Calex Saavedra. Mula sa kilala at mayamang pamilya.Higit sa lahat kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Mag kaganon pa man ay marami pa rin mga babae ang na huhumaling dito. Mga babaeng tila santo kung sambahin ang binata. Sino nga naman ang hindi mag ka kandarapa sa isang Calex Saavedra na bukod sa mayaman,makapangyarihan at mayroong mala Adonis na pangangatawan ay ubod guwapo pa. Maraming babae ang nangangarap na maidugtong sa kanila ang apilyedong Saavedra.Ngunit paano mang yayari iyon kung ang binatang Saavedra ay parang damit lang ito kung mag palit ng babae. Sa isang sabi wala itong siniseryosongbabae. Ngunit nag bago ang lahat. Ang antipatiko at ubod babaerong si Calex Saavedra ay ikinasal sa isang probinsyana. Hindi lang iyon. Kundi sa isang Nerd pa. Mabago kaya ng isang probinsyanang Nerd ang pag ka maluko at babaero niya?
Isang masipag,may tiyaga at may dedikasyon sa trabaho si Winoona. Nagta-trabaho siya bilang personal assitant sa kumpanya na pagma-may ari ng mga Fuentibella.Tahimik,masaya,at kontento na sa trabaho sa kumpanya ng mga Fuentibella. Bukod kasi sa mga mababait na ka- trabaho ang mayroon din siya na ubod bait din na amo. Si Efren Fuentibella na kilalang isa sa matagumpay na businessman sa bansa bukod sa maunawain ay likas din ang pagiging mabait nito at mapag bigay sa kanyang mga empleyado. Kaya para kay Winoona ay naka jackpot siya pag dating sa trabaho .Ngunit magbabago ang lahat. Ang tahimik at masaya niyang pagta trabaho sa kumpanya ng mga fuentibella ay magiging magugulo. At iyon ay dahil sa pag dating ng bago niyang boss. Ang arogante, at ubod supladong si Nickholas Fuentibella.Ang panganay na anak ni Efren Fuentibella.Kung pag ku-kumparahin ay malayong malayo ang pag uugali ni Nickholas sa ama nitong si Efren Fuentibella. Kung gaano kabait ang matandang Fuentibella ay s'ya namang ubod sama ng pag uugali ni Nickholas na subrang nag pahirap kay Winoona.Paano kaya pakikisamahan ni Winoona ito?Mapapag tyagaan kaya ni Winoona ang pag uugali ng bago niyang amo?O,tuluyang mahulog ang loob sa binatang sa kabila pala ng pagiging arogante at magaspang na pag uugali ay may itinatago palang kabaitan at malambot na puso.
Heredera. Iyon ang madalas na itawag sa kanya ng mga taong nakaka kilala at nakaka salamuha niya.Heredera na sa pag aakala ng iba ay masaya siya. Siya si Allieyah Cindy Alcantara. Ang babaeng pilit na tinatalikuran ang pagiging isang heredera. Dahil sa pagiging sunod sunuran sa ama. Mas pinili ang buhay na simple matakasan lng ang kasal sa lalaking ang tanging may kagustuhan ay ang kanyang ama. Eldon Gabrielle Curtiz. Ang lalaking nakatakdang ikasal sa kanya. Unang kita pa lamang niya sa binata ay galit agad ang naramdaman para dito.Paano kung ang buhay niyang tinatalikuran at kinakalimutan ay pilit siyang binabalikan. Paano kung ang lalaking pilit niyang tinatakbuhan at tinatakasan ay pilit siyang sinusundan. Matatakasan pa kaya niya kung tadhana na ang gumagawa ng paraan ,para bumalik siya sa buhay na kanyang tinalikuran.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.