bc

A Trillionaire in Disguise

book_age16+
211
FOLLOW
3.1K
READ
city
like
intro-logo
Blurb

Si Luke Cruise ay isang mahirap at walang kwenta sa mata ng karamihan. Halos araw-araw nila ito kung laitin at maliitin. Itinatrato siya nila bilang isang basura. Pero ang hindi nila alam ay nagmula si Luke sa angkan ng pamilya Cruise, na siyang pinakamayaman na pamilya sa buong mundo. Ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang tunay niyang pagkakakilanlan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Break Up
"Luke! Bakit ang tagal mong sagutin? Bilisan mo! Pumunta ka agad ngayon dito sa cafeteria! May kailangan kang makita!" Maririnig ang pag-aalala sa boses ni Tony mula sa kabilang linya ng tawag. "Bakit, anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Luke habang nakakunot ang kanyang noo. Nasa kalagitnaan siya ng pagligo nang magsimulang tumunog ang kanyang cellphone. Patuloy lang ito sa pagtunog hanggang sa matapos siyang maligo. Nang makitang si Tony ang tumatawag ay agad niyang sinagot ito. Nakasuot lamang siya ng puting tuwalya at natatakpan lang nito ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, habang nakalantad naman ang itaas na bahagi na may magandang hubog na animo'y alagang gym. Kapansin-pansin din ang maliit nitong birthmark sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na tila para bang hugis ulo ng isang dragon. Kung sino man ang makakakita nito ay aakalaing tattoo ito ng ulo ng dragon. "Basta dalian mo! Pumunta ka agad dito! Si Veroni—" Hindi natapos si Tony sa kanyang sasabihin. Pagkatapos ay nakarinig si Luke ng sigaw ng isang lalaki sa kabilang linya na para bang si Tony ang sinisigawan nito. "Hello, Tony? Anong nangyari kay Veronica? Hello?" Naguguluhang tanong ni Luke pero pinatay na ni Tony ang tawag. Nakaramdam si Luke na parang may hindi magandang nangyayari base na rin sa tono ng boses ni Tony lalo pa't sinubukan nitong banggitin ang pangalan ni Veronica. Sinubukan ulit itong tawagan ni Luke ngunit hindi ito sumasagot. Medyo nakaramdam siya ng pagkabahala. May nangyari bang masama kay Veronica? Dali-daling nagbihis si Luke at pumunta ng cafeteria. Samantanla sa cafeteria, may ilang estudyanteng pumapalakpak at may ilan namang humihiyaw sa tuwa. Yung iba naman ay nagrerecord gamit ang kani-kanilang cellphone. Nakapalibot sila sa dalawang estudyante na tila magkasintahan. Parehas silang nakangiti sa isa't-isa. Narating ni Luke ang cafeteria. Napansin niya ang mga estudyanteng nagtitipon-tipon sa gitna, sa mismong harap ng cafeteria. Sinubukan niyang hanapin si Tony pero hindi niya ito makita. "Anong nangyayari dito?" tanong niya sa isa sa mga estudyanteng kanyang nakasalubong. Agad siyang nakilala ng estudyante. Umiling-iling lamang ito saka umalis na wala man lang binabanggit na kung ano. Bahagyang nagulumihanan si Luke dahil sa inasta ng estudyante. Nakipagsiksikan siya sa mga estudyante para makita niya kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Sa kanyang gulat, nakita niya ang kanyang kasintahan na si Veronica at isang matangkad na lalaki. Magkatabi ang mga ito sa gitna. Estudyante din sa mismong paaralan ang lalaki. Magkahawak sila ng kamay at napakasaya nila kung pagmamasdan na para bang kakatapos lang nila ikasal. Agad na nakilala ni Luke kung sino ang lalaki. Si Richard Gregory ito. Isa lamang itong bagong lipat na estudyante sa kanilang unibersidad tatlong buwan na ang nakakaraan. Isa ito sa anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang syudad. Bukod sa mayaman ay napakagwapo din nito na agad umakit sa maraming kababaihan. Marami agad ang nagkagusto dito unang tapak palang nito sa unibersidad. Sa loob lamang ng tatlong buwan ay nagkaroon agad ito ng maraming kaibigan at nagtamo ng kasikatan dahil sa kanyang estado sa buhay. Kahit na mismo mga faculty staff members ay napakaganda ng pagtrato ng mga ito sa kanya. "Veronica? Anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong ni Luke habang nagpalipat-lipat kay Veronica at Richard ang kanyang tingin. Nawala ang ngiti sa labi ni Veronica nang marinig nito ang boses ni Luke. Napalingon siya sa kinatatayuan ni Luke, pagkatapos ay saglit na nanigas sa kanyang kinatatayuan. "Oh s**t! The loser boyfriend is here." sambit ng isa sa mga estudyanteng nakapalibot saka mahinang natawa at itinapat nito ang camera ng kanyang cellphone sa kinatatayuan ni Luke. "Correction! Ex-boyfriend!" pagtatama ng isa sa nauna na sinundan ng mahinang pagtawa. "Kawawang Luke, dumped like a garbage. What a cheap loser." sambit pa ng isa habang nakangisi. "Richard is so much better than you so please just go away and don't ruin the mood!" sigaw pa ng isa. Sumali naman ang iba pang estudyante at nagsimula na ring itaboy si Luke. "Oo nga! Umalis ka na!" halos pare-parehas na sambit ng iba pang estudyante. Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Luke matapos niyang marinig ang kanilang mga sinabi. Hindi sa dinidibdib niya ang mga masasakit nilang salita, sanay na siya dun. Kung hindi ay ang ideyang pinagpalit siya ni Veronica kay Richard. Totoo ba? "L-Luke, magpapaliwanag ako." bahagyang nauutal na sambit ni Veronica. Sobrang saya ni Veronica kanina nang magtapat si Richard ng pag-ibig sa kanya. Hindi niya naisip na baka makita sila ni Luke o baka malaman ni Luke ang tungkol dito at ito nga ang nangyari. Napakatanga niya at hindi siya nag-iingat! Pero nangyari na ang nangyari. Wala nang dahilan pa para itanggi at ilihim ang bagay na ito kay Luke. Isa pa ay napakalayo ng agwat ng estado sa buhay ni Richard kumpara kay Luke. Walang magagawa si Luke laban kay Richard. Ang dapat niya nalang gawin ngayon ay ang makipaghiwalay dito. Binitawan ni Veronica ang kamay ni Richard at saka hinarap si Luke. Hinablot niya ang dalawang kamay ni Luke at sinabing, "I'm... so sorry Luke. Alam ko kung gaano mo ako kamahal, and I appreciated that. Pero to tell you the truth, hindi na ako masaya sa relasyon natin. I found out lately na hindi ikaw ang tamang lalaki para sa akin. Unang beses ko palang na nakita si Richard at matapos na makilala siya nang lubos, I know it's him! It's him that I love. So, I'm breaking up with you. I'm really sorry." Kahit papaano ay nakaramdam siya ng pagkakasala nang banggitin niya iyon. Kumabog ang dibdib ni Luke nang marinig niya ang mga sinabi ni Veronica. "Veronica, anong ibig mong sabihin? Makikipaghiwalay ka na sa'kin? Nagbibiro ka lang hindi ba?" tanong ni Luke na tila hindi makapaniwala. Kumawala ito sa pagkakahawak ni Veronica. Paano magkakaroon ng pagmamahal si Veronica kay Richard sa loob lamang ng napakaikling panahon? Isa ba itong biro? Pagkatapos ng dalawang taon at kalahating kanilang pinagsamahan ay makikipaghiwalay na ito sa kanya na para bang biro lang ang kanilang naging relasyon? Ganun nalang ba kadali para kay Veronica iyon? Nakatitig lamang siya sa mga mata ni Veronica, nagbabakasakaling nagsisinungaling lang ito. "No Luke, nagsasabi ako ng totoo. I-I really don't love you anymore. Natatakot lang akong magtapat sayo ng tunay kong nararamdaman. Naghahanap lang ako ng tamang oras para makipaghiwalay sa'yo. Ayaw lang kitang masaktan. Sana maunawaan mo ako." taos-puso nitong sabi habang sinusubukang hawakan muli ang mga kamay ni Luke, pero tinanggihan ito ni Luke. Sa loob ng mga panahong kanilang pagsasama, tiniis ni Veronica ang lahat ng pang-iinsulto ng mga taong hindi sumasang-ayon sa kanilang relasyon. Kahit na mismong kanyang mga magulang ay tutol din sa kanilang dalawa dahil sa alam nilang isa lamang mahirap si Luke. Pero hindi siya nakinig. Ang bagay lang na alam ni Veronica ay mabuting tao si Luke. Pero syempre ay gwapo din naman ito. Iyon lang ang tanging rason kung bakit nahulog ang kanyang loob kay Luke. Pero napakainosente niya pa pagdating sa pag-ibig ng mga panahong niligawan siya ni Luke at sinagot niya ito. Gusto niya lang maranasan na magkaroon ng nobyo. Dumating ang puntong nagsawa din siya sa mga masasakit na salitang halos araw-araw na bumubungad sa kanya. Napagtanto niya din na walang naghihintay na magandang kinabukasan para sa kanilang dalawa kapag nagpatuloy ang kanilang relasyon. Tama ang kanyang mga magulang. Walang magandang maidudulot si Luke sa kanya at sa kanyang pamilya. Kahit na masipag at pursigido si Luke, ay walang paraan para mamuhay ito nang marangya sa hinaharap dahil sa pangkasalukuyan nitong estado sa buhay. Baka maging mahirap ito sa buong buhay nito at ayaw na ni Veronica na patagalin pa ang kanilang pagsasama. May pakialam pa naman siya sa sarili niyang estado sa buhay at sa kanyang pamilya. Ayaw niyang hilahin siya ni Luke papaba kasama niya. Ngayon na siguro ang tamang oras, kahit na hindi inaasahan, na makipaghiwalay kay Luke. Wala na siyang pakialam kahit ano pa man ang isipin ni Luke o ng ibang tao sa kanya. Ang mahalaga sa ngayon ay nobya na siya ni Richard. Ang pinakamayamang estudyante sa unibersidad at isa sa anak ng mayamang pamilya sa kanilang syudad. Panandaliang natahimik si Luke. Masasabi niyang nagsasabi ng totoo si Veronica at nakikita niya iyon sa mga mata nito pero ayaw niya iyong paniwalaan. Hindi niya matanggap ang katotohanang nakikipaghiwalay na sa kanya si Veronica. Sa tagal ng kanilang pagsasama ay akala niya na masaya rin si Veronica sa kanilang relasyon. Akala niya ay si Veronica na ang babaeng ihaharap niya sa kanyang mga magulang at ang babaeng papakasalan niya. Pero nagkakamali siya. Lahat ng kanyang pagsisikap para lang mapasaya si Veronica at maitaguyod ang kanilang relasyon ay napunta lang sa wala. Tinitigan nang masama ni Luke si Richard. Anong karapatan ng lalaking ito na manghimasok sa kanilang relasyon at agawin ang babaeng minamahal niya? Makikita ang galit sa mga mata ni Luke pero nanatili siyang tahimik. Gusto niyang suntukin nang malakas sa mukha si Richard. Nanatili namang kalmado lamang si Richard habang nakangisi. Nababasa niya ang iniisip ni Luke. Lumapit ito kay Veronica at hinawakan ang kamay nito. "Hindi ko na kasalanan kung naging pabaya ka sa nobya mo. Isa pa, hindi ko siya inagaw sa'yo. Mahal niya ako at pinili niya ako kaysa sa'yo. What's wrong with that? Besides you are not worthy of such beauty like Veronica at all. Isa ka lang basura na pakalat-kalat sa unibersidad na ito. Hindi ko nga maintidihan kung paano ka nakapasok sa paaralang ito." sambit nito pagkatapos ay mahinang natawa sabay akbay kay Veronica. "Look at yourself Luke. Karapat-dapat ka ba talaga para kay Veronica? Hindi ka ba nahihiya?" biglang sabat ng isang babaeng estudyante na isa rin sa mga nakapalibot sa kanila. Tumabi ito kay Veronica saka nandidiring tinitigan nito si Luke. Si Patricia iyon. Pinsan ni Veronica. Kahit na isa siyang sophomore student, ay hindi siya nagbibigay ng galang sa mga seniors lalo na sa katulad ni Luke. "Look at your clothes. Nasa pribado kang paaralan pero ganyan ka manamit? Why? That's because you're so poor that you can't even afford to buy a decent clothes? Hindi ko alam kung anong klase ng gayuma ang ginamit mo para akitin ang pinsan ko." sambit nito habang punong-puno ng panlalait ang kanyang mga mata. Napahalukipkip ito. "Ngayong wala nang epekto ang gayuma mo, so please stay away and let my cousin be with Mr. Perfect guy." pagpapatuloy nito habang nakangiting nilingon si Richard at iniisip kung gaano kaswerte ang kanyang pinsan. Simula't sapul palang talaga ay pinandidirian na ni Patricia si Luke. Siya ang nangungunang tumututol sa relasyon nila ni Veronica. Ngayong napagtanto na ni Veronica na isang basura lang si Luke, wala nang dahilan para magpigil pa. Hindi umimik si Luke. Hindi niya pinansin si Patricia sa halip ay tumitig siya nang diretso sa mata ni Veronica at nagtanong, "Mahal mo ba talaga siya?" Mababakas ang lungkot sa boses at mga mata ni Luke. Pagkatapos ng ilang sandali, ay buo ang loob na sumagot si Veronica. "Yes, Luke. I love Richard and I hope you'll understand. At please lang, 'wag mo nang subukang guluhin kami sa hinaharap. Para na rin sa ikabubuti mo." Kahit na ganun pa man ang naging desisyon ni Veronica, may natitira pa rin naman siyang pag-aalala para kay Luke. Sa kabila ng lahat ay dalawang taon at kalahati ang tinagal ng kanilang naging relasyon. Nag-aalala pa rin siya sa maaaring mangyari dito sakaling tangkain nitong guluhin sila ni Richard. Alam niya kung gaano kamakapangyarihan ang pamilya ni Richard. Marami silang koneksyon at meron ding sabi-sabi na konektado din sila maging sa Underground Society. Kapag sinubukan ni Luke na gumawa ng ano mang bagay laban sa kanila ni Richard ay siguradong pagsisisihan lamang ito ni Luke. Parang tinusok ng karayum ang puso ni Luke nang marinig niya ang naging sagot ni Veronica. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Veronica. Sinubukan niyang ngumiti para itago ang sakit na kanyang nararamdaman pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka sinabing, "Okay. Kung 'yan ang desisyon mo, hindi na kita gagambalain pa. Sana maging masaya ka sa naging desisyon mo." pagsuko niya. Pagkatapos nito, tahimik na nilisan ni Luke ang cafeteria. Sinubukan pa ng ilang estudyante na insultuhin siya at maliitin pero hindi niya sila pinansin na tila ba parang hindi niya sila naririnig. Sa kabilang dako naman, habang pinagmamasdan ni Veronica ang papalayong si Luke, pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang napakaimportanteng bagay sa kanyang buhay. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO'S Naughty Daughter

read
55.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook