R-18 (SPG) (Spin-off of Touch Me, Knott and Ravishing Wife) Aso't pusa man at laging asar na asar sa isa't-isa. May pag-asa bang mapalitan ang pagiging enemies patungong lovers? Donacelyn Gutierrez, ang babaeng medyo astig kung pumorma pero may pagkapusong mamon lalo na sa mga mahal niya sa buhay. Hanggang sa mapunta sila ng kanyang ina sa bahay ng pamilya Rocero dahil nagkaroon ng lamat ang relasyon ng kanyang mga magulang dahil sa bisyo ng kanyang ama na pagiging sabungero. Magiging mortal niyang kaaway ang anak ng kanyang Ninang Orange na walang iba kundi si Tangerine Rocero, ang lalaking palikero at lagi siyang ginagawan ng mga kabalbalan na lalong ikakagalit niya. Ngunit may mangyayaring talagang magpapabago sa kanilang dalawa at 'yon ay ang pagdating ni Baby Nemesis. Sundan natin ang istorya ng dalawang mortal na magkalaban na uuganayin ng isang sanggol na magiging susi ng pagiging malapit nila sa isa’t-isa.
(SPG) Quiniella Valentin, ang babaeng namuhay sa isang masalimuot na pamumuhay mula sa kamay ng mga umampon sa kanya. Tatakas siya at aalukin ni Madam Natasha na pakasalan ang apo nitong si Mido Aldemejo, isang bulag at may 'di magandang karanasan sa buhay pag-ibig. Magagawa niya bang magsinungaling kung unti-unting nahuhulog ang kanyang loob dito?
Dalawang kwento ng mga dalaga na may iba't-ibang pagsubok na kinakaharap sa pamilya. Mga lihim ay unti-unting mabubunyag. 2-in-1 Book (SPG) Cursed By Her #1: Lost Goddess Lishanara Costa, ang babaeng gagawin lahat para sa pamilya. Kahit nagkandaletse-letse na ang kanilang buhay ay pilit siyang ibabangon ang mga ito. Sheldon Corea, ang kanyang pag-ibig noon na 'di pinaglaban ang pag-iibigan nila. Paano kung malalaman nilang nililinlang lamang sila ng kapalaran? Magkakaroon pa ng isang pagkakataon na maitama ito? Cursed By Her Series#2: Hidden Amber Kyrile Amber Venito, ang prinsesang nakakubli sa lahat ng bagay. Ayaw niyang ipangalandakan sa lahat ang pagkatao dahil hindi niya nais sa mga manggagamit mapunta. Mas nanaisin niyang mamuhay sa isang simpleng buhay hanggang sa makilala niya si Iero Lagdameo ang kanyang kapitbahay na lagi siyang binubwisit pero misteryoso. Makakawala pa ba siya sa pagkakakubli kung matutuklasan niya ang lihim sa kanyang pagkatao?
R-18 (SPG) "Argh! Kainis, nasa huli talaga ang pagsisisi. Hindi ko na naisip sina Mama at Xyrus. Inuuna ko ang libog kaysa sa kanila." - Xyreb Vaniez Anong pipiliin mo, ang babaeng nagmamahal sayo ng tunay o ang babaeng nagbibigay ligaya at init sa kama? Kaya bang matumbasan ng tawag ng laman kaysa sa tunay na pag-ibig. Tunghayan natin si Xyreb Vaniez, ang nerd na nangunguna sa eskwelahan pero walang kamuwang-muwang pagdating sa babae. Mapili niya kaya ang nararapat na babae para sa kanya o hindi?
"Matatanggap mo pa kaya ang kaniyang nakaraan kung isa siyang mamamatay tao?" Pavian Guillermo is a ruthless socialite killer. Maraming dumanak na dugo mula sa kaniyang mga kamay. Nag-iba siya simula nang mamatay ang nag-iisang nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal na si Pablo Guillermo. Pagkatapos ng insidenteng ‘yon ay naging palaboy siya hanggang sa makuha siya ng isang sindikato. Si Onyx ang nagpakita sa kaniya na dapat hindi siya maging mahina at kailangan niyang lumaban para mabuhay. Nagkaroon ng alyansa sa samahan at binalak silang patayin ni Onyx ngunit naging maagap siya at iniligtas niya ito mula sa kapahamakan. Simula noon ay nagkaroon ng tiwala sa kaniya ito at ipinasa siya sa solidong samahan ng mga mamamatay tao matapos nilang tapusin ang buhay ng mga traydor at ibigay sa kalinga ang mga inosenteng bata sa isang ampunan. Naging mas dalubhasa na siya sa pagpatay at siyempre hindi niya kinalimutang hindi balikan ang pulis na pumatay sa kaniyang Tatay Pablo. Tinagurian siyang best among the killers sa Drako kung kaya’t maraming naiinggit sa kaniyang galing lalong-lalo na si Mierpey Eldimeio. Wala naman siyang magagawa kung patay na patay din sa kaniya si Chantal Ledesma, ang anak ng may-ari ng Drako na lalong ikinagagalit nito. Nang magkaroon ng bagong assignment sa Drako at ang papatayin nila ay si Luciana Lashorte para magkaroon siya ng immunity na maging malaya. Ngunit may hindi inaasahang pangyayari na magpapabago sa kaniyang buhay. Nang naaksidente siya'y matatagpuan siya ng isang albularya na nagngangalang Sharon Cordova kasama ang lola nito at nakalimutan na rin niya kung sino siya kaya't mabubuhay siya sa pangalang Pancho. Itutuloy niya ba ang kaniyang buhay bilang isang killier oras na bumalik ang alala niya o mamumuhay na lang siya nang tahimik kasama ang babaeng nagmamahal sa kaniya?
R-18 (SPG) Gezielda Suarez, ang chubby lady boss na nanaisin na magpabuntis dahil sa kahilingan ng kanyang ina at abuela. Makakarating siya sa isang bahay-aliwan kung saan nagtatrabaho si Sixto Asuncion, isang macho dancer ng mga matrona at uhaw sa ligaya. Matutulungan kaya ng isang macho dancer ang isang lady boss si para masakatuparan ang plano nitong magbuntis o pati ang malayelo puso ni Gezielda ay matunaw ni Sixto?
Trigger Warning (SPG) Sa Hunkros University, mga mayayamang anak na lalaki lamang ang nakakapasok. Ang pamunuan nama'y nababahala dahil karamihan sa mga estudyante ay nababalita na nagiging bakla at imbes ipagpatuloy ang kanilang lahi ay nahihinto na. Mula sa pamunuan ay naghanda sila ng pagsisiyasat at magpapasok ng isang babaeng magpapanggap na maging lalaki. Para na din maputol ang haka-haka at chismis kung totoo ba ito o hindi. Si Weena Villareal ang nakatalagang espiya. Magagampanan kaya ang inatas sa kanya o maging marupok sa nag-gagwapuhang mga lalaki?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.