Si Gwen, anak mayaman, pero mas pinili niya ang maging simpleng tao. Pangarap niyang mamuhay nang normal. Pangarap din niya ang mag-alaga ng mga taong may sakit. Nag-iisang anak at tagapagmana, sa edad niya na (22) wala pa siyang karanasan sa pag-ibig. Mapag-mahal, magalang at mabait na anak. Lahat ng katangian ng isang babae na hinahanap ng lalaki nasa kanya na. Kahit may sarili silang kompanya, mas pinili pa niyang mag trabaho sa ibang kompanya. Pumasok siya sa isang kompanya bilang isang CAREGIVER. Sa tagal na niyang naninilbihan sa kompnaya, hindi pa niya naranasan ang mag stay-in sa loob ng bahay. Ngunit paano kung isang mayamang pamilya ang humingi ng kanyang serbisyo at kailangan siya ng dalawang taon o higit pa, makaka tanggi kaya ang dalaga? Ano kaya ang naghihintay sa kanya? kapag tinanggap niya ang dalawang taong kontrata. Si Francisco Luke Villiamor isang anak mayaman ulilang lubos, bulag at hindi makalakad. Marami nang kinuhang private nurse ang kanyang Tita Belen para alagaan siya, pero walang tumatagal sa kanya. Dahil masama ang kanyang ugali. Augusto Cortez, pinsan ni Luke. Dito nakikilala ni Augusto si Gwen dahil pinakilala siya ni Luke. Ngunit hindi inaasahan na ito pala ang naging mitsa ng pag-aaway nila dahil sa isang babae. Minahal ni Luke si Gwen kahit hindi niya ito nakikita, samantalang si Augusto lihim niyang minahal ang dalaga na walang nakaka-aalam. Sino kaya ang magwawagi sa puso ni Gwen? Ating subaybayan ang kuwentong pag-ibig ng tatlong taong nag-mamahalan pero pilit pinahihiwalay ng tandhana.
[Book 1Completed] Matapang,palaban at masipag.Siya si Aila Crissine Reyes. Lumaking mahirap at sanay sa trabaho pangarap niyang makapagtapos sa pag-aaral upang sa ganun ma-e ahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan. Masayahin at bibo si Aila,kung titinganan mo walang itong problema sa buhay. Mapagmahal na kapatid at magalang na anak. Para matupad ang pangarap nagsapalaran sa Manila.Naging pabor naman ang pagkakataon sa kanya dahil mabilis lang siya nakapasok sa isang sikat na Hotel. Dito napatunayan nang dalaga na mahirap pala ipagsabay ang pag-aaral at trabaho. Naging insperasyon nang dalaga ang kanyang pamilya. Bata pa lang siya hinahangaan na niya si Aarush.Guwapo,matalino at mayaman ang binata. Inilihim ng dalaga na may gusto ito kay Aarush,kahit masaktan siya hindi iyon mahalaga sa kanya. Masaya na siyang makikita ang binata na kasama ang ate nito. Lingid sa kaalaman ng dalaga walang gusto ang binata sa kanya. Hindi na magtataka si Aila kung bakit ganun sa binata. Dahil alam niyang mali mas pinili niyang manahimik na lang. Paano kung isang araw aamin si Aarush sa tunay na naramdaman niya kay Aila. Kaya bang mahalin ni Aarush si Aila gayong si Amaya ang tinitibok ng puso nito? Tutuparin ba ng binata ang pangako niya sa namayapang kapatid? Samahan natin ang kuwentong pag-ibig nina Aarush at Aila.
[Book 2 Completed] ❗SPG❗️ Matured content! Lumaki si Eliza sa probinsya, maganda,mabait,inosenti at mapagmahal na anak. Pangalawa si Eliza sa lahat ng magkakapatid. Manang kung tawagin ito sa kanilang bayan dahil sa taglay nitong kasoutan,maraming kalalakihan ang umayaw sa kanyang pananamit. Kung ang iba nagpapakita ng clevage at halos maghubad na sa kasiksihan. Ibahin ninyo si Eliza,dahil balot na balot ang katawan nito. Minsan pinagtatawanan siya ng kapwa babae,pero binaliwala lang niya iyon. Batid nito wala namang masama sa kanyang kasoutan kung kaya't hindi niya binigyan ng pansin ang mga tao sa paligid. Pero ang hindi nila alam sa likod ng mahabang kasuotan ng dalaga,mayroon itong tinatagong mala diyosang kagandahan. Paano kung isang araw may dumating na lalaki at mag tapat nang pag ibig sa dalaga. Tatangapin kaya ng dalaga ang alok ng isang estrangherong lalaki,na ngayon pa lamang niya ito nakita? Bilyonaryo,bata,tuso sa lahat ng bagay,lalo na sa babae. Si James ay isang sikat na Young Billionaire sa boung mundo. Maraming babae ang nangarap na makuha ang kanyang atensyon,pero hindi sila nag tagumpay. Normal na kay James ang bagay na ito kaya hindi siya magtataka kung palagi siyang laman ng balita. Sa pagbakasyon ni James hindi niya akalain na ma love at first sight ito sa isang dalagang probensyana. Kahit sa panaginip hindi pumasok sa isip ng binata na dito niya matatagpuan ang babaeng pinapangarap nito. Nalaman ni James na si Eliza ay kapatid pala ni Aila,kaya nag pursige itong mapalapit sa dalaga. Gusto niya itong maging kaibigan at maka usap para makilala ng lubos. Pero paano kung sa pag u-usap nila hindi lang pala kaibigan ang pakay ng binata? Mapapa-ibig ba ni James ang dalaga na kahit anino nito ay mahirap hagilapin? Paano ba ipagtapat ng binata sa dalaga ang nararamdaman nito,gayong iniiwasan ito ni Eliza. Handa ka bang sumugal sa pagmamahal na walang kasiguraduhan? Tawag ba nang laman ang kasagutan para sabihin mong mahal mo ang isang tao? Tunghayan natin ang kuwentong pag-ibig nina James at Eliza.
Paano kung malaman mo na isa ka palang ampon? Paano kung ang itinuring mong pamilya ay may inilihim tungkol sa buong pagkatao mo? Magagalit kaba dahil inilihim nila sa'yo kung sino ka? O magpapasalamat ka dahil binigyan ka nila nang magandang buhay? Bata pa lamang si Rayleen Sanchez ay namulat na sa marangyang buhay. May mapagmahal na pamilya, higit sa lahat mapagmahal na kuya. Mahal na mahal ni Rayleen si Donya Loida ang babaeng tinuring niyang Ina. Nang malaman ng dalaga na isa pala siyang ampon, hindi na ito nagdalawang isip. Tinanggap niya nang buong puso ang pagmamahal ni Kendrick. Minahal nila ang isa’t-isa, na higit pa sa buhay nila, ngunit ng umalis si Rayleen at sumama ito sa mga magulang niya tila sinakloban ng langit at lupa ang binata. Nasaktan ito ng sobrang, kaya naman gumawa ito ng paraan upang mabawi ang babaeng minamahal. Akala ni Rayleen noon habang buhay na siya magiging masaya. Ngunit isang araw, natagpuan siya ng kanyang tunay na pamilya. Nagpasya ang mga magulang ni Rayleen na babawiin ang kanilang anak sa pamilyang Dela Torre. Dahil matagal na nila itong hinahanap binawi ng mga magulang niya ang dalaga. At dahil sabik rin si Rayleen na makasama ang kanyang totoong pamilya kusang sumama ang dalaga. Dinala nila si Rayleen sa lugar kung saan sila nakatira. Nalungkot ang dalaga dahil mahihiwalay ito sa pamilyang kinagisnan. Hindi sukat akalain ni Rayleen na mangyayari sa buhay niya ang ganito. Walang araw o gabi itong nagdarasal na sana makita niya muli ang pamilyang bumuhay at bumuo sa pagkatao niya. Gusto ni Rayleen bumawi sa kabutihang ginawa ng pamilyang kumupkop sa kanya, ngunit paano ba niya gagawin 'yon kung pinaghihigpitan siya ng kanyang mga magulang. Si Kendrick ang klase ng lalaki na hindi makontento sa isang babae. Nang umalis si Rayleen, naging meserable ang buhay nito. Hindi niya kayang mawala ang dalaga. Kaliwa't kanan ang mga babaeng naikama niya. Naging manhid ang puso ng binata kaya hindi niya napapansin na marami na pala itong nasaktan. Dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Rayleen, nangako si Kendrick na hahanapin ang babaeng pinakamamahal. Magdudugtungan pa kaya ang naudlot nilang pag-ibig o maging alala na lang ito habang buhay.
Antonette Jolie Tan,isang sikat na model. Mataas ang pangarap sa buhay handa niyang talikuran ang sariling kaligayahan makuha niya lang ang inaasam. Lahat ng katangian na hinahanap ng isang lalaki ay nasa kanya na. Pero para sa kanya kulang parin ito,naikot na niya ang boong mundo. Dahil sa taglay na ganda at talino maraming lalaki ang humanga sa kanya. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi muna siya papasok sa relasyon. Kaliwat kanan din ang natatanggap niyang offer para sa pag momodelo. Sa paglipas na taon napag isipan ni Jolie ang umuwi ng Pilipinas. Para na rin mabisita ang mga magulang kaya nag pasya siyang mag bakasyon muna ng limang buwan. Sa kanyang pagbakasyon hindi niya sukat akalain na matatagpuan niya ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Nakilala niya si Luke,guwapo mayaman tinitingala ng lahat ng kababaihan. Kahit bago pa lang sila nagkakilala nagtiwala agad ang dalaga sa binata. Ang boong akala ng dalaga ay siya lang ang mahal nito. Ngunit paano kung malaman ni Jolie na si Luke ay may iba pa lang minahal bukod sa kanya. Kaya kayang magparaya ni Jolie alang- alang sa katahimikan ng lahat. Hindi na ba hihilom ang sugatang puso ng dalaga? Ngayon nalaman niyang buntis siya mas domoble ang sakit na naramdaman. Paano kaya niya matutupad ang pangarap ngayong wala na siyang masasandalan. Ano nga ba ang kayang gawin ng isang ina para sa anak? Kapakanan ba ng mga anak ang uunahin niya? O ang kanyang sariling kaligayahan. Si Francisco Luke Villiamor,isang batang Bilyonaryo. Nagbago ang pananaw sa buhay ng makilala niya si Jolie. Minahal niya ng lubos ang dalaga,binigay ang lahat sa kanya. Nang ibinalita ni Jolie na buntis siya hindi inaasahan ng binata ang sinabi ng dalaga. Ngunit ng sanabi ng dalaga na ipalaglag ang pinagbubuntis nito. Ang sayang naramdaman ay napalitan ng galit,poot at pagtatakwil. Sa lumipas na taon nakatatak sa isipan ni Luke na pinatay ni Jolie ang anak nila. Pero paano kong isang araw malalaman ni Luke na may anak si Jolie. Matutuklasan ba niya ang matagal na tinatago ng dalaga? O mananatiling lihim na lang habangbuhay.
Sabi nila masarap ang bawal,karamihan sa ating lahat nabaliw sa bawal na pag ibig. Pero,bakit nga ba maraming pumasok sa bawal? Kapag umibig ka hindi mo na kasi maisip ang mga taong nasa paligid mo. Ang mahalaga sayo,masaya ka sa ginagawa mo. Hindi mo napapansin na may tao kang nasasaktan. Ako si Levi Santiago,sa murang edad natuto na akong mag balat ng buto. Namulat ako sa hirap,isang kahig isang tuka, tinakasan ko ang mapait kong nakaraan. Nagpanggap na mayaman para makilala ko ang tunay kong Ama. Sa aking pag panggap nakilala ko si Vivian,si Vivian Lopez,ang naging susi para makilala ko ang aking Ama. Sa araw araw kong nakasama si Vivian,nahulog ang loob ko sa kanya. Akala ko siya na ang una't huling mamahalin ko. Pero nag bago ang lahat ng makilala ko ang kanyang anak na si Janilla. Si Janilla Lopez ay isang mabait na anak,lahat nasa kanya na. Sa edad niyang (22) years old,nakapagtapos na siya sa kanyang kursong Hotel Restaurant Management. Walang karanasan sa pag ibig,kaya tahimik ang buhay ni Janilla. Ngunit ng makilala niya si Levi Santiago,gumuho ang tahimik niyang mundo. Mapapatawad ba ni Janilla si Levi? Kapag nalaman niya ang secreto nila ng kanyang Ina? Tunghayan ang kuwento ng mag Ina na umibig sa i-isang lalaki.
Akala ni Kamila Lalaine makakatakas na ito sa bangungut ng kanyang nakaraan. Walang kaalam-alam ang dalaga na may taong nakasunod sa kanya para bantayan ang bawat kilos nito. Dito nakilala ni Kamila si Samuel Rodriquez,ang may ari ng paaralan kung saan siya nag-aaral ngayon. Naging magkaibigan ang dalawa hanggang sa nahulog ang loob nila sa isat-isa. Ngunit paano kung matuklasan ni Kamila ang tunay na pgkatao ni Samuel,mananatali pa kaya ang pagkakaibigan nila o lalayo ang dalaga para maitago rin ang kanyang secreto. Papayag kaya ang binata na lalayo si Kamila?Gayong natupad na nito ang plano niya sa dalaga. Makakatakas kaya siya sa kamay ng isang mafia?
Handa ka bang magpaka-martir para sa lalaking mahal mo? Gagawin mo ba ang lahat para maging karapat dapat ka sa pagmamahal na ‘yon? Ano ang kaya mong gawin sa pag-ibig na matagal mo nang inaasam? Namatay ang mommy ni Chenley sa car aksident ‘yon ang kuwento nang kanyang daddy Ramon. Nong nag-asawa ulit ang kanyang daddy ay doon na sila nanirahan sa kanyang pangalawang ina. Lingid sa kaalaman ng daddy ni Chen kapag wala ito ay minamaltrato siya ng kanyang stepmom at stepsister. Ating tunghayan ang buhay ni Chenley na kahit sinaktan nang paulit ulit ay patuloy parin lumalaban at naniniwala sa pag-ibig.
Sampung taon nang kasal sina Claudia at Victor ngunit wala pa rin silang anak nang kanyang asawa. Lahat sinubukan na nila pero wala parin nangyayari sobrang nalulungkot si Claudia dahil habang tumatagal nararamdaman niya ang pagbabago nang kanyang asawang si Victor. Isang araw nadiskobre ni Claudia na may ibang babae si Victor, halos gumuho ang kanyang mundo ng malaman niyang buntis na ang babaeng ipinalit ni Victor sa kanya. Makikipaghiwalay ka ba sa asawa mo na mas mahal mo kaysa sa sarili mo? Ilalaban mo ba siya hanggang sa huling hininga mo?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.