bc

My One And Only Elyen Girl

book_age0+
1.7K
FOLLOW
9.7K
READ
friends to lovers
arranged marriage
playboy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Khaki was forced to go on a blind date with a woman named Luka. She's pretty, fine. But she's a total weirdo for saying she'd rather marry Ichigo Kurusaki than me! What the hell... who is Ichigo Kurusaki anyway?!

chap-preview
Free preview
Chapter One
KHAKI tapped his fingers impatiently on the table. He had been waiting in that fancy restaurant for thirty minutes. Malapit na rin siyang malunod sa complimentary drinks na maya’t maya ay inio-offer ng waiter sa kanya. After two minutes, he swore he was going to leave. Tumingin siya sa wristwatch niya. “One, two, thirty, sixty… two minutes. Time’s up!” Tumayo siya at naglakad na palayo. Pero mayamaya lang ay bumalik din siya sa kanyang upuan. Kahit inip na inip na siya, hindi niya kayang umalis lalo na’t alam niyang posibleng dumating anumang sandali ang babaeng ka-“blind date” niya. He couldn’t let a woman wait for him. Because I’m a gentleman. Damn. Ang hirap talagang maging gentleman, rather, mahirap maging utu-uto. Sumimangot siya nang maalala kung paano siya na-set up ng kanyang magaling na tiyahin para makipag-date sa isang babaeng hindi niya kilala… “Khaki, hijo, how are you?” “I’m good, Tita. Ikaw?” balik-tanong niya sa kanyang Tita Marga. Hindi niya iniaalis ang tingin sa kaharap na laptop dahil abala siya sa paglalaro ng online game. Mayamaya ay nag-quit na siya sa laro para makapag-usap sila nang maayos. It was a fine Saturday afternoon. Nag-half-day siya sa opisina dahil wala siyang gaanong trabaho. Weekend kaya alam niyang pupunta roon ang tiyahin para bumisita at ipagluto siya ng hapunan. Umupo ito sa gilid ng kanyang kama kung saan siya kasalukuyang nakadapa. Sumilip ito sa kanyang laptop. Sumimangot ito nang makita ang wallpaper niya na picture ng girlfriend niyang si Monica. She scoffed. “Isn’t your jealous freak of a girlfriend coming over tonight?” Natawa siya sa sinabi nito. His aunt was still a beauty even in her late forties. Hindi rin halata ang edad nito. Pinagselosan ito ni Monica nang maabutan nito ang tita niya sa kanyang bahay. Malambing kasi siya sa tiyahin niya. Before he knew it, the two women were already at each other’s throat. It was one hell of a catfight. “We just broke up, Tita,” imporma niya rito. “Good. Kapag nakita ko pa ang babaeng iyon dito sa bahay mo, I swear, kakalbuhin ko na talaga siya.” Marahang pinisil-pisil nito ang magkabilang pisngi. “Gosh. Kailangan ko na talaga yatang magpa-Botox uli.” Umupo siya at inakbayan ito. “Tita, maganda ka pa rin kahit hindi mo na ipabatak 'yang mukha mo.” She chuckled. “I know, right?” Tumayo ito at binuksan ang kanyang closet. “Nasaan 'yong binili kong dinner suit para sa iyo no’ng nakaraang linggo?” Ngumiti siya. “Why, Tita? Do we have a date tonight?” Hindi nito sinagot ang tanong niya. “Ah, there you are,” anito nang makita ang hinahanap. Maingat na ipinatong nito sa kanyang kama ang itim na suit. “You have a date tonight, hijo.” Kumunot ang noo niya. “What do you mean, Tita?” Humalukipkip ito at bumuntong-hininga. “My friend is worried about her daughter. Itinataboy raw ng anak niya ang lahat ng lalaking nagtatangkang manligaw o magpakilala man lang sa anak niya. She’s also worried that her daughter seems to be more interested in two-D men.” “Two-D men?” He chuckled. “You mean 'yong mga lalaking nakikita sa mga anime? Wow. This is the first time I’ve heard of someone like her. She’s definitely a weirdo.” “Don’t say that, hijo. Anyway, I offered to help my friend Laureen so...” Her voice trailed off as she turned to him with expectant eyes. Parang nahuhulaan na niya ang tumatakbo sa isip nito. He groaned. “Oh, no. Tita, don’t tell me you want me, your precious nephew, to go out with a weirdo?” “Khaki, naisip ko lang kasi na kung makakatagpo siya ng isang lalaking tulad mo na guwapo, matangkad, macho, mayaman, mabait, at maginoo, baka sakaling magbago ang opinyon niya sa mga lalaki sa totoong mundo.” He chuckled. “I know how great I am, Tita. But I’m sorry. That girl needs to consult a psychologist, not to go out on a date.” “Khaki,” saway nito sa kanya. He shrugged. Bumuntong-hininga ito. “Oh, well. I guess I expected too much from you. It’s okay, hijo. Siguro nga kahit ikaw na known playboy, sought-after bachelor, at self-proclaimed sexiest man alive ay hindi kayang higitan ang mga two-D men.” Natigilan siya. His ego was downright bruised. Hindi niya matatanggap na nakalalamang sa kanya ang mga anime character. Damn it, he was the hottest bachelor in the country! Sinong matinong babae ang ipagpapalit siya sa mga lalaking nakaguhit lang sa papel? Wala! “Tita, after this night, I swear, that girl will end up being smitten with me.” Her aunt smiled triumphantly. “That’s my nephew. Be sure to capture Luka’s heart tonight.” Thinking about it now, the name sounded familiar. Hinimas niya ang baba habang nag-iisip. Mayamaya ay napapitik siya sa hangin. Alam na niya kung sino ang Laureen na kaibigan ng tiyahin niya. Kapitbahay ito ng Tita Marga niya sa village na tinitirhan nito. Sa bahay nito siya nakatira bago siya pumunta sa US para ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa high school at college. Si Luka ang eleven year old girl na kalaro niya noon. Thirteen years old naman siya no’n. She was the only friend he had back then. She was the cute girl with a bright smile he used to have a crush on. Kumunot ang noo niya. Mukha naman itong normal noon. Ano kaya ang nangyari dito sa loob ng labinlimang taon na hindi sila nagkita? Hindi kaya naging brokenhearted ito kaya weirdo na ito ngayon? “That weirdo sure is taking her time,” naiinis na bulong niya sa sarili habang inaalog-alog ang lamang alak sa hawak-hawak niyang baso. Mayamaya ay napansin niya na nagbulungan ang mga kumakain sa restaurant habang sumusulyap sa gawi ng entrance. He grew curious so he turned to check what the cause of the ruckus was. He saw a woman in a black knee-length flowing dress and knee-length black boots holding a strange-looking stuffed toy. She was walking towards him. Nanlaki ang mga mata niya sa naisip. There was no f*****g way she was Luka! Pero huminto ito sa harap niya at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “I presume you’re Khaki Villazar,” she said in a flat tone. Nakaramdam siya ng pagkairita sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya na parang isa siyang insekto. Tumikhim siya bago tumayo. “Yeah. And you must be Luka Mercado?” tanong niya sabay lahad ng kamay rito. Tiningnan lang nito ang kamay niya at saka tahimik na umupo. “I’m hungry. Can we just eat and get this ‘date’ over and done with?” He was tempted to strangle the beautiful neck of this rude woman. Ni hindi man lang ito humingi ng sorry dahil sa pagka-late nito sa “date” nila. Pagkatapos, ito pa ang may ganang magpakita ng iritasyon. Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili. Easy, Khaki. She’s a woman. And you should always be gentle with women. Nang kumalma na siya ay umupo na rin siya. Magkatapat sila ng upuan. Tinawag nito ang waiter at um-order. Ganoon din ang ginawa niya. Tumikhim siya nang makaalis ang waiter. Nang tingnan siya nito ay nginitian niya ito. “Hello. Can I call you ‘Luka’?” “Okay,” bale-walang sagot nito. “Call me ‘Khaki’ then. Anyway, don’t you remember me? We used to be playmates when we were kids. Nagkahiwalay lang tayo dahil sa US ako nag-aral. Nang bumalik naman ako rito sa Pilipinas, bumukod na ako kay Tita. It’s been a while.” He smiled his killer smile. “It’s good to see you again, Luka.” Pero walang epekto rito ang pamatay niyang ngiti. Nangangawit na ang mga panga niya sa kakangiti. Pero hindi siya puwedeng sumuko. He had to be nice to her and capture her heart. “I don’t remember you.” Nabura ang ngiti niya. Gaano kaya karaming pasensiya ang kailangan niya para ma-tolerate niya ito? Mabuti na lang at dumating na ang order nila. Doon na natuon ang atensiyon niya. Habang kumakain ay nagkuwento siya rito. Mula sa mga nilalaro nila noong mga bata pa sila hanggang sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon. But Luka remained expressionless. Nakatuon ang buong atensiyon nito sa kinakain na parang hindi siya nito kasamang kumakain sa mesang iyon. She didn’t respond to him, not even once. Hindi na siya nakatiis, tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. “Luka, pareho tayong napilitan lang sa date na ito, okay? But since we’re already here, we might as well enjoy it. Saka 'wag kang masyadong seryoso. Sige ka, baka hindi ka makapag-asawa niyan. Maganda ka pa naman,” he said cheerfully to lighten the mood. Nag-angat ito ng tingin sa kanya sa unang pagkakataon mula nang magsimula itong kumain. Nagkaroon siya ng pagkakataong mapag-aralan ang mukha nito. She had a small, pretty face, a cute pointy nose, and nice rosy lips. Lumitaw rin ang kaputian nito dahil sa kulay ng suot nito. Her skin looked so soft and smooth. Hindi siya makapagkomento sa buhok nito dahil halatang wig lang ang pink na buhok nito. Ni hindi niya iyon matingnan dahil sa kulay niyon. And those dark, empty eyes. He didn’t know why but he felt a prick in his heart as he stared back at her. Bumuntong-hininga ito. “Do you think I’ll marry someone from your kind?” From my kind? nagtatakang tanong niya sa isip. Sa kabila niyon ay ngumiti pa rin siya. “Of course.” She scoffed. “Mas gugustuhin ko pang idikit ang mukha ni Ichigo Kurusaki sa unan at pakasalan iyon kaysa magpakasal sa isang tulad mo.” He gasped. Did she just say she wasn’t interested in him? And who the hell was Ichigo Kurusaki? “I suppose you’re paying for the food,” anito nang matapos itong kumain at eleganteng punasan ang bibig gamit ang table napkin. Napatango lang siya. “Thank you for dinner. Have a good night, Mr. Villazar.” Iyon lang at tumayo na ito. He was too shocked to say anything. Nasundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa maglakad ito palabas ng restaurant nang nakataas-noo. Did she just walk out on him? It was supposed to be the other way around! “Your long locks are f*****g pink, you shorty!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
537.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.8K
bc

My Stranger Husband

read
7.3M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook