Hinintay kita Ng matagal, naka ilang kape Ako, Pero Hindi ka dumating. Kape Ang naging Sandalan ko noong panahon na nangako ka na babalik ka. Akala ko ba matapang ka. Pero kape Ang naging armas ko noong manghina ka sa relasyon natin. Close na nga kami nang Mga crew sa paborito nating Cafe. Hinahanap ka nila, pero Wala Akong maibigay na sagot. Dahil kahit Ako MISMO, hindi ko alam kung babalikan mo pa ba Ako. Nangako ka noong Unang Gabi Habang hawak mo kamay ko na Hindi mo Ako iiwanan. Hinalikan mo Ang noo ko bago Tuluyang lumabas Ng Simbahan. Days,weeks, months,years Ang lumipas Simula noong iwan mo Ako, Bumalik Ako sa Tagpuan Baka Doon kita mahanap muli pero nakakalungkot, Hindi mo man lang sinabi sakin kung ano Ang karugtong Ng Hindi mo Ako iiwan. napag tanto ko na Ang karugtong nito ay HINDI KITA IIWANAN NA MAY HALAGA. Lahat ibinigay ko. Dahil sa homily ni father Ang Sabi ay IBIGAY MO ANG LAHAT PARA SA MINAMAHAL MO. HALA SIGE UBUSIN MO KASI KAHIT NA MAUBOS ANG IYONG SARILI, MAPUPUNO AT MAPUPUNO KA PA RIN. At nag Sabi si father na KUNG TAMA AT KUNG ITO NA ANG THE ONE . PERO MALI ANG PAG UBOS SA SARILI KUNG MALI PALA AT KUNG HINDI ITO ANG THE ONE. Ibinigay ko Ang lahat Akala ko Kase the one na. Napuno Ako Ng "what if's" ,"Regrets" and naubos Yung worth ko. Akala ko magulo na Yung utak ko, pero may mas gugulo pa pala dahil sa mga kamoteng driver, at dambuhalang bus na Maka busina animo'y Halimaw. Pero sa totoo lang, itong Lugar rin Pala Ang magiging Aliwan sa Magulo Kong Mundo. Dahil noong mawala Ang lahat Nakahanap Ako ng Pansamantagal na Sandalan. Ingay at g**o Ng Mga kabataan sa Urbn QC Tomas Morato. Tambayan Ng Mga nasa middle class Ang pamumuhay Ang Akala Kong g**o ay Hindi ko alam, magiging kasiyahan ko rin Pala. Akala ko may mas lulungkot pa sa Mundo ko. Pero noong Makita ko Yung Batang Edad nasa sampo Hawak Ang tagatak habang Ang kapatid na mas Bata pa sa kanya ay naka hawak sa laylayan Ng kanyang damit na may hawak naman na sampaguita sa kaliwang Kamay at sa kanang kamay ay Bisquit. Patakbo silang lumapit sa sasakyan ko habang naka ngiti, binaba ko Ang salamin at iniabot sa kanila Ang Chicken joy na sana'y pasalubong ko sa aking alaga. Bigla Akong nahiya sa sarili ko. Wala Pala Akong room para mag emote at mag reklamo sa Buhay. Hindi ko makuhang ngumiti sa bigat Ng nararamdaman ko. Pagod sa trabaho, bossy na workmate, na akala mo pamamanahan Ng yaman sa kumpanya. Dagdag mo pa Ang buhol buhol na sasakyan Maya maya ay nag green na Ang Stop light pero ilang Segundo palang ay nag pula uli. Bumusina Ako Ng madiin sa sobrang inis, Pero Ang inis ay napalitan Ng ngiti. Noong Makita ko Ang mag tatahong si Mang Paeng sa harap Ng condo na tinutuluyan ko. Payapang Nag pa pahinga habang nag hihintay na may Bumili sa kanyang inilalako. Nag park Ako at nag lakad tungo kung saan MISMO naka istambay si Mang paeng. Nakangiti sya habang papalapit Ako, agad Akong sinalukan Ng s**o at maraming Arnibal pag kaabot ay nag bayad Ako Ng 50 pesos ngunit agad Niya itong tinanggihan. Nagpasalamat Ako at Ngumiti Ng bahagya at nag paalam na rin. I remember when he said these exact words. -anak, mas matamis Ang Arnibal kapag naka smile, at kasing pait ito Ng kape kapag nakasimangot. Sigaw Niya Habang papalayo Ako. itinaas ko Ang libreng Taho ni Mang paeng bilang pang sangayon sa sinabi Niya at Naka ngiti Ng malapad.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.