"Sometimes love is just around us. But it's also goes away when we try to find It." Mahirap maging guwapo at maganda. Bawat galaw mo tinitignan at inaalam nila. Pati na sa real status ng buhay mo. Magkamali ka lang ng galaw, pakikitungo at masasabi, hindi ka na makakatakas sa kanilang mga mata. Gayon pa man, kahit anong mangyari, 'wag na 'wag kang mangungulangot sa loob ng eskwelahan o sa harap ng maraming tao. Mahirap maging matalino. Bakit? Dahil kailangan talaga alam mo lahat. Lahat itatanong nila sayo. Lahat gusto mong alamin. Mismong evolution ng langgam gusto mong alamin at madiscover. Mahirap din naman maging sikat. Lahat sila inaalam ang gagawin mo. Lahat sinusundan ka. Stalker mo doon, stalker mo dito hanggang sa 'di ka nila tatantanan. Kahit sa gabi pi-picturan ka, kahit na blur pa ang pagkakakuha ng mukha mo sa picture. I-se-save pa rin nila 'yan. As long as may katibayan sila na maipapakita. Wala ka ng privacy pang maitatago dahil lahat inaalam na nila. Mismong brief, panty o backshirt na sinusuot mo, gusto din nilang alamin. At syempre, mas mahirap naman din maging mayaman. Lahat nakadikit sayo. Malayo ka pa lang, alam mong didikitan ka na nila. Amoy na amoy muna lahat ang gustong umuungot sayo. Makita ka lang nila sa mamahaling pabilihan, lahat magpapalibre. Hangga't may tres ka pang maitim sa bulsa mo, hindi ka nila tatantanan. TBC...
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.