bc

Killer's Vixen (Tagalog SPG)

book_age18+
2.3K
FOLLOW
8.4K
READ
killer
fated
badboy
goodgirl
drama
comedy
sweet
bxg
passionate
like
intro-logo
Blurb

"Matatanggap mo pa kaya ang kaniyang nakaraan kung isa siyang mamamatay tao?"

Pavian Guillermo is a ruthless socialite killer. Maraming dumanak na dugo mula sa kaniyang mga kamay. Nag-iba siya simula nang mamatay ang nag-iisang nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal na si Pablo Guillermo. Pagkatapos ng insidenteng ‘yon ay naging palaboy siya hanggang sa makuha siya ng isang sindikato. Si Onyx ang nagpakita sa kaniya na dapat hindi siya maging mahina at kailangan niyang lumaban para mabuhay. Nagkaroon ng alyansa sa samahan at binalak silang patayin ni Onyx ngunit naging maagap siya at iniligtas niya ito mula sa kapahamakan. Simula noon ay nagkaroon ng tiwala sa kaniya ito at ipinasa siya sa solidong samahan ng mga mamamatay tao matapos nilang tapusin ang buhay ng mga traydor at ibigay sa kalinga ang mga inosenteng bata sa isang ampunan.

Naging mas dalubhasa na siya sa pagpatay at siyempre hindi niya kinalimutang hindi balikan ang pulis na pumatay sa kaniyang Tatay Pablo. Tinagurian siyang best among the killers sa Drako kung kaya’t maraming naiinggit sa kaniyang galing lalong-lalo na si Mierpey Eldimeio. Wala naman siyang magagawa kung patay na patay din sa kaniya si Chantal Ledesma, ang anak ng may-ari ng Drako na lalong ikinagagalit nito.

Nang magkaroon ng bagong assignment sa Drako at ang papatayin nila ay si Luciana Lashorte para magkaroon siya ng immunity na maging malaya. Ngunit may hindi inaasahang pangyayari na magpapabago sa kaniyang buhay.

Nang naaksidente siya'y matatagpuan siya ng isang albularya na nagngangalang Sharon Cordova kasama ang lola nito at nakalimutan na rin niya kung sino siya kaya't mabubuhay siya sa pangalang Pancho.

Itutuloy niya ba ang kaniyang buhay bilang isang killier oras na bumalik ang alala niya o mamumuhay na lang siya nang tahimik kasama ang babaeng nagmamahal sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 ✓
Disclaimer:  Plagiarism is a crime. All of the scenes, names and dialogues are pure fiction and imagination of the author. If there is any resemblance in reality it is only a pure coincidental. This story contains scenes that are not suitable for very young readers.  All rights reserved © Anjzel Ica 2021 --- Kabanata 1: Past Taong 1990   MALAKAS ang buhos ng ulan at kasalukuyang inaayos ni Mang Pablo ang trapal na kaniyang nagsisilbing pananggalang sa ulan. Kumakalam na rin ang sikmura niya ngunit wala siyang magawa lalo na’t mahirap suungin ang bagyo. Umuungot na rin ang aso niyang si Blacky. “Mamaya na, ha? Malakas pa ang buhos ng ulan at hindi ko kayang suungin din ang baha. Magpatila muna tayo,” aniya sa aso na habang hinihimas ang balahibo nitong itim. Napabuntonghininga siya dahil ang hirap naman ng kanilang buhay. Napatingin siya sa bubong na may tumutulong tubig sa mga palanggana niya at timba. Iniwan na siya ng kaniyang mga anak dahil may pamilya na sila. Ayaw naman niyang maging pabigat kaya’t mas pinili niyang mamuhay kasama ang aso niyang si Blacky. “Hihinto rin ito at makakakain na rin tayo.” Napadapa na lang sa kaniyang sa mesang tinutungtungan nito. Makalipas ang ilang mga sandali ay tumila na rin ang ulan. Ang mga naipon nilang tubig sa palanggana at timba ay ibinuhos nila sa isang malaking lalagyan para magamit nilang pambuhos sa mga dumi ng kaniyang alaga. Nilagyan niya ng tali ang kaniyang aso at nagtungo sila sa karinderya ni Aling Risa. Bibili sila ng makakain at manghihingi na rin ng tira para sa pagkain ni Blacky. Nang makarating sila ay pinaupo niya muna sa bandang gilid ang kaniyang aso. Bumili na muna siya ng isang order ng kanin at ulam. “Oh, kumusta naman kayo, Pablo? Grabe ang lakas ng ulan,” panimula ni Aling Risa nang makita siya nito.                Ngumiti siya at itinuro ang nais niyang ulam. “Oo, eh. Mapalad naman kahit papaano’y hindi bumigay ang aming tirahan,” saad niya.              "Mabuti naman. Sige, heto oh. Magtimpla ka na rin d’yan ng kape kung nais mo para mainitan ang sikmura mo. Ibibigay ko na rin ang itinabi kong mga tira kay Blacky.”              “Maraming salamat.” Kinuha na niya ang mga binili niya at bumalik na siya kinalalagyan ni Blacky na tahimik lamang naghihintay sa kaniyang pagbabalik. Kumain muna siya at pagkatapos ‘non panaka-nakang pinapakain niya sa gilid ang kaniyang aso sa ulam niyang may buto ng manok. “Kumain ka na muna r’yan. Pasensya na’t nalipasan ka ng gutom,” usal niya at umuungot-ungot naman ito at nagpatuloy sa pagkain.              Pagkatapos nilang kumain ay pinabuunan ni Aling Risa ng mga tirang ulam si Blacky kaya’t masayang-masaya siya. Pabagtas nila ang daan pauwi nang may makita siyang batang lalaking umiiyak. Nasa tantiya niya’y mag-iisang taong gulang malaking bulas din.              “Anak, bakit ka nand’yan?” tanong niya. Humikbi naman ito at kahit marungis ito’y kinarga niya. Nagpalinga-linga naman siya dahil nakapagtataka na biglang sumulpot ito. Basang-basa pa naman ang daan. Mga walang puso naman ang nag-iwan sa paslit na ito. “Halika, sumama ka sa ‘kin.”               Wala naman siyang magawa kundi ang isama ito lalo na’t wala namang magkukupkop dito. Isinama niya ang bata sa kaniyang munting tahanan. Kakatuwa na ang batang ito’y napakabait at nakakawala ng pagod.                “Ano’ng pangalan mo?” tanong niya at ngumiti naman ito habang nililinisan niya. Napangiti rin siya dahil nakakahawa ang ipinapakita nito. “Kung hindi mo alam ang ‘yong pangalan ay tatawagin na lang kitang Pavian. Ako ang Tatay Pablo mo at magiging magkasama na tayo rito sa ‘ting munting tahanan.           KINABUKASA’Y dala-dala niya si Pavian na nasa loob ng karton habang siya nama’y nakaupo sa gilid ng kalsada. Kinagat naman ni Blacky ang kaniyang sombrero. Ipinatunog niya ang kaniyang harmonica at iba’t-ibang awitin ang kaniyang ipinamalas. Naengganyo naman ang mga napapadaan. Sumasayaw-sayaw din sa saliw ng musika ang buntot ni Blacky na lalong nagpapasaya sa kanila kaya’t hindi nila napigilang maglaglag ng mga barya at ang iba nama’y mga papel na pera na nagpapagana sa kaniyang pagtutugtog.             Pakawag-kawag din ang mga kamay ni Pavian habang humahagikhik. Giliw na giliw ang mga kababaihan at mga ina na maglaglag. Sa araw na ‘yon ay nakalikom sila nang malaki. May pambili na ng gatas ang batang musmos. Simula ‘non ay naging suwerte na ito sa bawat pagtugtog niya. Umabot ng anim na taon ay gano’n ang kanilang buhay. Magtutugtog sa kalsada, kakain sa karinderya, mag-aaral-aralan para matuto si Pavian na magbasa, magsulat at magbilang mula sa lamparang de gaas.                “Tay, ano po’ng kahilingan na gusto ninyong matupad?” tanong ni Pavian, na ngayon ay anim na taong gulang.               Ngumiti naman siya habang pinapaypayan ito. “Gusto kong magkaroon ka ng magandang buhay, Anak.”               Ngumuso naman ito sabay yakap sa kaniya nang mahigpit. Mahal na mahal niya ang batang ito. Naging sandalan din niya ito sa mga panahon ng kalungkutan. Ika-nga kapalaran na rin ang nagdikta na mag-krus ang kanilang mga landas.             “Tay, dapat po kasama kita do’n,” saad nito at lumamlam naman ang kaniyang tingin.              “Anak, ang buhay ay mapaglaro. Dapat maki-ayon ka para hindi ka mawala sa daloy. Kaya naman kahit ano’ng mangyari ay maging matapang ka’t malakas. Huwag kang magpapaniwala sa mga sabi-sabi at gawin mo kung ano’ng tama.”              “Mahal na mahal po kita, Tay. Kahit hindi niyo po ‘ko tunay na anak ay inaalagaan niyo pa rin ako,” malambing na turan nito na nagpahalakhak naman sa kaniya.              “Sino ba’ng hindi magmamahal sa isang tulad mo. Isa kang biyaya, Pavian. Kahit hindi tayo magkadugo’y mamahalin pa rin kita at aalagaan. Dugo lang ‘yan ngunit mas matimbang ang pagmamahal,” saad niya at niyakap siya nito nang mas mahigpit. Hinimas niya ang buhok nito habang pinapaypayan niya ito habang nasa loob sila ng kulambo. Hindi rin naman niya malalaman ang dikta ng kapalaran ngunit nais niyang bago niya lisanin ang mundo’y may matutuluyan si Pavian at makita nito ang tunay na mga magulang. Alam nitong hindi siya ang tunay nitong kapamilya ngunit napakabuting bata nito at napakatalino. Hinimas niya ang buhok nito hanggang sa makatulog.              “Mabuhay ka nang mas matagal, Pavian…” usal niya.   DUMATING ang pinakahihintay na araw ni Pavian at pitong taong gulang na ito. Masaya siya dahil gano’n katagal na silang magkakasama. Dating gawi’y tumugtog siya ng harmonica ngunit kasama na si Pavian na talagang ikinakabilib ng mga tao. Si Blacky nama’y nagpapakitang gilas din. Marami silang nalikom ngunit sa sobrang dami’y bumigay ang sombrero at nabutas.              “Hala! Nabutas!” bulalas ni Pavian at dali-daling tumakbo para habulin ang mga baryang naglaglagan. Napabuntonghininga naman siya at tumayo ngunit nanakit naman ang kaniyang likuran kaya’t hindi siya makapagpulot ng barya. “Tatay, ako na lang po’ng pupulot. Upo lang po kayo r’yan.”               Napangiti naman siya. Nagpalinga-linga siya at nakita niya ang tindahan ng mga sombrero sa kabilang kanto. Bibili siya ‘non pati na rin ang keyk at lobo na nais ni Pavian.             “Woooh! Nakuha ko na rin po, Tay. Walang labis at wala ring kulang,” bibong turan nito habang labas na ang tiyan dahil nasa loob ng nakabilot nitong damit ang mga nalikom nilang pera.             “Halika na’t magtungo na tayo do’n sa kabilang kanto.”              Tumayo na siya habang nakatungkod. Nasa kaniyang gilid naman si Pavian at si Blacky na malaki na. Nang makarating sila’y agad siyang bumili ng sombrero na ikinatuwa nito.               “Yey! May bago na tayong lalagyan ng pera, Blacky. Pupunuin po natin ito, Tatay.” Napangiti naman siya at hinawakan ang kamay nito. Bitbit din niya ang sombrerong may laman na ngayong pera para bumili ng keyk at lobo. Pinili niya ang pabilog na keyk na may simpleng disenyo at bumili na rin ng pulang lobo.              “Ineng, puwede bang pakisindihan na rin ang kandila sa keyk?” tanong niya at magalang na tumango naman ang tindera.              “Opo, puwedeng-puwede po,” sagot nito habang may ngiti sa labi. Mga ilang sandali pa’y hawak-hawak niya ang alalay ng keyk habang may sinding apoy ang kandila.              “Tatay. . .” usal nito habang lumuluha.              “Maligayang Kaarawan, Anak. Sana’y nagustuhan mo ang mga binili ko para sa ‘yo,” saad niya at agad naman siya nitong niyakap sa baywang niya. Pinipigilan niya ang kaniyang luha na bumagsak.              “Salamat po, Tatay. Masayang-masaya po ‘ko,” umiiyak na turan nito na ikinatawa naman niya.              “Hipan mo na ang kandila, Anak.”              Agad naman nitong pinunasan ang luha at hinipan ang kandila. Nagpalakpakan naman ang mga tindera ng panaderya at ang tindero ng lobo.             “Maraming salamat po ulit sa napakagandang sorpresa na ito, Tatay.”              “Wala ‘yon, Anak. Gusto mo ba’ng kumain ng sorbetes?” tanong niya at tumango naman ito. Magkahawak kamay silang nagtungo sa nagtitinda ng sorbetes habang hawak-hawak ang kahon ng keyk at sa kabilang kamay naman nito ang lobo.              “Pabili po ng sorbetes. Pakiramihan ang sa kaniya dahil kaarawan niya,” aniya at napangiti naman ang tindero ng sorbetes. Ngunit nagulat sila nang may naghahabulang pulis at lalaki ang dumaan sa kanilang direksyon. Nagpaputok ang pulis at agad niyang iniharang ang sarili imbes na si Pavian ang mabaril. Naramdaman niyang may tumamang bala sa kaniyang dibdib na ikinatumba niya at nabitawan niya ang kahon ng keyk.               “Tatay!” hiyaw ni Pavian habang pilit siyang tinatayo. Nabitawan din nito ang kaniyang biniling lobo at pinapahinto ang pagdurugo sa kaniyang dibdib. “Tulong po! Tatay! Tulungan ninyo po si Tatay ko!” Ngunit walang pumapansin na ibang tao at bakas ang takot sa mga mukha. Napaubo siya ng dugo at hinimas ang pisngi nito.              “Mabuhay ka, Pavian. . .” usal niya hanggang sa magdilim ang kaniyang paningin. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.6K
bc

The Sex Web

read
132.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.8K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook