Magbibihis pa sana si Mutya ng marinig ang bahagyang pag galaw ni Drake. Nagmamadali nyang dinampot ang tuwalya at itinapis ito sa hubad nyang katawan. Ang nais nya ay makaalis na agad sa kwarto ng amo habang tulog pa ito upang hindi sya nito makita. Mahimbing pa rin ang tulog ni Drake marahil ay epekto ng pampatulog na inihalo sa inumin nito. Isa-isa nyang pinulot ang kanyang mga damit at panloob. Isusuot na lang nya ito mamaya sa pinakamalapit na banyong madadaanan. Nasa resort sila ngayon at kabi-kabila ang palikuran. Ang mahalaga ay makaalis sya habang tulog pa ang amo. Dahan dahan nyang pinihit ang seradura ng pinto upang hindi sya makagawa ng ingay. Laking gulat na lamang nya dahil hindi pa man nya tuluyang nabubuksan ang pintuan ay may tumulak na nito mula sa labas kasunod ang maraming kislap at tunog ng camera. Napakaraming reporters sa labas ng pintuan na kinatatayuan nya. “Miss ikaw ba ang bagong girlfriend ni Drake Rufino?” “Nasa loob ba sya?” “Gano na kayo katagal?” Sunod sunod na katanungan ng mga reporters. Sa takot ay napaurong sya. Hindi nya alam ang gagawin. Napatigil ang dalaga sa pag-urong nang bumangga sya sa matitipunong dibdib mula sa lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Gising na si Drake. “What’s going on here?” halata sa mukha na bagong gising pa ito. Nakapulupot sa hubo’t hubad nitong katawan ang puting kumot.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.