bc

WRITE to be LOVE

book_age18+
46
FOLLOW
1K
READ
drama
twisted
sweet
bxg
mystery
ambitious
multi-character
another world
secrets
soul-swap
like
intro-logo
Blurb

Isang manunulat si Shine na gustong matupad ang mga pangarap na balang araw ay magiging isa siyang tanyag na novel writer at kikilalanin ng lahat.

Ngunit, paano kung ang nilikha niya sa kanyang isipan na istorya ay magka totoo?

Anong gagawin niya?

Mangangarap pa rin kaya siya o pipiliin na makulong sa mundong ginawa niya kasama ang taong minamahal niya?

chap-preview
Free preview
Introduction
Ito ay kathang isip lamang. Ang pangalan, karakter, lugar at pangyayari ay hango lamang sa imahinasyon ng manunulat. All right reserved. AUTHOR's NOTE: ' bigla ko lang naisip na magsulat ng isang historical fiction. Gusto kong subukan at ipakita na kaya ko rin makapag sulat kagaya ng ibang sikat na author at magkaroon ng maraming readers. Sana suportahan niyo ang bagong story na gagawin ko. Araw araw akong mag a-update.' 감사합니다. PROLOGUE "hulihin at hanapin niyo ang babaeng yun! Hindi siya pwedeng makalabas ng palasyo o makalayo man lang sa bayan ng Gyeonggi!" utos ni Pinunong Joo Hyun-Ri sa mga kawal ng palasyo. "mususunod! Pinuno!" sabay sabay na umalis ang mga kawal para hanapin ang babaeng mensahera. Pinuntahan niya sa silid ang hari. "nagawa mo na ba?" tanong ng hari pagkapasok niya ng silid. "opo kamahalan." "hindi siya maaring makalabas ng palasyo lalo na kung mayroon siyang dinadalang sangol." sabi ng Mahal na Hari. Kabanata 1 "nagsusulat ka pa rin hanggang ngayon?" nilingon ko si Sunny. "oo. Ipapasa ko pa kasi 'to sa editor." lumapit sakin si Sunny at binuklat ang mga manuscript na nasa tabi ko. Siya si Sunny. Kapatid ko siya simula nung highschool. Pareho kaming writer. Yun nga lang, siya isa ng sikat na Author sa isang sikat na publishing company ang Royal Publishing. "ang dami mong manuscript ah? napabasa mo na ba 'to sa editor?" tanong niya sakin. "hindi pa. Wala pa kasing nag rereply sa mga na email kong editor." dismayadong sabi ko. "haist! ano ba naman sila? Bakit ba ayaw nilang basahin ang mga story mo? Magaganda naman ang mga story mo. Ano bang hinahanap nila? Kaasar!" "ano ka ba? okay lang yun sakin. Magsusulat ako ng magsusulat at magpapasa ako ng magpapasa sa kanila para mapili na nila ang story ko." nakangiti kong sabi. "hayaan mo, kapag nangailangan ng writer sa Royal Publishing irerekomenda kaagad kita sa editor namin." nakangiting sabi ni Sunny sakin. "talaga?" excited ako dahil matagal ko ng pangarap yun. "oo naman!" Ako si Shine isang sikat este gustong maging isang sikat na Author. Matagal ko ng pangarap na mapabilang sa mga sikat na manunulat. Kaso, hindi naman ako nakukuha. Nakaharap ako ngayon sa laptop ko at nag susulat ng bagong story na ipapasa ko sa mga editor at sana magustuhan ito ng editor. Nakatira ako sa isang condominium na naipundar ko nung nagtrabaho ako abroad at kasama ko si Sunny dito. Wala na ang parents ko, highschool pa lang ako ng mamamatay sila ng dahil sa isang aksidente. Kinupkop ako ng mga magulang ni Sunny nung highschool hanggang college. Nung nakahanap ako ng trabaho nagpaalam na ako sa kanila at nagbukod. Pero, sa kasamaang palad namatay din ang mga magulang ni Sunny kaya nung umuwi ako ng Pilipinas pinuntahan ko kaagad si Sunny para sumama sakin na tumira sa condo. Pinauupahan niya ngayon ang bahay nila. *pop!* Binuksan ko ang email. Good day Ms. Shine, I read "Give me a Reason" the story you sent to us. I would like to meet you personally to discuss. Editor Tuwang-tuwa ako sa nabasa ko. May pumili na ng story ko! Yes! "oh my god!" sigaw ko kaya napalapit bigla sa akin si Sunny. "anong nangyari?!" nag aalalang tanong ni Sunny sakin. "Sunny, may nag email na sakin na editor! Gusto nila akong makita!" tuwang-tuwa na sabi ko. "sabi ko naman sayo may kukuha rin sayo! Hindi nasayang ang effort mo sa pagsusulat magdamag." "oo nga." sobrang saya ko talaga dahil sa wakas napili na rin ang story ko. Kinabukasan masaya akong bumangon sa kama at naghanda sa pagkikita namin ng editor. Maaga akong dumating sa napag usapan naming meeting place. Umorder muna ako ng kape habang naghihintay. Alas nueve ang ibinigay na oras ng editor na pagkikita namin at kalahating oras na akong naghihintay dito pero, wala pa rin ang editor na imi-meet ko. "bakit kaya wala pa siya? Ah! I think na traffic lang siya. Malapit na siguro yun. Maghintay pa ako ng konting oras." kinuha ko ang phone ko. Nag chat pala si Sunny sakin. My Sis: kamusta ang meeting niyo? Reply: hindi pa siya dumarating ? My Sis: baka na traffic lang. Reply: ayun din ang nasa isip ko. Sige mamaya na lang tayo mag usap pag nakauwi na ko. My Sis: okay! fighting! Tinignan ko ang oras sa relo ko. Alas nueve kwarenta'y cinco na wala pa rin siya. Humigop ako ng kape. "Excuse me? Are you Ms. Shine?"tanong sakin ng lumapit na babae. Inilapag ko ang tasa ng kape sa mesa. "yes. Ako nga po. You must be the editor?" "ah, hindi ako ang editor. Pinapunta lang ako dito ng chief editor namin." nakangiting sabi niya. "ah, okay. Maupo ka muna." inorder ko siya ng kape. Sa tingin ko mas bata siya sakin ng tatlong taon. Twenty Eight years old na ko pero tambay pa rin ako hanggang ngayon. "Im Loi. Editor's secretary. Ako ang pinapunta niya dahil nasa meeting siya with others writer." tumango lang ako sa sinabi niya. "about to the story you sent to us, im sorry to say this pero, meron na kaming nakuhang ibang writer." para yung isang bimba na sumabog sa mukha ko. "what?! so, pinapunta niyo ako dito para lang sabihin yan?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Napakasaya ko dahil akala ko magiging writer na ako pero, umasa lang pala ako. "im sorry Ms. Shine." tumayo na siya. "i have to go and thank you for the coffee." Para akong binagsakan ng langit at lupa sa naging resulta ng meeting. Umalis na ako at naglakad na parang ako lang ang tao sa paligid. Hindi ba talaga nila magustuhan ang mga isinusulat ko? Ano bang kulang sa mga istoryang isinulat ko? Lahat naman ng best ko ibinibigay ko sa bawat istoryang isinusulat ko. "ano ba kasing nahanap niyo sa iba na wala sakin?!" wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ako umuwi kaagad sa condo. Nagpalipas oras na lang muna ako sa Mall at pagsapit ng gabi dumiretso ako sa isang bar malapit sa condo. Ayoko pang umuwi dahil maiisip ko lang na nireject na naman ng editor ang story ko. Iiinom ko na lang 'to.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook