Warning: This story contains explicit scenes and strong languages! Please read at your own risk! Buo na ang desisyon ni Rowella na mangibang bansa. Handa na ang passport at ang mga papeles niya. Binubuo niya na lamang ang halaga ng placement fee na hinihingi ng agency na in-apply-an niya. Ngunit naunsiyame ang kanyang plano nang isang gabing dumalo siya sa isang party. Naparami ang kanyang inom, nawala sa sariling huwisyo at paggising niya kinaumagahan ay nasa loob na siya ng isang estrangherong silid, ng hubo't hubad habang yakap ng matipunong bisig ng isang lalaki. Si Chino, ang nakatira sa kabilang unit ng apartment na inuupahan niya. Para kay Rowella ang nangyari sa kanila ng binata ay isa lamang pangkaraniwan na one night stand pero hindi para kay Chino. Kinagabihan ay kumatok ito sa kanyang unit. Walang paligoy ligoy na inalok siya ng kasal. Handa raw itong panagutan ang nangyari sa kanila kung sakaling magbunga iyon. Hindi alam ng dalaga kung anong mayroon kay Chino at namalayan niya na lamang ang sarili na naging sunod-sunuran sa lahat ng sabihin nito sa kanya. Nagawa pa nitong isama siya sa hometown nito sa Iloilo. May mabubuo kayang pagmamahalan sa dalawang tao na nagsimula lamang sa isang one night stand?
Lubos na dinamdam ni Lindy ang ginawang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang ex-boyfriend na si William na nakarelasyon niya ng almost two years. Kaya mula sa Los Angeles kung saan sila nagmigrate ng kanyang pamilya seven years ago ay nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang magbakasyon. Upang tuluyang paghilumin ang nasaktang puso. Tumira siya sa bahay ng kanyang ate Mariz at ng asawa nitong si Floyd. Doon ay nagkita silang muli ng dati niyang crush noong college na si Cliff, ang nag-iisang kapatid ng bayaw niya. Nalaman nito na naghahanap siya ng beach resort na tahimik at maganda para pagbakasyunan. Inalok nito ang rest house nito sa Romblon. Pumayag siya. Nagkataon namang may nanggugulo ritong babae at gusto nitong pagtaguan kung kaya't sumama ito sa kanya. Habang ineenjoy ang pagbabakasyon na kasama si Cliff sa Romblon ay may mga bagay na narealise si Lindy. Una ay narealise niyang hindi naman talaga niya lubusang minahal ang kanyang ex-boyfriend. Nasaktan lamang ang ego niya bilang isang babae dahil nireject siya nito. Pangalawa ay hindi pala ganoon lamang kasimple ang crush na nararamdaman niya para kay Cliff. Mas lalo iyong lumalim at namalayan niya na lamang ang sarili isang araw na tuluyan nang nahulog rito. Pangatlo ay hindi niya pala pwedeng mahalin ang binata dahil nakasara ang puso nito. Hindi ito katulad sa isang prince charming na nababasa sa fairytale book na kayang ibigay ang happy ending na inaasam ng bawat babae. Susuko na lamang ba siya o ipaglaban ang nararamdaman para rito?
Inimagine ni Leylah sa isipan ang childhood ni Val sa loob ng mansiyon kung kailan nangungilila ito sa pagmamahal at pag-aaruga ng ina habang si Leandro ay abala sa mga negosyo nito. Parang hinaplos ang kanyang puso sa awa. Marahil ay naging napakalungkot nito noong mga panahong iyon. "What are you doing?" Isang galit na tinig ang tila pumukaw mula sa paglalakbay ng isip ni Leylah. Nilingon niya ito. Nagulat siya nang makita si Val na nakatayo sa nakabukas na pintuan. Bumukas iyon ng hindi man lang niya namamalayan. Marahil ay dahil busy siya sa pagtingin sa litrato. Hindi niya agad nagawang sumagot. Nanatiling natingin lamang siya sa guwapong mukha ng binata. Lumapit ito sa kanya at tila batang inagaw sa magkabigla niyang kamay ang picture frame pati na ang laruang kotse. "Sinong may sabi sa'yo na malaya kang pumasok sa loob ng kuwarto ko at pakialaman ang mga gamit ko?" "Ah, kuwan kasi... Uhm... Pumasok ako kasi nag–" "May balak ka bang kunin rito? Bakit, hindi pa ba sapat na libre ang pagtira mo rito at nagbubuhay prinsesa kayo ng kapatid mo?"
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.