BOOK 1 Naging komplikado ang lahat sa buhay ni Margaux Cuevas nang muntikan na silang magkasira ng kaniyang best friend dahil sa pag-amin nito ng lihim nitong pagtingin para sa kaniya. Nasaktan siya nang dahil dito. Dumagdag pa ang paghihiwalay nila ng lalaking mahal niya dahil sa kapangahasan nitong sapilitan siyang angkinin. Naging sumbungan ni Margaux ang kaniyang chatmate na isang Mechanical Engineer at professor sa New York na si Sagittarius Dela Victoria. Hanggang sa niligawan siya nito at umuwi ito ng Pilipinas upang makipagkita sa kaniya. Magagawa kaya ni Sagittarius na paghilumin ang sugat sa puso ni Margaux, o magiging rason ito ng mas matinding pagdurusa ng dalaga? ********** BOOK 2 Sa kagustuhang maging kaniya nang tuluyan si Margaux ay inalok ito ni Sagittarius ng kasal na walang pag-aalinlangan nitong tinanggap. Naging maayos at masaya ang pagsasama nilang dalawa sa loob ng tatlong linggo lalo na nang ibinigay ng Papa ni Margaux ang basbas nito. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nagising na lang si Margaux isang umaga na wala na si Sagittarius sa kaniyang tabi at tanging maikling sulat lang ang iniwan nito. Madudugtungan pa kaya ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng halos siyam na libong milya sa pagitan nilang dalawa, o tuluyan na lang nilang kalilimutan ang isa't isa? ********** BOOK 3 Iniwan ni Margaux si Sagittarius sa New York nang madatnan niya itong may kasamang ibang babae sa mismong kama nila. Sa kaniyang pag-alis ay baon niya ang walang kapantay na pighati dahil sa nabigo niyang pag-ibig at nasirang mga pangarap na binuo nila ng lalaking labis niyang minamahal. Paglipas ng apat na taon ay muli silang pinagtagpo ng tadhana. Nabuhay ang pag-asa sa puso ni Margaux na madudugtungan ang pagmamahalan nila ni Sagittarius. Ngunit ibang-iba na ito sa lalaking minahal niya noon at patuloy na minamahal hanggang ngayon, kaya ginawa niya ang lahat upang muli siyang mahalin nito. Magagawa kaya ni Margaux na muling mapaibig si Sagittarius at bigyan ng happy ending ang kanilang love story, o susukuan niya ito sa ikalawang pagkakataon at tuluyang iiwan at kalilimutan?
Ang pangalang MARRIE TONI YBARZABAL CUIZON ay matunog at kinatatakutan sa larangan ng negosyo. She is a r-uthless woman who would stop at nothing to achieve and to get what she wants. Ang kaniyang motto "What Toni wants, Toni gets". Maraming negosyante ang may itinatagong galit sa kaniya dahil parati niyang natatalo ang mga ito sa ano mang bagay. Idagdag pang naturingan siyang play girl. Ginagamit daw niya ang kaniyang ganda at alindog upang matalo ang kaniyang mga kalaban sa negosyo at kapag nakuha na niya ang kaniyang gusto ay itinatapon niya ang mga ito na parang mga basura. Until one day, she became obsessed with a man named Alaric Torres Almirante. He is not just any man. Si Alaric ang pinakasikat na p0rn star hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na sa ibang bansa. Gagawin ni Toni ang lahat makuha lamang niya si Alaric. Magtatagumpay kaya siya ngayong puso na niya ang nakataya?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.