pagpasok ko, agad kong napansin ang tensyon sa balikat niya habang nakaupo siya sa harap ng laptop. May hawak siyang wine glass, tanghaling tapat pero parang gabi na sa awra niya.

Hindi ko alam kung paano uumpisahan. Kaya nanatili akong nakatayo sa tapat niya habang nanginginig ang mga daliri ko.

“What now, Thara?” tanong niya, hindi man lang tumingin sa akin.

“M-may sasabihin ako,” gumaralgal ang boses ko.

Napasandal siya sa upuan, sabay buntong-hininga.

“Kung tungkol na naman 'to sa annulment. Mas mabuting pumirma ka na—”

“Hindi,” putol ko agad. “Hindi ito tungkol doon.”

Napatingin na rin siya sa wakas. Mas lalo akong kinabahan sa malamig niyang titig, para bang wala siyang nakikitang asawa sa harap niya kun'di isang estrangherang istorbo.

“B-buntis ako,” mahina kong sambit, halos pabulong.

Agad na lumarawan ang galit sa mukha ni Rozein.

“What the hell did you just say?” Tumayo siya at nabitawan ang baso. Tumama ito sa sahig at nabasag na parang puso kong gumuho dahil sa reaksyon niya. Inasahan ko na 'to pero masakit pala na harap-harapan kong makikita ang reaksyon niya.

“B-buntis ako, Rozein,” ulit ko, kahit namumuo na ang luha sa mga mata ko.

“No!” sigaw niya, naglalakad-lakad sa paligid na parang mababaliw. “You can’t be. This can’t happen.”

“Rozein, please. Hindi ko plinano 'to—”

“Of course, you did!” galit na sigaw niya. “You trapped me, Thara! This is what you wanted all along, right? Para hindi matuloy ang annulment? Para hindi na ako makaalis sa kasal na ‘to?!”

“Hindi ‘yan totoo!” halos pasigaw na rin ang tono ko, hindi ko na kayang pigilan ang luha. “Hindi ko rin ginusto ‘to. Pero nangyari na, at ayokong itago sa 'yo.”

“Then get rid of it.”

Bumagsak ang mundo ko sa isang iglap. Tumigil ang paghinga ko.

“A-anong sabi mo?”

“You heard me,” malamig niyang ulit. “Wala akong pakialam sa bata. Lalong-lalo na kung ikaw ang magiging ina nito. Do you honestly think I want a child with you?”

“Bakit, Rozein?” bulong ko. “Ano bang kasalanan ng batang ‘to?”

“Kasalanan niya kung bakit lalo akong makukulong sa 'yo. Isang batang bunga ng isang kasal na wala namang saysay. You think a child will fix this?” nanlilisik ang mga mata niya sa galit.

Tumulo ang luha ko, pero hindi ako umatras.

“Hindi ko ipapalaglag ang anak ko. Wala akong pakialam kung ayaw mo sa kanya. Pero hindi ko kayang itapon ang buhay niya para lang sa galit mo." Taas noong tinignan ko siya.

“Kung hindi mo gagawin ang utos ko, ako ang gagawa, Thara. Ipapakuha ko ang batang 'yan sa ayaw, o sa gusto mo!" mariin niyang sabi, tila nasusuka sa presensya ko.

Napasinghap ako at napahawak sa sinapupunan.

“P-please, h'wag mong gawin 'to, Rozein. Inosente ang bata. Hayaan mong buhayin ko siya. Pangako, hindi kita guguluhin. Lalayo kami,” pagmamakaawa ko.

Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Rozein. May malalakas na yabag, at sa gilid ng paningin ko, may isang babaeng naglalakad papunta sa akin. Si Devy.

Naka-sleeveless na designer dress siya. Tumaas ang kilay nito, at sinipat ako mula ulo hanggang paa na para bang dumi lang ako sa sahig ng opisina ni Rozein.

“What are you doing here?” singhal nito.

Huminga ako nang malalim. “Wala ka na sa lugar para magtanong, Devy—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang hawakan nito ang braso ko nang sobrang higpit, halos mamilipit ako sa sakit.

“You think that ring makes you a wife? You’re just a mistake in a white dress! Masyado kang ambisyosa!”

“Bitawan mo ako!” sigaw ko at pilit kumakawala.

Pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak. Bigla niya akong hinila palabas ng office. At walang pakialam si Thara kung anong ginagawa ng babae sa akin.

“Devy, please! Bitawan mo ako, nasasaktan ako sa ginagawa mo!” halos pasigaw kong pagmamakaawa habang hawak ng isang kamay ko ang aking tiyan. “Buntis ako, Devy. Dahan-dahan naman.”

Napahinto siya at tinignan ang tiyan ko.

“Perfect! Baka sakaling matauhan ka kung mawawalan ka ng anak!” ngumisi siya. Kaya kinabahan ako.

At bago ko pa maipagtanggol ang sarili, itinulak niya ako nang malakas. Napasigaw ako habang tumilapon ako pabagsak sa sahig.

Isang matalim na sakit ang bumaon sa puson ko, parang hinihiwa ako mula loob. Agad kong niyakap ang tiyan ko habang nakaluhod sa malamig na sahig, nanginginig at namimilipit sa sakit.

Dumudugo na ang gilid ng palda ko. Ramdam ko ang likidong mainit na dumadaloy. Oh God. Please, huwag naman po ang anak ko…

Napasigaw ako sa sakit, humihikbi habang pilit na lumalapit pabalik sa opisina ni Rozein. Nahihilo na ako sa sobrang sakit.

“P-please, help me. Ang anak ko...” isang patak ng luha ang naramdaman ko sa aking pisngi bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.